top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | October 30, 2025



Taduran vs Balunan boxing

Umiskor si Eman Bacosa ng panalo sa unanimous decision laban kay Nico Salado sa Thrilla in Manila II 50th Anniversary sa Smart Araneta Coliseum kahapon. (fbpix)



Nagamit ni dating unified junior featherweight champion Marlon "Nightmare" Tapales ang  malawak na kaalaman laban kay Venezuelan boxer Fernando Toro sa 6th round knockout sa 8th-round super-bantamweight bout, habang napanatili ni Eman Bacosa ang unbeaten na marka sa undercard matches ng Manny Pacquiao Presents: Blow-By-Blow Thrilla in Manila II sa Smart Araneta Coliseum kagabi. 


Bumanat ng matinding kumbinasyon ang 33-anyos na tubong Tubod, Lanao del Norte upang makamit ang ika-4 na sunod na panalo upang mapaluhod ang Venezuelan boxer na tuluyang sumuko sa ika-anim na round. 


Patuloy na nagpapataas ng kanyang pwesto sa world rankings si Tapales sa No.2 sa World Boxing Council (WBC), No,3 sa IBF, No.4 sa World Boxing Organization (WBO), No.7 sa WBA at No.1.


Napanatili ni Bacosa ang unbeaten na marka sa 7-0-1 matapos makuha ang unanimous decision na panalo laban kay Nico Salado (2-2-1, 1KOs). Naka-puntos ang anak ni Pacquiao ng pagpabor sa mga huradong sina Elmo Coloma at Eddie Nobleza ng 60-53 at kay Danilo Lopez ng 58-55 para sa ikalawang sunod na panalo ngayong taon.


Impresibo sa apat na laban si Bacosa na may malinis na 5-0-1 rekord kasama ang apat na panalo mula sa knockouts.  Sa ibang resulta, pinatumba naman ni Ronerick Ballesteros si Speedy Boy Acope sa 5th round para sa Philippine Youth lightweight bout, tabla ang laban nina Albert Francisco at Ramel Macado Jr. para sa bakanteng WBC International flyweight belt.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | October 2, 2025



Suarez

Photo FIle



Kasabay ng ika-50 taon na pagdiriwang ng "Thrilla in Manila", binibigyan din ng malaking pagkakataon ni 8th division World champion Manny "Pacman" Pacquiao ang mga Pinoy boxers na maitampok ang sa isang international boxing fight upang mas lalong mabigyan ng exposure at umangat sa world rankings. 


Naghandog ng magkasunod na boxing event ang MP Promotions mula sa boxing program na Manny Pacquiao Presents: Blow-by-Blow Presents na hinati sa dalawang araw na unang masisilayan ang 'Prelude' fight sa pagtatanggol sa korona ni International Boxing Federation (IBF) minimumweight champion Pedro "Kid Pedro Heneral" Taduran kontra sa Pinoy challenger na si Christian Baluran sa Okt. 26 sa San Andres Sports Complex sa Malate, Maynila. 


Gaganapin ang tampok na boxing event makalipas ang 3 araw sa Okt. 29 sa pagtatanggol ni World Boxing Council (WBC) mini-flyweight champion Melvin "El Gringo" Jerusalem laban kay South African challenger Siyakhowa Kuse, at ang co-main event nina Tokyo Olympics bronze medalist at unbeaten Eumir Felix Marcial kontra Venezuelan knockout artist Eddy “El Terrible” Colmenares para sa bakanteng World Boxing Council (WBC) International Middleweight Championship. 


"Ito 'yung chance na mabigyan 'yung mga boxers ng break na makalaban sa ganitong international promotion at maipakita yung talent nila and encourage also kase karamihan ng boxers na naka-encounter at nakausap ko sa bansa na para silang nawalan ng pag-asa kasi walang nag-promote kaya sinisikap natin na magkaroon ng promotions na Blow-by-Blow every month para at least kahit papaano ay magkaroon sila ng chance na lumaban at mahasa sila," pahayag ni Pacquiao kahapon sa presscon sa Araneta City, Quezon City. 


"Kase dati nu'ng time namin ilang promotions ang nag-promote ng boxing every month kaya nabibigyan ng break at nade-develop yung mga bata. Kahit ensayo ka ng ensayo sa boxing kung walang promotions, di ka napapalaban, mahirap ma-improve 'yung style mo. Du'n ka kase matututo ng mga kamalian mo para ka ring nag-aaral na 'di sa lahat ng laban ay nag-iimprove ka kung lumalaban ka, pero kung ensayo lang, mahirap," paliwanag ni Pacman na nagsimulang sumabak noong 1995.  


Babanat super-bantamweight No.1 ranked Carl Jammes “Wonderboy” Martin kontra ex- world challenger Aran Dipaen ng Thailand sa 10 rounds at dating undisputed junior featherweight champion Marlon “Nightmare” Tapales na makakatapat si Nadir “Hulk” Baloch ng Pakistan.,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,

 
 

ni Gerard Arce @Sports | September 2, 2025



Suarez

Photo FIle


Makalipas ang mahigit tatlong buwan, nanatiling matyagang naghihintay ang kampo ni Olympian boxer at unbeaten Filipino challenger Charly “The Kings Warrior” Suarez sa susunod na hakbang na ilalatag ng Top Rank patungkol sa rematch kontra Mexican champion Emanuel “El Vaquero” Navarrete kasunod na rin ng kautusan ng World Boxing Organization (WBO).


Matapos mapagpasyahan ng California State Athletic Commission (CSAC) na desisyunang “No Contest” ang junior-lightweight title sa pagitan nila ni Navarette noong Mayo 10 sa Pechanga Arena sa San Diego, California, kasunod ng kontrobersyal na unang pataw na technical decision matapos magtamo ng cut ang Mexican boxer dulot umano ng accidental headbutt ay ipinatigil ni referee Edward Collantes ang laban.


Subalit makaraan ang malalim na pagsusuri ay hindi naging malinaw ang hatol na ibinase sa iskor ng mga huradong sina Lou Morett at Fernando Villareal na 77-76 at Pat Russell sa 78-75, na pare-parehong pumabor kay Navarette, kung saan tumama ang suntok ni Suarez sa ulo ni Navarette na naging sanhi ng pagdugo, kaya’t napagdesisyunang baguhin ang hatol noong Hunyo 2 ng CSAC.


Inaantay na lang namin ang notice ng laban for rematch,” pahayag ni head trainer at manager Delfin Boholst sa mensahe nito sa Bulgar Sports kahapon. “Waiting sa announcement baka mga November.”

 

Tinatapos na lang ni Charly, 37-anyos ang duty niya. Dun kami magtuloy-tuloy ng preparation for Navarette,” saad ni Boholst.


Nananatiling No.1 ranked si Suarez na may 18-0 win-loss record kasama ang 10 panalo mula sa KOs. Gayunman, hindi man pabor sa desisyon ng CSAC, hangad ni Boholst na maganap ang rematch upang makaiwas na hindi umakyat ng dibisyon si Vaquero. 


Dapat hindi muna, tapusin muna ang laban bago umakyat. Pero kung ayaw nila wala kami magagawa. Kung sino ang ibigay ng Top Rank kay Charly go kami lagi ni Charly hindi na bata si Charly para mamili ng maging kalaban.”     

 
 
RECOMMENDED
bottom of page