ni Mai Ancheta | June 6, 2023
Umabot na sa halos 1,000 ang naitalang kaso ng dengue sa Quezon City mula Enero hanggang Mayo 27.
Ito ang inihayag ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit sa harap ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng nabanggit na sakit, partikular na sa mga bata.
Batay sa record ng CESU, mayroon ng 917 na kaso ng dengue, tumaas ito ng 100.22 %, kumpara sa naitalang kaso noong nakalipas na taon na 459.
Lumitaw sa record ng city government na ang District 4 ang may pinakamaraming record na umabot sa 212, at ang pinakamababa ay District 2 na 97 kaso.
Isa lamang ang naitalang namatay sa lungsod dahil sa dengue.