top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 3, 2021





Hello, Bulgarians! Hinikayat ng Social Security System (SSS) ang mga delivery riders sa food delivery at courier activities na maging self-employed member at masakop para sa social security protection para ma-enjoy ang iba’t ibang benefit programs at loan privileges na iniaalok ng pension fund.


Halos 1,000 kalahok ang sumali sa virtual forum na pinamagatang “Proteksiyong SSS Para sa Delivery Riders,” na ginanap noong Oktubre 18, 2021 na isinagawa sa pamamagitan ng SSS Facebook page. Ang online forum ay ang kickoff event para sa serye ng outreach activities para sa mga delivery riders na nagbibigay-serbisyo sa iba’t ibang digital platform companies tulad ng Angkas, Dingdong, foodpanda, Grab, Joyride, Lalamove, atbp.


Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, na hindi maikakaila, sa maraming industriya, ang digital platform delivery sector ay isa sa pinakamabilis at pinakamalawak na paglago nitong mga nakaraang taon, lalo na sa panahon ng pandemya.


“We have realized that this population comprised of our delivery riders has greatly helped our citizens in purchasing and getting their goods or services without going out of their respective homes. Considering the high risk of their profession by being in the field most of the time, they need a solid protection that in cases of contingencies, they can have something to turn to,” paliwanag ni Ignacio.


Maraming delivery riders ng iba’t ibang kumpanya ng digital platform ang inuri bilang mga independent contractor o freelancer. Dahil dito, hindi sila itinuturing na regular na empleyado ng kumpanya, na nag-disqualify sa kanila mula sa mga benepisyo na karaniwang natatanggap ng mga empleyado sa ilalim ng mga batas sa labor at social security ng bansa.


Binigyang-diin ni Ignacio na, mahalaga na habang ginagawa nila ang kanilang mga aktibidad sa paghahatid, mayroon silang pinansiyal na proteksiyon mula sa anumang hindi inaasahang mga kaganapan o oras ng contingencies. “We encourage them to become SSS members or to continue their membership under the Self-Employed Coverage Program. SSS is the most affordable and meaningful savings option which can provide them with several types of benefits,” dagdag niya.


Sa panahon ng virtual event, higit na tinalakay ang halaga ng Social Security at Employees’ Compensation Programs para sa mga delivery riders. Ipinaliwanag ni Professional Sector Department Acting Head Carlo Villacorta na ang mga delivery riders ay dapat uriin bilang mga self-employed na miyembro sa ilalim ng SSS upang magkaroon ng pinakamabisang proteksiyon sa pananalapi laban sa mga panganib na dala ng patuloy na pagkakalantad sa iba’t ibang elemento, lalo na sa virus.


Bilang mga self-employed na miyembro ng SSS, sila ay karapat-dapat sa mga benepisyo sa social security tulad ng sickness, maternity, retirement, disability, funeral, at death.


Gayundin, sa mga programa na kinabibilangan ng salary, calamity, educational assistance at iba pa.


Magkakaroon din sila ng karagdagang coverage mula sa Employees’ Compensation (EC) Program para sa mga work-related contingencies tulad ng sickness, disability, death and funeral, medical and rehabilitation services. Ang ECP ay nagbibigay sa kanila at sa kanilang mga dependent ng extra layer na proteksiyon mula sa mga contingencies na nauugnay sa trabaho, bukod sa kanilang SSS coverage.


Ang deadline para sa pagbabayad ng kontribusyon sa SSS ng mga self-employed na miyembro ay sa huling araw ng buwan kasunod ng naaangkop na buwan o calendar quarter.


Halimbawa, maaaring bayaran ng mga delivery riders ang kanilang kontribusyon para sa buwan ng Oktubre 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021, kung pipiliin nilang bayaran ang kanilang mga kontribusyon sa SSS buwan-buwan. Sa kabilang banda, kung nais nilang bayaran ang kanilang mga kontribusyon sa SSS kada quarter, para sa mga naaangkop na buwan ng Oktubre, Nobyembre, at Disyembre 2021 maaari nilang bayaran ang kanilang mga kontribusyon hanggang Enero 31, 2022.


