top of page
Kim Chiu - IG.jpg
Search

ni Mylene Alfonso @News | April 2, 2026



Jonvic Remulla

Photo: DILG / FB



Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga panuntunan para sa kaligtasan ng publiko sa ilalim ng kanilang Safer Metro Manila initiative.


Ipinaalala ni Sec. Jonvic Remulla sa mga residente na ipinagbabawal ng Anti-Public Intoxication Act ang pag-inom sa mga kalsada at iba pang pampublikong lugar.


"Bawal na ang mag-inom sa kalye. Bawal na ang maglatag ng mga silya at mga lamesa sa mga kalye at mag-inuman. Doon na nanggagaling number one ang away, number two ang sexual harassment," wika ni Remulla.


Nagbabala ang kalihim na huhulihin ang sinumang mga lalabag.

Muling iginiit ng ahensya ang pinaigting na mga patakaran sa curfew para sa mga menor-de-edad.


Ang mga kabataan na walang patunay ng nagtatrabaho o nag-aaral ay hindi pinapayagang manatili sa mga lansangan matapos ang alas-10 ng gabi.

"'Yung mga rugby boys d'yan, 'yung mga geng-geng d'yan, magtago na kayo. Umuwi na kayo 'pag 10 p.m. Huhulihin namin kayo," diin ni Remulla.


Pinaaalalahanan din ang mga kalalakihan na hindi papayagan ang paglalakad nang walang suot na pang-itaas sa pampublikong lugar, kahit pa mainit ang panahon.

Binalaan din ang mga residente na ipinagbabawal ang pagkanta ng videoke lampas alas-10 ng gabi, maliban na lamang kung may espesyal na okasyon na may permit mula sa barangay.


"'Pag alas-10 [ng gabi], nagbi-videoke pa kayo o kapitbahay n'yo, nagbi-videoke, tumawag na kayo sa 911. At pupuntahan po ng pulis 'yan at papatigilin," saad pa ni Remulla.

 
 

by Info @News | September 23, 2025



Matthew Lhuillier at Chie Filomeno - IG

Photo: Manila DRRMO BG / DILG



Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na isa umanong organized attack at hindi tunay na pagprotesta ang nangyaring riot sa Mendiola kasabay ng kilos-protesta laban sa korupsiyon nitong Linggo, Setyembre 21.


Ayon kay Remulla, binayaran daw ng P3,000 ang mga kabataang nasa 11-anyos pataas mula sa paligid ng Quiapo para sumali sa nangyaring riot.


“Mukhang lumalabas organized group… ang bayad nila sa mga bata ay 3,000 each. May mga videos pa kami na pinapakita nila mga pera nila at niyayabang sa social media,” ayon kay Remulla.


Dagdag pa niya, “Ang instruction [sa mga kabataan], kung kaya niyo umabot ng Palasyo, sunugin niyo. Ganoon lang.”


Gayunpaman, hindi umano sila puwedeng magturo basta-basta sa mastermind ng nasabing gulo.

 
 

by Info @News | September 14, 2025



 Jonvic Remulla

Photo: DILG, SK Federation Manila / FB



Sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na iimbestigahan nila ang naging byahe sa Bangkok, Thailand ng mga Sangguniang Kabataan (SK) leaders sa Maynila na umani ng puna sa publiko matapos kumalat ang ngayo’y deleted ng social media post ni Manila SK Federation President Julianna Ibay.


“We will investigate what is behind this,” ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla.


Ayon sa mga netizen, isa lamang itong pagliliwaliw na gamit ang pondo ng publiko.


Una nang nilinaw ng SK Federation ng Maynila na hindi pagliliwaliw kundi isang training na may kasamang mga seminars at institutional learning and planning sessions kasama ang mga Thai-partner institution ang kanilang ginawa.


Idinagdag din nila na, “Participants are expected to submit Re-Entry Action Plans (REAP) as part of their commitment to apply the knowledge gained within their respective barangays”.


Gayunpaman, itinuro ni Remulla ang pagiging ‘careless’ ni Ibay sa pag-post ng mga larawan ng kanilang trip.


“It is as if she was flaunting on social media,” ayon kay Remulla.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page