top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | April 11, 2026



Frankie Pangilinan at Daniel Laurel

Photo: IG _frankiepangilinan



Nakakatuwa ang sagot ni Frankie Pangilinan sa tanong ng follower niya sa Instagram (IG) kung boyfriend niya ang guy na kasama niya sa ipinost na photo sa page niya.

Tanong ng netizen, “Boyfriend mo, Frankie?” 


Sagot ni Frankie, “‘Di po, premyo ko lang po sa Family Feud (FF).”

Natawa ang mga nakabasa sa sagot ni Frankie na obvious na nagbiro. 

Hindi ang BF ang premyo niya at ng mga kasama sa FF kundi P200K. 


Kaya lang, nabuking pa rin si Frankie dahil sa comment ng sister niyang si Miel Pangilinan. 


Sabi nito, “Ate and Kuya” na ibig sabihin, tanggap niyang kuya niya si Daniel Laurel, lalo na kapag nagkatuluyan sila ni Frankie.


Sa pagbabasa ng comments sa post ni Frankie, may Mia Laurel na nag-comment ng “Aguy” na sinagot ni Frankie ng “It’s that Saturn return glow.”


Ang feeling ng mga followers ni Frankie, sister siya ni Daniel dahil Santamaria rin ang middle name nito. Santamaria ang apelyido ng mom ni Daniel, ang former top model na si Crispy Santamaria-Laurel.


May Carlos Laurel din na nag-comment ng “Kakster and Danster forever” na ang gustong tukuyin ay ang pangalan ng love team ng dalawa (kung artista sila). 

Sabi ng mga netizens, brother siya ni Daniel.


Ang nakakaloka lang, may nag-akalang ang Daniel na boyfriend ni Frankie ay si Daniel Padilla. 


Comment ng netizen, “Boyfriend niya pala si Daniel Padilla.” 

Biro ng mga nakabasa, hindi updated ang nag-comment nito at baka mag-react daw si Kaila Estrada na GF ni Daniel Padilla.





SUNUD-SUNOD ang ganap sa TV5 mula sa back-to-back pilot ng mga bagong series hanggang sa launching ng bago nilang talent agency.


Mauuna ang magkasunod na premiere ng My Bespren Emman (MBE) na isang inspirational drama at ang A Secret In Prague (ASIP) sa April 27 na. Kasama sila sa


Todo Max Primetime Singko TV5 campaign ng network.


Siguradong mauuna sa time slot ang inspirational drama na kabilang sa cast sina Shaina Magdayao, Sid Lucero, JM de Guzman, Ryrie Sophia, at Ai Ai delas Alas. 


Nagpasalamat si Ai Ai sa TV5 sa pagkuha sa kanya sa MBE at nagpasalamat din siya sa GMA Network na pinayagan siyang tanggapin ang project ng TV5 kahit Kapuso talent siya.


Sunod sa inspirational drama ang ASIP na first time na pagtatambalan nina Andrea Brillantes at Enrique Gil. Excited ang mga fans dito dahil ngayon nga lang sila nagtambal at curious din sila sa tagline ng TV5 na, “Panoorin ang tambalang #Andrique for the first time, sa isang kuwentong walang katulad.” 


Ano raw kaya’ng story ng series para sabihing walang katulad ang kuwento nito?


Sa May 5 naman ang launching ng Star Worx, ang talent agency ng TV5 na pamumunuan ni Mr. Johnny Manahan. Tatapatan nito ang Star Magic ng ABS-CBN at Sparkle GMA Artist Center na parehong hinawakan ni Mr. M. In fact, nagtagal si Mr. M sa Star Magic bago lumipat sa GMA Network.


Excited na ang mga fans na makilala ang talent ng Star Worx at isa sa kanilang mga inaabangan ay kung may talent na galing sa ABS-CBN at GMA Network. Baka raw may mga lumipat sa Star Worx dahil kay Mr. M.





Aktor, GF na si Mika… 

JILLIAN-WILL LOVE TEAM, PINALAGAN AGAD



BALITA pa lang at wala pang kumpirmasyon, may mga natuwa na sa posibilidad na makasama sina Jillian Ward at Will Ashley sa cast ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ni Dennis Trillo to be directed by Zig Dulay.


Panahon na raw para mabigyan ng pelikula si Jillian para hindi lang siya sa telebisyon sikat. Sayang daw ang popularidad nito at pagiging versatile kung sa telebisyon lang siya napapanood. 


Mahusay sa drama at puwede sa action ang aktres at nakikita ‘yun sa Never Say Die (NSD). Pelikula na lang ang kulang sa kanya para mas sumigla ang kanyang career.

