top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Gina Pleñago | April 1, 2023




Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sa darating na Semana Santa, puwedeng dumaan ang lahat ng mga provincial bus sa kahabaan ng EDSA.


Mula Abril 3 hanggang 5, ang mga panlalawigang bus ay papayagan sa EDSA mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling-araw; at mula Abril 6 hanggang 10, round-a-clock namang pahihintulutan ang pagdaan ng mga provincial bus para ma-accommodate ang inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong pupunta sa kani-kanilang probinsya para sa Semana Santa.


Magtatapos ang mga North Luzon sa kanilang mga biyahe sa mga terminal ng bus sa Cubao, Quezon City habang ang manggagaling naman sa South Luzon ay sa mga terminal ng bus sa Pasay City.


 
 

ni Mylene Alfonso | April 1, 2023




Plano ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na magkaroon ng quiet time para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya ngayong Semana Santa.


Sinabi ni Marcos na balak niyang mag-retreat ng ilang araw at gugulin ang Linggo ng Pagkabuhay kasama ang kanyang pamilya na siyang ginagawa nila tuwing Semana Santa kada taon.


Samantala, nagtungo ang Pangulo sa Mariveles, Bataan upang pangunahan ang Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB) Milestone Ceremony.


Nauna rito, nagtungo si Marcos sa Limay, Bataan para sa Kadiwa ng Pangulo, pamimigay ng government assistance at ang inagurasyon ng San Miguel Global Power Battery Energy Storage System (BESS).


 
 

ni Jeff Tumbado | March 18, 2023



Pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bisa ng special permit ng mga pampublikong sasakyan na papasada sa nalalapit na Holy Week ngayong 2023.

Sa ilalim ng Board Resolution No. 009, napagpasyahan ng LTFRB na sa halip na sa ika-2 hanggang sa ika-11 ng Abril, magiging epektibo na ang special permit para sa Holy Week ngayong taon simula sa ika-31 ng Marso hanggang sa ika-17 ng Abril.

Kasunod iyan ng Proclamation No. 90 ng Malacañang na nagdeklara sa ika-6 (Maundy Thursday) at ika-7 (Good Friday) ng Abril bilang regular holidays.

Sa ilalim din ng proklamasyon, pansamantalang inilipat sa ika-10 ng Abril ang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan matapos tumapat sa araw ng Linggo ang orihinal na paggunita nito tuwing ika-9 ng Abril.

Batay sa resolusyon, ang pag-amyenda ng LTFRB sa bisa ng special permit ay bunsod ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsya dahil sa mahabang holiday, pagluwag ng travel restriction, at muling pagbubukas ng ekonomiya sa bansa.

“With the five-day break, it will give more Filipinos the chance to spend more time with their families in the provinces and for spiritual reflection during the Holy Week. That is why the Board decided to change the duration of Special Permits so that the commuting public is assured of sufficient supply of public transportation that would take them to their destination,” pahayag ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page