top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | September 11, 2021




Hello, Bulgarians! Kamakailan ay inihayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pangalawang pagpapatupad ng Debit-Credit Payment Mechanism (DCPM) na sumasaklaw sa natanggap na in-process claim mula Abril 8 hanggang Agosto 9, 2021.


Una nang ipinatupad ang mga claim na natanggap mula Marso 8, 2020 hanggang Abril 7, 2021, sa second wave ng DCPM ay ibinukod pa rin ang mga claim na ibinalik sa mga ospital para sa compliance, denied, at under investigation para sa pagbabayad.


Bilang karagdagan, ang mga claim na direktang isinumite ng miyembro, claim na walang wastong illness code, at kinilalang in-process claim na kasama sa unang pagpapatupad ng DCPM na ibinalik sa ospital at natanggap ng PhilHealth sa panahon ng pangalawang pagpapatupad ng DCPM ay maibubukod din sa komputasyon ng applicable in-process claim.


Ang DCPM ay maaaring magamit ng health care facilities (HCF), kabilang ang mga nakaraang tatanggap mula sa paunang pagpapatupad ng payment mechanism na nakatutugon sa mga sumusunod na pamantayan:

  • Dapat nasa mataas at kritikal na lugar na kinilala ng Inter-Agency Task Force or National Task Force Against COVID-19 (IATF/NTF)

  • Dapat walang balanseng naitala sa Interim Reimbursement Mechanism fund

  • Mayroong claim para sa PhilHealth COVID-19 packages

  • Hindi suspendido habang nasa applicable period

Ang mga karapat-dapat na HCF ay dapat magsumite ng Liham ng Layunin at Pakikipagtulungan sa tanggapan o sangay ng PhilHealth. Kapag naaprubahan na ang kanilang aplikasyon, mapapabilis ang kasunduan ng 60% ng mga “good” in-process claim ng HCF, napapailalim sa 2% expanded withholding tax para sa mga pribadong HCF.


Ang 40% na balanse ay maibibigay kasunod ng pagtupad sa existing claim processing requirements at buong pagkakasundo ng paunang 60% na bayad. Napapailalim din ito sa 2% expanded withholding tax.


Upang pahintulutan ang agarang kabayaran ng mga serbisyo ng health partner ng PhilHealth, napapailalim sa pag-apruba ng mga Board of Director nito, na maaaring baguhin ang petsa ng mga DCPM claim. Ang mga susunod na pagbabago ay ipapahayag sa pamamagitan ng magkahiwalay na pagbibigay.


Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpapaunlad, mangyaring magpadala ng text message sa 09216300009 at makatatanggap ng callback mula sa PhilHealth’s Action Center. Ang mga suggestion, comment, at feedback ay maaari ring ipadala sa actioncenter@philhealth.gov.ph.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | September 09, 2021



Hello, Bulgarians! Sa pamamagitan ng simpleng online event, ang Nestlé Philippines, isa sa mga nangungunang korporasyon sa bansa at merkado sa buong mundo ay nagdiwang ng ika-110 taon sa pamamagitan ng pangako na paigtingin ang mga programa nito bilang isang Kasambuhay for Good - isang pinagkakatiwalaang kasama sa buhay - para sa lipunan at planeta habang nagpapatuloy ang COVID-19 pandemya.


“We are honored to have been welcomed into countless homes, with our products serving the nutritional requirements of Filipinos through various stages of life, and our programs aiming to make a difference for people and the environment,” pahayag ni Chairman at CEO Kais Marzouki.


Sinabi ni Arlene Tan-Bantoto, SVP and Head of Corporate Affairs, Communications and Sustainability, “We recognize that above and beyond commercial success, we strive to create shared value in ways that are good for business, for people and the planet, addressing major needs and challenges. This is integral to our business strategies so the more we grow, the better the value we give back to society. Being a Kasambuhay for good, we will sustain our initiatives as we evolve and intensify them, and further enhance their relevance in the next 110 years and beyond.”


Ang mga pagsisikap ng Nestlé ay makatulong sa milyun-milyong bata at pamilya na maging mas malusog, may maligayang buhay tulad ng Nestlé Wellness Campus, MILO Home Court, MAGGI Sarap Sustansya Kusinaskwela, at BEAR BRAND Batang Matibay Awards; mapagbuti ang kalidad ng buhay ng mga Pilipinong magsasaka ng kape sa pamamagitan ng NESCAFÉ Plan; at magsikap para sa zero impact sa kapaligiran sa pamamagitan ng plastik waste at mga hakbangin sa pagbabago ng klima.


Bilang highlight ng ika-110 taon nito, namahagi ang Nestlé ng P110 milyong halaga ng mga produkto nito sa mga pamilya sa 110 mga lungsod, munisipalidad at lalawigan sa buong Pilipinas sa tulong ng kanilang mga partner kasama ang local government unit at ang Philippine Red Cross. Tatanggap ang naninirahan sa mga pamayanan kung saan nagpapatakbo ang Nestlé, pati na rin ang mga magsasaka ng kape.


Nagpasalamat din sina Batangas Governor Hermilando Mandanas, Makati Mayor Mar-len Abigail Binay, Manila Mayor Francisco Domagoso, Pasig Mayor Vico Sotto, at San Juan Mayor Francis Zamora ng San Juan sa Nestlé sa pagbabahagi ng mga produkto nito sa kanilang mga komunidad.