Huwag na raw silang gawing love team ni Will, lalo na at nabuking na may relasyon ang aktor at si Mika Salamanca. Magiging pilit daw kung gagawin silang love team. I-build-up na lang daw sila as solo performer.


Sayang nga, hindi natuloy ang movie nina Jillian at former Sen. Bong Revilla, Jr., makakatulong sana ‘yun para makatawid sa filmmaking ang Kapuso actress.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | April 10, 2026



BIDA - FRANKIE, INILANTAD NA ANG BF NA SI DANIEL LAUREL-IG _frankiepangilinan

Photo: IG _frankiepangilinan



Nauuso ang soft at hard launch ng mga bagong relasyon ngayon, tila isinabay sa init ng panahon. 


Nauna na sina Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala, sinundan nina Will Ashley at Mika Salamanca, nina Dustin Yu at Bianca de Vera, at marami pang iba.


Ang pinaka-latest na nag-hard launch ay si Frankie Pangilinan at ang rumored boyfriend na si Daniel Laurel. Ipinost ni Frankie ang photo nila ni Daniel na may simpleng caption na: “Cheese!”


Magaganda ang mga comments sa post ni Frankie gaya ng “Finally a pic here! Love you, Kaka!” “Beautiful,” “Perfect,” “Cuties,” “Eto na,” “Let’s go,” “OMG hard launch,” at “Sino s’ya? Guwapo!” 


Comment ni Rocio Tambunting, “The best matchmaking I’ve ever done,” kaya nalamang siya ang matchmaker nina Frankie at Daniel.


Una pa lang nabalita ang tungkol kina Frankie at Daniel, marami na ang pabor sa

kanilang dalawa. Pareho raw sosyal at yayamanin, at bagay sila. 


May shippers na agad ang dalawa at ang request nila kay Frankie ay more ayuda para may update sila.


At speaking of Frankie Pangilinan, nag-guest siya sa Family Feud (FF) at nanalo ang team nilang magpipinsan kasama si Myke Salomon, dyowa ng cousin niyang si Gab Pangilinan.





Jackpot bilang endorser ng electric car…

ALDEN, SUNUD-SUNOD ANG ENDORSEMENTS, INUUTANGAN NA SA DAMI NG PERA



BINIBIRO ng kanyang mga fans si Alden Richards, pautang daw. 


Dahil ito sa sunud-sunod niyang endorsements at ibig sabihin, marami siyang pera. 

Isa nga sa mga latest endorsements niya ay ang BYD, isang electric car brand. Kasama niyang ambassador sina Nico Bolzico at Wil Dasovich.


Right timing daw ang pagiging endorser ni Alden ng BYD cars dahil marami ang bumibili ng electric cars ngayon bunsod ng napakataas na presyo ng langis. 


Nabalita pa nga na nakapila ang bumibili ng BYD cars, kaya suwerte nina Alden, Will at Nico dahil dito, siguradong may bonus ang tatlo.





Maaalalang ang BYD ang sponsor sa pagsali ni Alden sa Ironman na ginanap sa Davao last month. Dahil sa magandang resulta sa Ironman, tuloy ang pagsali ni Alden sa triathlon next year.


“Gusto ko ituloy ang pagsali sa triathlon, sayang ang momentum. Next year, full triathlon ang sasalihan ko at paghahandaan natin ‘yun,” sabi ni Alden.


Samantala, after mag-host ng Stars On The Floor (SOTF), balik-acting si Alden via a medical series na Code Gray (CG). Doctor ang magiging role ng aktor sa series at aminado itong kailangan niya ng matinding paghahanda sa gagampanang role. First time niyang gaganap na doctor, kaya kailangan ng masusing pag-aaral.





TEAM-UP uli nina Dennis Trillo at Director Zig Dulay ang entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF). 


Nag-meeting na ang aktor at direktor kasama si Nessa Valdellon ng GMA Pictures, ang scriptwriter ng project, at iba pang makakasama sa film project.


Maaalalang sina Dennis at Direk Zig din ang magkasama sa award-winning movie na Green Bones (GB), na entry sa MMFF noong 2024. Hanggang sa ibang bansa, nanalo ng award si Dennis, si Direk Zig, pati ang pelikula.


Kaya sa nagtanong kung bakit si Dennis na naman ang napili ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na magbida sa film project, ang husay ng aktor at ang mga awards na napanalunan ang sagot.


Wala pang title ang movie at wala pang detalye, pero excited na ang mga fans. Nangako na silang susuportahan at panonoorin ang Dennis Trillo-Direk Zig Dulay project. Waiting sila sa iba pang cast at kung ano’ng story ang ibibigay ng mga producers.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | April 9, 2026



Chie Filomeno - IG

Photo: Chie Filomeno - IG



Masyadong malupit ang mga comments sa post ni Chie Filomeno na nasa beach at magsu-swimming, na may caption na: “Shot puno.” 