Para sa tamang impormasyon at update sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at sundan ang SSS sa Facebook at YouTube sa “Philippine Social Security System,” Instagram sa “mysssph,” Twitter at “PHLSSS,” sumali sa Viber Community nito sa “MYSSSPH Updates,” o bisitahin ang uSSSapTayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 2, 2021





Hello, Bulgarians! Dahil pinagpapaliban ng mga biyahero mula North America ang pagbiyahe sa Pilipinas ngayong Kapaskuhan bunsod ng matagal na quarantine, hiniling ni Presidential Adviser for Entrepreneurship and Go Negosyo founder Joey Concepcion sa IATF na alisin na ang requirement na quarantine sa isang pasilidad sa parating na mga bakunadong Pilipino.


Sa panukala ni Concepcion, ang mga biyahero mula US at Canada, dapat magpasuri 48-oras bago umalis, Pagdating ng Pilipinas, muli silang sasailalim sa pagsusuri, na maaaring gawin sa kanilang bahay kapag sila’y nakatira sa Greater Manila area o sa quarantine hotel kung wala silang lugar na titirhan. Ang panuklang ito ay mangangailangan ng kumpirmadong schedule ng test mula sa mga pasahero.


“Ito’y malaking kabawasan na sa dating requirement na limang araw na pananatili sa isang quarantine hotel bago ang testing. Ngayon, kailangan lang nilang manatili ng isang araw sa hotel kung hindi maaaring gawin ang testing sa kanilang bahay,” wika ni Concepcion.


Hindi kasama ang US at Canada sa mga bansang nasa green list ng Pilipinas. Ibig sabihin nito,

kahit kumpleto na ang bakuna ng mga biyahero mula US at Canada, kailangan pa rin nilang sumailalim sa COVID test matapos manatili ng limang araw sa isang quarantine facility. Habang ang mga hindi bakunado, hindi kumpleto ang bakuna at maging hindi alam ang estado ng pagbabakuna ay kailangang manatili ng pitong araw sa quarantine bago sumailalim sa pagsusuri.


“Marami sa ating mga kababayan ang pinagpapaliban ang planong bumalik dito at makapiling ang kanilang pamilya ngayong Pasko. Nais nating makatipid sila sa gastusin kaya ipinapanukala atin ang mas madaling sistema kung saan susuriin sila bago umalis at home quarantine pagdating. Maaari na lang gawin ang RT-PCR sa kanilang tahanan,” wika ni Concepcion.


Kapag napaluwag na ang patakaran sa testing at quarantine ng mga pasahero mula sa US at Canada, magiging kampante at makatitipid na sila sa gastusin sa biyahe, makatutulong pa sila sa lalong pagpapalakas ng ekonomiya bago matapos ang taon.


“Maaari natin itong gawin upang mabigyan ng kapayapaan sa pag-iisip ang mga nagbabalik na mga Pilipino at kanilang mga mahal sa buhay at pamilya na kanilang uuwian. Pagdating naman sa maari nilang gastusin ngayong Kapaskuhan, maraming negosyo ang makikinabang rito,” wika ni Concepcion.


Sinabi ni Concepcion na nakikipag-ugnayan na siya sa flag carrier ng bansa, ang Philippine Airlines (PAL), para maihanda na rin ang testing laboratories nito para sa posibleng pagtaas ng demand para sa testing.


Kamakailan, nag-organisa si Concepcion ng pulong sa pagitan ng Department of Foreign Affairs, Department of Transportation, Philippine Ambassador sa Estados Unidos, mga eksperto mula sa OCTA Research group, at mga kinatawan at opisyal ng iba’t ibang local airlines, kabilang ang PAL.


Sa nasabing pulong, ilang solusyon ang inilatag para maresolba ang mga problemang kinahaharap ng mga parating na pasahero mula North America. Kabilang sa mga solusyon ay ang tinatawag na frontloading ng proseso ng testing bago dumating ang mga pasahero sa bansa at pagdaragdag ng international gateways para mabawasan ang dagsa ng biyahero sa NAIA terminals.