Sinabi ni Senator Joel Villanueva “Napakarami ninyong natulungan, napakadami ninyong napasaya, napalusog, at higit sa lahat nabigyan ng magandang buhay. Ipagpatuloy ninyo ang inyong adhikain at kami pong lahat ay nakasuporta at saludo sa inyo.”


Pahayag ni Agriculture Secretary William Dar: “With your commitment and sincerity, you have time and again proven your worth and have gained much deserved recognition. With your services, the community has gained a lot. Despite the decline in our local coffee production over the years, we recognize your goal of reenergizing our local coffee industry through the NESCAFÉ Plan which helps future generations of local coffee growers, providing training to our young coffee farmers. May the journey of Nestlé Philippines continue for many more years.”


Binati ni Secretary Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry ang Nestle sa ika-110 anibersaryo nito. “We at the Department of Trade and Industry value the partnership we have fostered with Nestlé Philippines. In 2020, Nestlé's participation in our RAPID program in DTI yielded positive results in helping turn Filipino farmers into agripreneurs or agri entrepreneurs by assisting them in their financing needs to grow their farms. They are committed to its business in the country that creates jobs for the Filipinos and forges meaningful partnerships with the national government. What's more, Nestlé announced last month that they are supporting the DTI's Tatak: Matatag na Negosyo (TMN) movement to help assure micro stores, to become more resilient and sustainable stores, amidst the pandemic. Let me congratulate Nestlé Philippines again for this momentous anniversary, and for being our Kasambuhay for more than 100 years. We hope to sustain and further strengthen our partnership towards serving more Filipinos, especially now that we are still facing challenges brought about by the pandemic.


Sa pagsulong nito, nilalayon ng Good Food, Good Life company na palakasin ang pagsisikap na makapag-ambag sa pagbuo ng bansa, magbigay ng sustansiya sa mga susunod na henerasyon, makatulong na mapahusay ang buhay ng mga Pilipino, at pangalagaan ang planeta. Nakatuon itong isulong ang papel bilang isang Kasambuhay, a stronger force for good, in life and for life.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | September 04, 2021




Hello, Bulgarians! Inanunsiyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang Circular No. 2021-0014 na inilathala noong Agosto 19, 2021 at magkakabisa sa loob ng 15-araw mula sa paglalathala. Saklaw nito ang mga pasyenteng may COVID-19 na asymptomatic at mild case na nangangailangan ng isolation.


Ayon sa Department of Health, 41% ng mga kama sa ospital ay inookupahan ng mga COVID-19 mild cases. Sa karagdagang ulat nakumpirmang 95% ng mga kama sa ospital sa National Capital Region ay nagamit sa kasalukuyang pagdagsa ng mga kaso ng COVID-19. Ang bagong benepisyo ng PhilHealth ay maaaring makatulong na mabakante ang mga kama sa ospital na pabor sa mga kaso na nangangailangan ng mas mataas na antas ng pangangalaga.


Ang COVID-19 Home Isolation Benefit Package (CHIBP) ay magsisilbing alternatibo para sa mga pasyente na nakatutugon sa ilang pamantayan sa panlipunan at klinikal, na nagbibigay-daan sa kanila na makatanggap ng suporta sa kalusugan sa kanilang mga tahanan.


Ang home isolation package ay maaaring magamit ng mga pasyente na walang sintomas at positibo sa COVID-19 na sinuri sa pamamagitan ng RT-PCR test ngunit walang mga palatandaan ng sakit at mga pasyenteng nagpapakita ng banayad na mga sintomas tulad ng lagnat, ubo, at namamagang lalamunan, bukod sa iba pa. Gayunman, nilinaw ng PhilHealth na ang mga banayad na kasong hindi nagpapakita ng mga sintomas ng pulmonya at hypoxia - o low blood oxygen levels - dahil ang mga ito ay ipinakita lamang sa mas matinding mga kaso.


Nilinaw ng state health insurer na tanging ang mga nakapasa sa parehong pamantayan sa klinika at panlipunan ang may karapatan sa benepisyo, at makapipili ng kanilang gustong CHIBP provider mula sa listahang nai-post sa website ng PhilHealth. Ang benepisyo ay magagamit lamang sa mga lugar na idineklara ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. Inaanyayahan ng PhilHealth ang lahat ng mga pasilidad sa mga lugar na ito na magpatala bilang CHIBP provider na walang karagdagang accreditation fee.


Ang mga serbisyo sa ilalim ng package ay may kasamang home consultation para sa minimum na 10-araw, daily monitoring sa mga pasyente na maaaring gawin sa pamamagitan ng teleconsultation, at pagbibigay ng home isolation kit. Ang package ay may coverage na P5,917 bawat claim, kasama rin ang iba pang mga serbisyo tulad ng edukasyon sa pasyente at pag-refer sa mas mataas na antas na pasilidad, kung kinakailangan.


Ipinaalala rin ng PhilHealth na ang pag-file ng CHIBP claims ay dapat gawin online at dapat maproseso sa loob ng 60 araw mula nang natanggap.


Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa bagong benepisyo, ang mga miyembro ay maaaring idirekta ang kanilang katanungan sa PhilHealth Regional, Branch o Local Health Insurance Office. Ang mga query ay maaari ring ipadala sa pamamagitan ng e-mail sa actioncenter@philhealth.gov.ph, o sa pamamagitan ng Callback Channel 09216300009 kung saan makatatanggap ang tumawag muli mula sa PhilHealth Action Center

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page