top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 3, 2024



ree

Umabot na sa 557 ang bilang ng mga nadisgrasya dahil sa paputok ayon sa naitalang ulat ng Department of Health (DOH), ngayong Miyerkules.


Sa isang abiso, sinabi ng DOH na naitala ang 114 na bagong kaso mula alas-6 ng umaga ng Enero 2 hanggang alas-5:59 ng umaga ng Enero 3.


Sinabi rin nito na isang 10-buwang gulang na sanggol ang pinakabatang kaso mula sa Metro Manila o National Capital Region (NCR) na nasugatan sa kanyang kanang mata dahil sa isang kwitis na sumabog sa loob ng kanilang bahay.


Samantalang isang 77-taong gulang na lalaki naman ang pinakamatanda na kaso mula sa Ilocos Region na nadisgrasya dahil sa isang whistle bomb na pinaputok ng ibang tao sa kanilang bahay, idinagdag ng DOH.


Ipinakita rin sa abiso na mga kalalakihan ang halos siyam sa bawat sampu o 98.86 porsyento ng 114 na bagong kaso.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 30, 2023



ree

Iniulat ng Department of Health (DOH) na may 11 na bagong kaso ng mga disgrasya na kaugnay ng paputok ngayong Sabado, na nagdadala ng kabuuang bilang sa 107.


Ayon sa DOH, sa 11 ulat na bagong kaso, anim dito ang kaugnay ng ilegal na mga paputok, kabilang na ang boga, five star, piccolo, Pla-pla, at whistle bomb.


Nasa edad na 6 hanggang 72 taon ang mga biktima.


Nagpakita ang pinakabagong ulat ng DOH na sa kabuuang kaso, 97% ng mga insidente ang nangyari sa bahay o sa malapit na kalsada at 63.59% ng mga kaso ang kaugnay ng ilegal na mga paputok.


“Ang mga pinsalang nauugnay sa paputok ay nangyayari sa bahay o kalapit nito, kadalasang kinasasangkutan ng mga batang lalaki, ngunit nakakaapekto rin sa mga passive na nanonood lamang sa anumang edad o kasarian,” saad sa ulat ng DOH.


Nanawagan namang muli ang DOH sa publiko na iwasan ang paggamit ng paputok sa bahay.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 24, 2023



ree

Iniulat ng Department of Health (DOH) ang apat na bagong disgrasya kaugnay ng paputok ngayong Linggo, na nagdadala ng kabuuang bilang sa 12 nitong holiday season.


Ayon sa Fireworks-Related Injury Surveillance (FWRI), dalawang batang lalaki na may edad na 11 at 17 ang nagkaroon ng pinsala mula sa paggamit ng ipinagbabawal na paputok na tinatawag na "piccolo at boga."


Naitala rin ang dalawa pang kaso, isang 23-anyos na lalaki at isang 49-anyos na babae na gumamit ng "kwitis."


Kaya’t patuloy na hinihimok ng DOH ang publiko na ipagdiwang ang mga holiday gamit ang mga pampublikong fireworks display na inoorganisa ng lokal na mga lider at negosyo sa halip na gamitin ang mga ito nang personal.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page