top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | September 2, 2020


ree


In fairness, inamin ni Joshua Garcia na nag-text siya kay Gerald Anderson at sinabi rin naman nito ang rason ng pagte-text sa kapwa Kapamilya actor. Siguradong marami ang gustong malaman ang buod ng text ni Joshua kay Gerald dahil hindi niya in-elaborate.


Sabi ni Joshua nang matanong kung sino ang gustong i-text ngayong pandemic, “Siguro, si Kuya Gerald. Pero hindi online, hindi ko kailangang i-online. Siya, kasi na-realize ko nu'ng quarantine, nu'ng nag-lockdown, ang hirap, ang liit ng industriya namin. Ang hirap nu'ng may ka-awkward-an.


"Ang ginawa ko, tinext ko siya. Sabi ko, ‘Bro, Joshua ito. Gusto ko lang maging honest, lahat.' Tinext ko siya ng ganu'n, pero hindi pa siya nagre-reply. Hanggang du'n lang ang kaya kong ibigay na text. Para ma-clear lang 'yung air sa lahat ng nangyari. Nahihirapan akong gumalaw, parang ganu'n ‘yung feeling. Nagka-issue kayo, ganyan. I’m being honest lang, ha, kasi ako, wala naman akong kaso sa kanya. Ako, sobrang cool na ako sa kanya. Ako, okay na ako sa kanya.”


Matatandaang si Gerald ang inaakusahang third party sa breakup nina Joshua at Julia Barretto, bagay na itinanggi na nina Gerald at Julia.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | August 30, 2020


ree


Eksklusibong nakapanayam ng Cinema News At Home Edition si Joshua Garcia na ipinalabas nu'ng nakaraang Biyernes hosted by Bianca Gonzales at dito'y inamin ng Kapamilya actor na kung may isa siyang tao na gusto niyang makausap na "no holds barred" ngayong lockdown, ito ay si Gerald Anderson.


Ayon kay Joshua, tinext niya si Gerald kung puwede ba silang mag-usap para maayos ang lahat pero hindi pa siya nakatanggap ng reply mula rito.


Paliwanag ni Joshua, ngayong lockdown ay mahirap na may taong 'pinangingilagan' niya lalo na't itinuring niya ito na parang kuya dahil iisa lang ang handler nila at maliit ang mundo ng showbiz at nasa iisang network lang sila.


Tinanong din si Joshua kung ano ba ang isang bagay na pinaka-na-miss niya kay Julia Barretto mula nang mag-break sila, at agad niyang sagot, ito ay ang presensiya sa buhay niya ng ex-girlfriend.


Inamin din niyang iba rin kasi sa pakiramdam na alam mong may kasama ka sa lahat ng bagay lalo't sila na ang magkasama mula nang nagsisimula siya sa showbiz.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page