Sa mga solusyong ito, inaasahang mababawasan ang panahon ng paghihintay ng mga darating na pasahero sa NAIA, na karamihan ay nanatili na ng ilang oras sa mga eroplano at kailangan na namang pumila ng ilang oras para sa testing sa airport at manatili ng mahabang panahon sa isang quarantine facility.


Sa nasabing pulong, ibinahagi ni US Ambassador Jose Romualdez na 90 porsiyento ng US-based Pinoys ay nabakunahan na at gusto nang bumiyahe sa Pilipinas ngunit nag-aalala sa quarantine protocols na ipinataw sa mga bansa na wala sa Green list gaya ng US.


Batay sa data mula sa PAL, makikita na ang positivity rates sa hanay ng inbound passengers mula sa North America ay napakababa. Napansin naman ng OCTA Research na pawang local transmissions ang halos lahat ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayon. Dahil wala na ring bagong variants of concern mula sa Delta, sinabi nito na dapat na ring ikonsidera ang mga panganib na posibleng idulot ng mga biyahero mula North America.


Sinabi rin ni Concepcion na ang pagpapaluwag ng proseso para sa mga uuwing Pilipino at iba pang biyahero ay pakikinabangan din ng maraming MSMEs, na karamihan ay umaasa na lalakas ang aktibidad ng ekonomiya dahil sa paggastos ngayong Kapaskuhan.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 1, 2021





Hello, Bulgarians! Ang Pag-IBIG Fund ay naglunsad ng isa pang proyektong pabahay sa ilalim ng Countryside Housing Initiative, sa pagkakataong ito sa pakikipagtulungan ng Muntinlupa City, upang magbigay ng mga abot-kayang tahanan sa mga empleyado ng local government unit.


Ang BALAI Munti Housing Project, na binubuo ng 35 medium-rise buildings na mayroong 668 condominium units ay available na para sa mga empleyado ng pamahalaang lungsod na maaaring bumili ng mga unit na ito sa pamamagitan ng Pag-IBIG Housing Loan.


“With the partnership between the Department of Human Settlements and Urban Development, Pag-IBIG Fund, and the City Government of Muntinlupa, we have made this housing project possible. This launch is a timely event because we are celebrating the National Shelter Month this October. This is also a historic event because the BALAI Munti is the first DHSUD-BALAI-funded project in the NCR and is part of Pag-IBIG Fund's Countryside Housing Initiative. The CHI brings together project proponents to bring quality and affordable housing projects to more Filipinos, as we continue to implement our nation's shelter program as led by President Rodrigo Duterte,” saad ni DHSUD Secretary Eduardo D. del Rosario, na namumuno din sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Itinatag ng Pag-IBIG Fund ang Countryside Housing Initiative o CHI noong 2017 bilang diskarte upang magbigay ng mas mahusay na access sa mga tahanan para sa mga miyembro nito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa gobyerno at pribadong institusyon, employer, at iba pang organisadong grupo. Ang ganitong mga pakikipagsosyo ay nagpapababa ng mga gastos sa pagtatayo ng mga proyekto sa pabahay at nagbibigay sa mga benepisaryo ng mga bahay na mas abot-kaya kumpara sa mga kaparehong proyekto.


“If you notice, the units in the BALAI Munti normally costs about P1.2 million each. But since this project is under our Countryside Housing Initiative, beneficiaries can buy units there for only P750,000. That’s the major benefit of CHI. Because of the partnerships we create, we are able to save on additional costs like marketing and promotions for a housing project. This then leads to a quality home that is more affordable than what’s available in the market,” pahayag ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti.


Dagdag pa niya na mula noong 2020, sa kabila ng pandemya, ang Pag-IBIG Fund ay nakapagpirma ng partnership na nagkakahalaga ng P1.08 bilyon sa siyam na iba't ibang LGU at institusyon sa buong bansa sa pamamagitan ng CHI, na magkakapagbigay ng 3,638 housing units para sa kani-kanilang mga benepisaryo.


“With CHI, our main target is to bring development and provide better access to homeownership for our members in areas in the countryside. We are happy that we are able to apply the same strategy in bringing affordable homes for our members residing in cities such as Muntinlupa. We shall continue to do our best in partnering with more organizations so that we can provide more affordable homes to members, wherever they choose to live,” sabi ni Moti.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page