top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | February 12, 2023




Hello, Bulgarians! Kilig moments ang handog ng Post Office “Singing Karteros” upang surpresang maghatid ng bulaklak, greeting cards at love letters ngayong Araw ng mga Puso.


Patuloy na nag-aanyaya ang PHLPost sa magkakapamilya, magkakaibigan at magsing-irog na subukan ang kakaibang Valentine’s Day gimik na ito upang ibalik ang kakaibang tradisyon ng mga Pilipino, ang harana.


Sa proyektong Express Pada-LOVE, ang customer ay maaari ring mag-preorder ng kanyang napiling ipadala sa “one-stop shop” na nakaistasyon sa lobby ng Manila Central Post Office kung saan makakapamili ng mga bulaklak, tsokolate, greeting cards, stuffed toys, at iba pang Valentine novelties sa abot-kayang halaga.


Ang espesyal na Valentine’s Day service ay available din sa Iloilo City (Area 6), Cagayan De Oro City (Area 8) Tuguegarao City (Area 1), Cebu City (Area 5) at Davao City (Area 7).

Mag book online sa: https://www.facebook.com/profile.php?id=100088016513954 o tumawag sa Mobile No. 0927-2450837 o 8527-01-35 at Kay Ms. Liever Briones sa 0915-9418196.


Sa halagang P2,500 package, puwede nang mapakinggan ang mga awiting inihanda ng mga piling kartero ng PHLPost, kasama na ang mga bulaklak, greeting card at mail delivery sa kanilang napiling petsa ng pagpapadala.


Kasabay din nito ang paglunsad ng 2023 Valentine’s Day “Pupusuan Kita” Stamp at greeting cards sa mala-romantikong Venice Grand Canal Megaworld Lifestyle Mall sa McKinley Taguig City, noong Pebrero 10, sa Ponte Lobby ng naturang mall.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | February 10, 2023



Hello, Bulgarians! Magiging maganda ang kinabukasan ng pamilya ng 47-anyos na swine raiser mula sa Ibaan, Batangas, na nanalo at nag-claim ng jackpot prize na P29,700,000 para sa Grand Lotto 6/55 na nilaro noong Enero 21, 2023 sa PCSO Main Office, Shaw Blvd., Mandaluyong City, kasama ang winning combination: 03-44-10-13-23-11.


Isang magbababoy sa buong buhay niya, sabi ng bagong milyonaryo na halos sampung taon na siyang masipag na tumataya sa lotto. Umaasa siyang maibabalik ang kanyang mga pagkatalo, kaya naman hindi siya tumigil sa pagtangkilik sa mga PCSO Lotto games.


Nakakapagod po, umikot na ang buhay ko sa pagbababoy. Mahirap, mabaho. Kung hindi sisipagan, walang pambiling pagkain. Pinangarap ko talagang yumaman para magbago naman ang aking pamumuhay. Maraming salamat po sa Panginoon at dininig ang aking panalangin” saad niya.


Ibinunyag niya na ang kanyang kumbinasyon ay nagmula sa lucky pick system, at siya ay lubos na nagpapasalamat nang malaman na ang kumbinasyon ang nanalo. “Bale ‘pag ako ay nataya ng lotto, ako ay may alagang 2 kumbinasyon, tapos kasunod po nito ay lucky pick na. Sa tagal ko pong inaalagaan ang aking numero, nakakagulat na ang tumama pa ay ‘yung lucky pick. Nakita ko sa isang post sa social media na ang tumama raw ay taga-Ibaan, kaya tsinek ko ang aking tickets. Napaiyak po ako sa tuwa nang makita ko na ‘yung numero ko ang lumabas. Maraming salamat, PCSO sa pagbibigay ng pagkakataon na kami ay maging milyonaryo,” buong pasasalamat niyang pahayag.


Sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, ang mga premyo na higit sa P10,000 ay sasailalim sa 20% final tax. Ang lahat ng mga panalo ay dapat nasa loob ng isang taon mula sa petsa ng draw ng pagkapanalo, kung hindi, ito ay magiging bahagi ng charity fund alinsunod sa PCSO Charter (Republic Act No. 1169).


Ang mga resulta ng lotto at iba pang detalye ng mga laro, produkto at serbisyo ng PCSO ay maaaring tingnan sa PCSO Official Website, PCSO FB Page at PCSO GOV Channel sa YouTube. Para sa mga kadahilanang pang-seguridad, ipinagbabawal ng PCSO ang pagkakakilanlan ng mga nanalo.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | February 9, 2023



Hello, Bulgarians! Ang mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ay sama-samang nakaipon ng halos P80 bilyon noong 2022, na nagtakda ng isa pang record para sa pinakamataas na halagang naipon ng mga miyembro sa ahensya sa loob ng isang taon, ayon sa nangungunang opisyal nito.


Noong 2022, ang halagang sama-samang naipon ng mga miyembro ng Pag-IBIG ay umabot sa P79.9 bilyon – ang pinakamataas sa 42 taong kasaysayan ng ahensya. Ang kabuuang savings na nakolekta noong nakaraang taon ay tumaas ng 25% o P16.2 billion mula sa P63.7 billion na nakolekta noong 2021. Bahagi ng kabuuang savings ang Pag-IBIG Regular Savings ng ahensya, na tumaas din ng 6% mula sa P37. 71 bilyon noong 2021 hanggang P40.06 bilyon noong 2022.


“The sustained growth in Pag-IBIG Members’ Savings collections has been truly remarkable. It denotes our members’ trust and confidence in our programs, and our capacity to manage each hard-earned peso they have saved with us. And, as our collections remain strong, we remain able to finance and maintain the low interest rates of our loan programs. These are among our many efforts in adhering to the call of President Ferdinand Marcos, Jr. towards advancing the welfare of our fellow Filipinos,” saad ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, na namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Samantala, sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na ang sikat na MP2 Savings ng ahensya ay patuloy na nagtutulak sa paglago ng savings ng mga miyembro nito. Napanatili ng voluntary savings program ang paglago nito noong 2022, dahil ang mga miyembro ay nakaipon ng record-high na P39.84 bilyon sa programa, isang pagtaas ng 53% o P13.89 bilyon mula sa P25.95 bilyon na nakolekta noong 2021.


“We are happy that we continue to gain the trust of our members, as shown by the record-high amounts that they have saved with us in 2022, as well as in the past years. This shows their growing appreciation of the value in saving with Pag-IBIG Fund. That is why we remain committed in responsibly and prudently managing their savings, so that we can provide them the best possible returns,” sabi ni Acosta.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page