ni Nitz Miralles @Bida | April 11, 2026

Photo: IG _frankiepangilinan
Nakakatuwa ang sagot ni Frankie Pangilinan sa tanong ng follower niya sa Instagram (IG) kung boyfriend niya ang guy na kasama niya sa ipinost na photo sa page niya.
Tanong ng netizen, “Boyfriend mo, Frankie?”
Sagot ni Frankie, “‘Di po, premyo ko lang po sa Family Feud (FF).”
Natawa ang mga nakabasa sa sagot ni Frankie na obvious na nagbiro.
Hindi ang BF ang premyo niya at ng mga kasama sa FF kundi P200K.
Kaya lang, nabuking pa rin si Frankie dahil sa comment ng sister niyang si Miel Pangilinan.
Sabi nito, “Ate and Kuya” na ibig sabihin, tanggap niyang kuya niya si Daniel Laurel, lalo na kapag nagkatuluyan sila ni Frankie.
Sa pagbabasa ng comments sa post ni Frankie, may Mia Laurel na nag-comment ng “Aguy” na sinagot ni Frankie ng “It’s that Saturn return glow.”
Ang feeling ng mga followers ni Frankie, sister siya ni Daniel dahil Santamaria rin ang middle name nito. Santamaria ang apelyido ng mom ni Daniel, ang former top model na si Crispy Santamaria-Laurel.
May Carlos Laurel din na nag-comment ng “Kakster and Danster forever” na ang gustong tukuyin ay ang pangalan ng love team ng dalawa (kung artista sila).
Sabi ng mga netizens, brother siya ni Daniel.
Ang nakakaloka lang, may nag-akalang ang Daniel na boyfriend ni Frankie ay si Daniel Padilla.
Comment ng netizen, “Boyfriend niya pala si Daniel Padilla.”
Biro ng mga nakabasa, hindi updated ang nag-comment nito at baka mag-react daw si Kaila Estrada na GF ni Daniel Padilla.
SUNUD-SUNOD ang ganap sa TV5 mula sa back-to-back pilot ng mga bagong series hanggang sa launching ng bago nilang talent agency.
Mauuna ang magkasunod na premiere ng My Bespren Emman (MBE) na isang inspirational drama at ang A Secret In Prague (ASIP) sa April 27 na. Kasama sila sa
Todo Max Primetime Singko TV5 campaign ng network.
Siguradong mauuna sa time slot ang inspirational drama na kabilang sa cast sina Shaina Magdayao, Sid Lucero, JM de Guzman, Ryrie Sophia, at Ai Ai delas Alas.
Nagpasalamat si Ai Ai sa TV5 sa pagkuha sa kanya sa MBE at nagpasalamat din siya sa GMA Network na pinayagan siyang tanggapin ang project ng TV5 kahit Kapuso talent siya.
Sunod sa inspirational drama ang ASIP na first time na pagtatambalan nina Andrea Brillantes at Enrique Gil. Excited ang mga fans dito dahil ngayon nga lang sila nagtambal at curious din sila sa tagline ng TV5 na, “Panoorin ang tambalang #Andrique for the first time, sa isang kuwentong walang katulad.”
Ano raw kaya’ng story ng series para sabihing walang katulad ang kuwento nito?
Sa May 5 naman ang launching ng Star Worx, ang talent agency ng TV5 na pamumunuan ni Mr. Johnny Manahan. Tatapatan nito ang Star Magic ng ABS-CBN at Sparkle GMA Artist Center na parehong hinawakan ni Mr. M. In fact, nagtagal si Mr. M sa Star Magic bago lumipat sa GMA Network.
Excited na ang mga fans na makilala ang talent ng Star Worx at isa sa kanilang mga inaabangan ay kung may talent na galing sa ABS-CBN at GMA Network. Baka raw may mga lumipat sa Star Worx dahil kay Mr. M.
Aktor, GF na si Mika…
JILLIAN-WILL LOVE TEAM, PINALAGAN AGAD
BALITA pa lang at wala pang kumpirmasyon, may mga natuwa na sa posibilidad na makasama sina Jillian Ward at Will Ashley sa cast ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ni Dennis Trillo to be directed by Zig Dulay.
Panahon na raw para mabigyan ng pelikula si Jillian para hindi lang siya sa telebisyon sikat. Sayang daw ang popularidad nito at pagiging versatile kung sa telebisyon lang siya napapanood.
Mahusay sa drama at puwede sa action ang aktres at nakikita ‘yun sa Never Say Die (NSD). Pelikula na lang ang kulang sa kanya para mas sumigla ang kanyang career.
Huwag na raw silang gawing love team ni Will, lalo na at nabuking na may relasyon ang aktor at si Mika Salamanca. Magiging pilit daw kung gagawin silang love team. I-build-up na lang daw sila as solo performer.
Sayang nga, hindi natuloy ang movie nina Jillian at former Sen. Bong Revilla, Jr., makakatulong sana ‘yun para makatawid sa filmmaking ang Kapuso actress.
