top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 06, 2023



Blind item:


Nalungkot kami sa balitang nakarating sa amin tungkol sa sikat na mag-asawang beauty surgeon.


A very reliable source told us na matagal nang hiwalay ang mag-asawa. Pero wala raw nakakaalam kundi sila lang mismo at ang kanilang mga anak.


Paano kasi, tuluy-tuloy pa rin ang operasyon ng beauty clinic ng mag-asawa. Business partners pa rin sila, magkaiba nga lang daw ng schedule.


Nakatira si female doctor with their children sa isang condo sa Makati, while si male doctor ay sa ibang condo naman, pero halos sa same area lang din.


Pareho raw silang 'di sang-ayon na mag-file ng annulment. Ayaw daw kasi ng dating couple ang kumplikadong sitwasyon.


Third party ang dahilan ng hiwalayan. Nagloko si male doctor, matagal nang may karelasyon na 19-year-old non-celeb girl.


Nangyari pala ang lahat nu’ng umuwi sa Amerika si female doctor kung saan nag-stay siya roon nang matagal.


Hindi raw knows ni male doctor na umupa ng private investigator ang kanyang misis, kaya wala siyang kawala at na-Julie Vega (read: huli) siya sa kanyang pambababae.


As for their children, okey na rin daw sa kanila na maghiwalay ang parents nila dahil madalas din namang mag-away.


Ang nakakalokah nito, hiwalay na rin si male doctor sa naging third party nila ni female doctor. At sa pagkakaalam ng aming source, may bago na raw girlfriend si male doctor.

Chickboy pala si Doc, ha?



 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 6, 2023


ree

BLIND ITEM:


Aware kaya ang aktres na pinagtsitsismisan siya ng kapwa niya artista at mga taga-production dahil sa ‘pabebe’ niyang ugali?


Naloloka lang kasi ang mga nakakakita na sa tuwing matatapos ang eksena niya sa ginagawa niyang project ay tatawagin na niya ang kanyang yaya at ipahuhubad ang suot na pantalon sabay higa sa kama.


Nabanggit din ng yaya sa ibang katsikang yaya sa shoot na ganu’n daw talaga ang ugali ng alaga niya na feeling baby at okay lang naman daw iyon sa kanya dahil para sa kanya ay lambing lang ito.


Wala naman daw pakialam ang mga co-actors ng aktres dahil hindi naman sila ang napeperwisyo kaya lang, iba ang dating kapag pinagtsitsismisan na ito dahil negatibo ang dating at nagpasalin-salin na ng kuwento na sana ay sakto at walang dagdag.


Nang ikuwento naman sa amin ang tsikang ito ay walang dagdag dahil ang mismong taong malapit sa kanya ang nagkuwento at ipinagtanggol nga na sadyang malambing daw talaga ang aktres kaya ganu’n.


May dyowa na ang aktres at mukhang ganito rin ang ugali niya na pabebe dahil may vlog siya na napanood namin na pinagsisilbihan siya ng karelasyon na walang pakialam kung maraming taong nakakakita dahil nasa public sila base sa napanood naming video.


Ang boyfriend ng aktres ay may pangalan ding iniingatan at first time rin namin siyang nakitang ganito niya pagsilbihan ang karelasyon. Sabagay, ang mga nauna naman niyang dyowa ay hindi taga-showbiz.


Suwerte ni aktres dahil ubra ang kanyang pabebe attitude sa dyowa niyang kilalang macho sa showbiz.


 
 

ni Janiz Navida @ShowbizSpecial | September 3, 2023


BLIND ITEM:


Jusko, paano kaya naatim ng isang sikat na hunk actor ang mangutang sa kanyang supposed to be ay future mother-in-law?


Yes, you heard it right, walang pag-aalinlangang nangutang ang naturang hunk actor sa mother dear ng kanyang GF na byuting sikat na aktres.


Ni hindi man lang ito tinablan ng hiya knowing na may trabaho rin naman siya at malaki rin ang kinikita sa showbiz.


Ang hindi lang namin sure ay kung nabayaran na ba ng hunk actor ang utang niya sa mother ng byuting sikat na aktres dahil matagal na silang hiwalay ng GF.


May kani-kanyang karelasyon na ngayon ang dalawa. Sana lang, hindi na ito ulitin ng aktor sa nanay ng bago niyang GF dahil baka ma-red flag siya or worst, madyombag pa!


Nyahahaha!


Walanjo talaga! Ibang klase, matindi ang hunk actor, 'no?!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page