top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 25, 2026



Sam MIlby at Toni Gonzaga - TWBA

Photo: Sam MIlby at Toni Gonzaga - TWBA



Noong bago pa lang na nagho-host ng Pinoy Big Brother (PBB) si Toni Gonzaga ay makulit pala siya at kikay na kikay.


Isang lumang video clip ng PBB ang napanood namin at naaliw kami sa kanya nang ini-interview niya si Sam Milby na na-evict sa PBB.


Natural na natural ang kanilang biruan on cam.


Well, sino ang mag-aakala na naging dyowa pala ni Toni noon si Sam Milby at kanyang iniyakan pero natuklasan niyang may ibang girlfriend bukod sa kanya?


Anyway, bahagi na lang si Sam Milby ng isang nakaraan at masaya naman si Toni na napunta siya sa tamang lalaki na makakatuwang niya sa buhay.


Si Paul Soriano ang talagang nakatadhana para sa kanya. At si Sam Milby, single pa rin ngayon at papalit-palit ng karelasyon.





EXCITED na ang mga Sharonians sa balitang gagawa ng serye ang Megastar na si Sharon Cuneta sa GMA Network at ka-collab dito ang Kapamilya.


Inaabangan na kung sinu-sinong Kapuso stars ang makakasama sa gagawing serye. Dapat daw ay magagaling at may pangalan na Kapuso stars ang isama sa serye ni Shawie upang mas bongga.


Okey daw sana kung sila ni Bea Alonzo ang magkakasama sa serye pero may ibang project nang nakalaan para sa aktres.


Tiyak na powerhouse ang cast ng serye at big time rin ang direktor. 


Malaki ang expectation sa gagawing project ni Megastar sa GMA-7 dahil sa kanyang status sa showbiz. At tiyak na bongga rin ang talent fee (TF) na ibibigay sa kanya. 


Ngayon pa lang ay abangers na ang lahat sa mga mapipiling co-stars ni Sharon Cuneta sa kanyang serye sa GMA-7. Sino kaya ang kanyang magiging leading man?




BAGAMA’T hindi pa kinukumpirma nina Alex Gonzaga at Mikee Morada ang real status sa nababalitang pagbubuntis ng aktres, may lumabas na post sa social media kung saan binabati si Mikee dahil isa na raw itong daddy.


Patunay lamang ito na buntis na nga si Alex at ilang buwan na lang ay magiging ganap nang mommy. Ikinatutuwa ito ng mga fans ng aktres-vlogger.


Finally, ang pangarap niyang magkaroon ng baby ay matutupad na. Dininig din ng Diyos ang dasal nila ni Mikee na bigyan na sila ng little angel.


Marami naman ang nagwi-wish na sana ay babae ang maging panganay nilang anak.

Sobrang mahal ni Alex si Polly, ang anak ng kanyang ate na si Toni. May makakalaro na si Polly kapag babae ang magiging anak nila ni Mikee at magiging lubos ang kanyang kaligayahan dahil hindi na siya maiinggit sa kanyang ate.


Maging kasingkulit at kasing-smart kaya ni Alex Gonzaga ang anak nila o magmana ito kay Mikee na mahiyain pero matalino rin?

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 24, 2026



Caprice Cayetano, Marian Rivera at Heart Evangelista - Instagram

Photo: Caprice Cayetano, Marian Rivera at Heart Evangelista - Instagram



Excited at sobrang saya ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 (PBBCCE) Kapuso Grand Winner na si Caprice Cayetano nang ma-meet niya nang personal ang dalawang reyna ng GMA-7 na iniidolo niya na sina Marian Rivera at Heart Evangelista. 


Si Marian ang gusto niyang tularan sa galing umarte at pagiging professional sa trabaho, habang si Heart naman ay hinangaan niya sa pagiging fashion icon at kakaibang istilo sa pananamit. 


Kaya sa kanyang pagpasok sa showbiz ay sisikapin niyang pantayan ang mga nakamit at narating ng dalawa sa kanilang career. 


Willing si Caprice na mag-undergo ng acting workshops upang mahasa nang husto. Gusto rin niyang maranasang makatrabaho ang magagaling na direktor at veteran stars upang madagdagan ang kanyang kaalaman sa pag-arte. 


Well, thankful si Caprice sa pag-aalaga sa kanya ngayon ng GMA Sparkle Artist. Sinasanay na rin siya sa pagpe-perform sa All-Out Sundays (AOS). Nag-a-adjust na siya sa kanyang buhay-artista. 


Ngayong darating na Holy Week ay may break sa kanyang mga commitments si Caprice Cayetano. Sama-sama silang pamilya na magbabakasyon sa Bangkok, Thailand.





BLOOMING si Cristine Reyes nang makita namin sa birthday party ni Ricky Lee. Happy daw ang kanyang love life ngayon, ayon sa aktres. 


Marami ang nakakapansin na nag-iba ang kanyang aura sa piling ng karelasyong si Atty. Gio Tiongson, hindi tulad noong sila pa ni Marco Gumabao. 


Sey pa ng mga friends ni Cristine, iba talaga ang aura ng isang babae kapag napunta sa tamang lalaki — panatag at laging may spark ang mga mata. 


Dati nang nagkaroon ng ugnayan sina Cristine at Gio at hindi niya inaasahan na muling magkukrus ang kanilang landas at magre-reconnect. Muling nagbalik ang mga dating memories ng kanilang nakaraan. 


Wish ng mga fans at friends ng aktres ay si Gio Tiongson na ang maging forever ni Cristine.


Sa dami ng pinagdaanang kabiguan sa pag-ibig, deserve naman ni Cristine Reyes ang lumigaya sa piling ng kanyang ‘the one’.





