ng kasalukuyang gobyerno.
ni Chit Luna - @Yari Ka! | April 20, 2021
Sa gitna ng matinding kahirapan, nakuha pa rin ng mag-asawang negosyante na manloko ng kapwa sa pamamagitan ng pangingilak ng investors para maging bahagi ng kanilang “rapidly growing business.”
Minsan nang inaresto ang isang lalaki sa entrapment operation na ikinasa ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa lalawigan sa South, kamakailan. Siya at ang kanyang asawa ang target ng entrapment operation kung saan huli ito sa aktong tumatanggap ng P1-M mula sa undercover operative na inakala nilang mapapabilang sa kanilang mga naging biktima.
Ang siste, hindi man lang siya pinatagal sa loob ng selda dahil sa maniobra ng amuyong mula sa hanay ng pulisya na nagsugo ng kanyang tauhan sa prosecutor’s office kung saan niya kinausap ang operatiba at piskal upang gawan ng remedyo ang asunto laban sa ating bida.
Sa pagtataya ng isang malapit sa mag-asawa, hindi bababa sa P2-B ang kanilang nalikom sa co-ownership scheme para sa kanilang dalawang kumpanya. Isa sa dalawang kumpanya ng mag-asawa ang sarado na last year pa.
Sa ipinalabas na advisory ng Securities and Exchange Commission, wala palang kaukulang pahintulot ang mga nasabing kumpanya para mangalap ng mga dagdag-puhunan sa ilalim ng co-ownership scheme, kung saan ang bawat biktima ay pinag-aambag ng hindi bababa sa P500-K para maging co-owner.
Gayundin, ang nilalaman ng advisory mula naman sa Anti-Money Laundering Council na nagbabala sa mag-asawa.
Ang siste, patuloy ang raket ng mag-asawa dahil sa proteksiyong nakukuha nito sa ‘matabang mama’.
Kabilang sa mga nabiktima nito ay nakausap natin at sinabing noong 2018 pa sila kunuhanan ng tig-iisang milyon ng mag-asawa.
Kung 2018 pa nagsimula ang naturang raket, bakit hindi kinakana ng pulisya ang manggagantsong mag-asawa? Eh, sino ba nga namang pulis ang magtatangkang sumaling ‘matabang mama’, lalo pa’t aktibo pa ito sa kanyang puwesto?
Ang tanong: magkano nga ba ang parte ni Sir sa raket na ‘to?