Ang daming hate comments na para bang may nagawa siyang masama.

May mga nagsabi na hindi raw puwede sa alta si Chie at dapat bumalik na lang sa pagpapa-sexy. 


May nagpayo rin na magbihis at kumilos nang maayos para makahanap ng lalaking matino, na para bang may mali sa kanyang pananamit.


May nagkomento pa na si Jake Cuenca ay may Rabiya Mateo na at si Matthew Lhuillier ay bumalik sa longtime girlfriend, samantalang siya ay mag-isa ngayon.

Kapansin-pansin naman na marami ring nagtatanggol kay Chie. Hindi raw niya kailangan ng lalaki sa ngayon dahil bata pa siya, may pera at may career. May ilan pang nagbigay ng payo na mag-aral at magtapos, at mag-focus sa pagpapalago ng sariling halaga.


May mga nagsabi rin na gusto nila ang pagiging genuine at unbothered ni Chie, kaya ang payo ay maghintay dahil marami pang darating na mas deserve niya. Ituloy lang niya ang pandededma sa mga bashers.





Nagsimula na palang mag-taping si Bea Alonzo ng bago niyang series sa GMA-7 na Whispers from Heaven (WFH). Parang naka-ilang araw na ng taping ang aktres at kahit mainit ang panahon, tuluy-tuloy ang kanyang trabaho. 


Sa video na aming napanood, may dala lang siyang mini fan para mabawasan kahit papaano ang init.


Mukhang multi-tasking si Bea dahil sinimulan na rin niya ang paghahanda sa wedding nila ni Vincent Co na, ayon sa report, ay gaganapin sa May 16 sa Spain. 

In fairness, walang lumalabas na leakage sa wedding preparations kaya mag-abang-abang na lang tayo kung may lalabas na detalye.


Ang isang lumabas na balita, mas maaga raw ang wedding nina Bea at Vincent kaysa sa nabalitang May 16. Makukumpirma ito kung isa sa mga nakatanggap ng wedding invitation ang magsasalita tungkol dito.


Samantala, pinansin ng mga fans na blooming si Bea kahit busy at pagod sa taping ng kanyang bagong series. Siguro ay inspired siya at gusto ang concept ng series na isang political thriller sa direksiyon ni Zig Dulay. Nabalita nga na special request ni Bea sa GMA-7 na si Zig ang maging director at natupad naman ito.


Maganda ang story ng WFH dahil naaayon sa mga nangyayari sa gobyerno. 

Sey ni Direk Zig, “Ang daming ilalagay sa mga episodes at script na somehow, alam nating may mga anomalyang nangyayari pero ‘yung detalye, ‘di natin nakikita. So ngayon pa lang, tapangan n’yo na.”


Samantala, inaabangan na ang announcement ng wedding entourage nina Bea Alonzo at Vincent Co, pati na ang mga sponsors at mga invited guests. Hindi raw pahihirapan ang mga bisita dahil nabalitang may private plane na magdadala sa kanila sa Spain kung saan gaganapin ang kasal.





Wala raw dahilan para iwan ang GMA-7…

PAGLIPAT NI MARIAN SA ABS-CBN, FAKE NEWS



KAHIT ang Kapamilya fans ay hindi naniwala sa balitang kumalat sa Facebook (FB) na posible raw lumipat si Marian Rivera sa ABS-CBN matapos umano ang pag-uusap ng kanyang kampo at ng mga opisyal ng network.


Ayon sa kanila, walang rason si Marian para umalis sa GMA Network dahil may mga proyekto siya rito at nag-a-adjust ang network sa kanyang availability. Nakakagawa rin naman siya ng pelikula sa Star Cinema kasama si Dingdong Dantes kaya wala ring dahilan para lumipat siya.


Para naman sa mga fans ni Marian, taktika lang ito para mag-react ang mga Kapuso fans at kumita ang nag-post ng fake news.


Dagdag pa nila, lumalabas ang ganitong isyu tuwing may proyekto si Marian sa Star Cinema. Nabalita kasing muli silang gagawa ng pelikula ni Dingdong Dantes sa ilalim ng Star Cinema kasama ang APT Entertainment at Agosto Dos Productions.


Kaya naman, tila recycled issue na ang usapin ng kanyang paglipat. Matatandaang nasagot na rin ito noon ni Marian Rivera at iginiit na walang lipatang mangyayari. 

Malamang, ganoon pa rin ang magiging sagot niya kung muli itong matatanong.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page