SUPER proud dad si Jake Ejercito sa kanyang anak na si Ellie Ejercito. Napili si Ellie na maging kinatawan ng kanyang school sa gaganaping conference sa Yale Model United Nations Singapore. 


Kinakitaan ito ng kakaibang sigasig at talento sa mga kaganapan sa ating bansa. Aktibo rin siya sa debate at iba pang activities sa kanyang school. 


Maging ang kanyang mom na si Andi Eigenmann ay super proud din sa achievement ni Ellie. 


Lumaki ito na malapit sa kanyang amang si Jake Ejercito at maganda ang relasyon nila. Cool dad ang aktor at palagi silang magkasama ni Ellie na nagbabakasyon abroad. 


Girl dad si Jake at naging malapit din si Ellie sa kanyang grandma na si Laarni Enriquez. Kapag walang pasok ay nagbabakasyon siya sa Siargao upang makapiling ang kanyang mom na si Andi at mga kapatid. 


Lumaking mabait at magalang si Ellie Ejercito. Hindi siya bratty tulad ng ibang teenagers kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang mga parents.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 22, 2026



Megan Young at MIkael Daez - Instagram

Photo: Megan Young at MIkael Daez - Instagram



Nalilibang nang husto si Megan Young sa pag-aalaga sa anak nila ni Mikael Daez, kaya naman hindi pa niya naiisip ang pagbalik sa telebisyon. Sa mga posts ng former beauty queen-aktres ng kanilang larawan sa social media, kitang-kita na masaya sila at feeling fulfilled and contented bilang ina at misis.


At dahil pareho sila ni Mikael na mahilig mag-travel abroad, naisasama pa nila ang kanilang baby. Pero nagtataka ang ilang mga netizens kung papaano natutustusan ni Mikael Daez ang kanilang mga biyahe abroad, eh, pareho naman sila ni Megan na jobless ngayon.


Well, baka naman may naipon silang pantustos sa kanilang mga trips abroad. May mga endorsements naman sila bago sila nagpakasal at masipag din silang mag-vlog at nagla-live selling din. 


Ang pagbabakasyon sa iba’t ibang bansa ang kaligayahan nina Megan Young at Mikael Daez, at sulit na sulit naman dahil marami silang happy memories kasama ang kanilang anak.





WORLD TOUR NG SEXBOMB, NAUDLOT DAHIL SA GIYERA SA IRAN



KAHIT hindi natuloy ang naka-schedule sanang world tour ng Sexbomb Girls (SBG) dahil sa giyera sa Iran, punumpuno pa rin ang schedule nila dahil ang daming imbitasyon mula sa mga key cities.


Pagkatapos ng Cebu, Davao at Baguio, may tinanggap din silang shows sa Laguna at iba’t ibang lalawigan na nagse-celebrate ng kapistahan.


Kadalasan ay hindi sila kumpleto at hindi nabubuo ang SBG, pero kailangang hatiin ang grupo upang mapagbigyan ang lahat ng imbitasyon. Merong apat o lima lang na pumupunta sa isang event, pero masaya pa rin ang mga tao na makitang nagpe-perform ang SBG sa stage. Nagsasayawan ang lahat kapag nagpe-perform na sila.


At tama ang sabi ni Sexbomb Sunshine Garcia na marami siyang booking na shows ngayon at kumikita nang malaki. Kaya naman okey lang na hindi muna magbigay sa kanya ng suweldo ang mister niyang si Bulacan Vice-Gov. Alex Castro. Itutulong daw muna ni VG Castro sa mga drivers na naapektuhan sa pagtaas ng gasolina ang kanyang suweldo.





Mister, gustong usap agad…

SARAH, AYAW MUNANG KAUSAPIN SI MATTEO ‘PAG BAD MOOD



MAGKAIBA pala ang atake ng power couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kapag sila ay may away o tampuhan. Ang gusto ni Matteo ay agad pag-usapan at lutasin ang kanilang problema bago matulog, samantalang si Sarah ay mas gusto munang manahimik at palipasin ang kanyang bad mood bago sila mag-usap ng kanyang mister.


Kabaligtaran naman ito ng sitwasyon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Si Jessy ay confrontational at ayaw patagalin kung may hindi sila napagkakasunduan, pero si Luis ay ayaw munang pag-usapan ang problema. Pinapalamig muna niya ang kanilang issue bago sila mag-usap nang masinsinan.


So far, pareho namang okey ang sistema nina Matteo at Sarah dahil 6 years na silang kasal at wala namang major fights na nababalita. 


Very supportive husband si Matteo sa Popstar. Low profile at submissive wife naman si Sarah at hindi ipinararamdam sa kanyang mister na mas malaki siyang artista.


Ganoon din naman ang pagsasama nina Luis at Jessy. Sa kabila ng pagiging hyper at makulit ng aktor-host, nakaalalay lang sa kanya ang misis kaya nananatiling matatag at masaya ang kanilang marriage.



ANG saya-saya ng 79th birthday celebration ng National Artist na si Ricky Lee na ginanap sa Greenmeadows 3 Clubhouse. Dumating ang halos lahat ng batch ng mga workshoppers. Nagkaroon ng short program hosted by Kara David na nag-seminar din pala kay Ricky Lee ng scriptwriting.


Naroroon din sina Iza Calzado, Cherry Pie Picache, Cristine Reyes, Kylie Padilla, JC Santos, Agot Isidro, Elijah Canlas, Miles Ocampo, at talent manager na si Noel Ferrer.


May pa-trivia rin kay Ricky Lee na isa palang Bikolano at taga-Daet, Camarines Norte. Isa sa mga naitanong sa trivia ay kung ano’ng taon siya nahirang na National Artist. Nalaman din namin na ang pinakaayaw niyang ulam ay ang kare-kare.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page