top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | April 25, 2026



PBBM at Liza Marcos

Photo: File / Liza Marcos FB



Naktakdang magsagawa ng state visit si Ferdinand Marcos, Jr. sa Japan mula Mayo 26 hanggang 29, 2026, kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos. 


Batay sa anunsyong inilabas ng Presidential Communications Office, isasagawa ang nasabing pagbisita bilang tugon sa imbitasyon ng pamahalaan ng Japan. 


Makikipagpulong ang Pangulo kay Prime Minister Takaichi Sanae, upang talakayin ang ugnayan ng Pilipinas at Japan, pati na ang isyu sa enerhiya, pagkain, at maritime security.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | April 23, 2026



Bongbong Marcos JR. - PBBM

Photo: File / Bongbong Marcos - FB



Inatasan ng Korte Suprema si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na magsumite ng kanyang komento sa loob ng 10 araw kaugnay ng petisyon na humihiling na sumailalim siya sa physical at mental examination kabilang ang hair follicle drug test.


Kumilos ang Korte Suprema kaugnay ng petisyong inihain nina Pantaleon Alvarez, Virgilio Garcia, Juan Raña, at Raymundo Junia laban kay Pangulong Marcos at Executive Secretary Ralph Recto bilang mga respondent.


“The SC, without necessarily giving due course to the petition, directed respondents to comment within a non-extendible period of 10 days from receipt of notice,” ayon sa SC Public Information Office.


Binanggit ng mga petitioner ang mga naging pahayag ni Senador Imee Marcos, kapatid ng Pangulo, hinggil sa sinasabing matagal nang pagkagumon nito sa ilegal na droga.

Ipinunto nila na batay sa 1987 Constitution, dapat ipaalam sa taumbayan ang kalagayan ng kalusugan ng pangulo sakaling magkaroon siya ng malubhang karamdaman.


Matatandaang naghain ang kampo ni Alvarez ng isang petisyon para sa writ of mandamus na nag-uutos kay Pangulong Marcos na sumailalim sa physical at mental examination partikular ang hair follicle drug test.


Hiniling din sa petisyon na atasan si PBBM na isiwalat at ilathala ang medical report na naglalaman ng resulta ng pagsusuri, kabilang ang physical at medical fitness niya para gampanan ang mga tungkulin bilang Pangulo.


 
 

ni Lester Bautista @News | April 20, 2026



Pangulong Bongbong Marcos at VP Inday Sara Dduterte

Ang mga biktima ay bahagi ng United Nations Interim Force in Lebanon (UNIFIL) nang mangyari ang insidente. (AFP-Mahmoud Zayyat

Photo: Pangulong Bongbong Marcos at VP Inday Sara Duterte / PCO / OVP



Performance rating nina PBBM at VP Sara


Tumaas ang performance rating ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang bumaba naman ang kay Vice President Sara Duterte batay sa non-commissioned survey ng OCTA Research.


Nasa 55% ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ang nagpahayag ng satisfaction sa performance ng Pangulo mula sa 51% noong Q4 ng 2025, habang 50% naman ang kay VP Sara mula sa 54% nito.


Samantala, pareho namang tumaas ang trust rating ng Pangulo at Bise Presidente, na 54% ang kay PBBM at 55% kay VP Sara.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page