top of page
Gary V. - IG.jpg
Search

by Anthony Servinio @Sports News | August 29, 2026



Brownlee at Kai Sotto - FIBA Asia Cup - Instagram.

Photo: Circulated / Gilas


Larongayong Linggo - MOA

2 PM NZ vs. Syria

5 PM Australia vs. Jordan

8 PM Pilipinas vs. Iran


Tumira ng nagpapanalong three-points si Kevin Quiambao na sinundan ng malupit na supalpal ni Kai Sotto para talunin ng Gilas Pilipinas ang Jordan sa overtime, 82-81, sa unang araw ng FIBA World Cup 2027 Asia Qualifiers sa MOA Arena Biyernes ng gabi. 


Tututok na ang mga Pinoy sa Iran ngayong Linggo sa parehong palaruan. Winasak ng tres ni KQ ang 79-79 tabla na may 13 segundong nalalabi.  Biglang pinituhan ng foul si CJay Perez at ipinasok ni Freddy Ibrahim ang dalawang free throw para magbanta, 81-82, at siyam sa orasan.


Matapos ang Gilas timeout, hindi naipasa ni Scottie Thompson ang bola sa loob ng limang segundo upang ibalik ito sa Falcons. Sumaksak si Abdullah Olajuwon subalit sinalubong siya ni Sotto upang selyuhan ang resulta sabay tunog ng busina.


Tinuldukan ni Sotto ang kanyang pagbabalik sa Gilas na may 18 puntos at 14 rebounds.  Sumuporta si Perez na may 16 at Quiambao at Dwight Ramos na parehong 14. Ayon kay Coach Tim Cone, kapag tuluyang makakapasok ang Gilas sa World Cup ay tiyak na babalikan nila ang larong ito. 


Umakyat ang mga Pinoy sa 3-4 habang lumikha ng tabla sa 5-2 sa pagitan ng Jordan, Iran at Aotearoa New Zealand. Nagtapos si Ibrahim na may 22. Sumunod si Jalen Harris na may 19 pero napilay siya at hindi naglaro sa huling 30 segundo ng overtime. 

 
 

by Anthony Servinio @Sports News | August 28, 2026



All-Pinoy Gilas papasiklab kontra Jordan mamaya sa FIBA Asian Cup Q'fiers

Photo: Circulated



Laro ngayong Biyernes - MOA

2:00 PM Iran vs. NZ

5:00 PM Syria vs. Australia

8:30 PM Jordan vs. Pilipinas


Handa na ang 12 manlalaro ng Gilas Pilipinas na sasabak kontra sa bisitang Jordan sa simula ng pangalawang yugto ng FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers Grupo E ngayong Biyernes ng gabi sa MOA Arena. 


Malaking bonus para sa mga Pinoy at hindi lang isa kundi tatlong kalidad na sagupaan ang itatanghal. Binubuo ang listahan nina June Mar Fajardo, Dwight Ramos, Kevin Quiambao, Justine Baltazar, Troy Rosario, AJ Edu, Carl Tamayo Juan Gomez de Liano at Chris Newsome na naglaro sa huling qualifier laban sa Australia at Aotearoa New Zealand. 


Babalik o idinagdag sina Scottie Thompson, CJay Perez at Kai Sotto. Kailangang magbawas ng dalawa mula sa nakalistang 14 si Coach Tim Cone at ito ay sina RJ Abarrientos at Justin Arana. 


Ang mga ibababa ay maaaring iangat muli sa laro laban sa Iran sa Linggo sa parehong palaruan. Ang Jordan ay galing sa ika-45 William Jones Cup noong nakaraang Linggo kung saan sila ay ika-anim.  Halos parehong koponan ang sasalang sa pangunguna ng kanilang naturalisadong mamayanan gwardiya Jalen Harris na naglaro ng 13 beses para sa Toronto Raptors noong 2021.


Bitbit ng Falcons ang kartadang 5-1 mula sa unang yugto kumpara sa 2-4 ng Gilas.  Ang unang tatlo sa Grupo E at F ang tutuloy sa World Cup habang sasamahan sila ng mas mataas sa mga magtatapos sa ika-apat.


Ang Grupo F ay binubuo ng Lebanon (5-1), Japan (4-2), Qatar (4-2), Timog Korea (3-3), Tsina (3-3) at Saudi Arabia (3-3). 


Pasok na ang Qatar bilang host ng torneo mula Agosto 27 hanggang Setyembre 12, 2027. Sa unang laro, haharapin ng Iran (5-1) ang NZ (4-2) at susundan ito agad ng Syria (2-4) laban sa Australia (6-0).  Inilipat ng FIBA ang mga laro sa Pilipinas bunga ng patuloy na giyera sa Gitnang Silangan sa pagitan ng Iran laban sa Israel at Amerika.

 
 

by MC @Sports News | August 27, 2026



Drug overdose ang ikinasawi ni Grizzlies Forward Clarke

Photo: Memphis Grizzlies forward Brandon Clarke



Mayroong heroin, cocaine, morphine at maraming gamot na may reseta sa kanyang sistema nang mamatay si Memphis Grizzlies forward Brandon Clarke, iyan ay ayon sa resulta ng autopsy na inilabas ng Los Angeles County Medical Examiner. 


Unang hinihinalang aksidente ang kanyang pagkamatay pero ang epekto pala ng heroin at cocaine ang tunay na sanhi ng kanyang pagkamatay kung saan ang "pinagsamang epekto ng maraming gamot na may reseta" ay nakalista pa para sa "may iba pang mahahalagang kondisyon."


Noong Mayo 11, si Clarke, 29, ay natagpuang walang malay sa kanyang tirahan sa San Fernando Valley at idineklarang patay nang datnan ng paramediko. Ang paglabas ng autopsy ay nangyari matapos ang mahigit dalawang linggo matapos ang  paunang anunsyo mula sa medical examiner na naglalaman ng halos parehong impormasyon.


Iginugol ni Clarke ang buong pitong taong karera sa NBA Grizzlies matapos maglaro ng college ball para sa San Jose State at Gonzaga. Sa mahigit 309 na laro (50 pagsisimula), may average na 10.2 puntos at 5.5 rebounds,  nagtapos sa ikaapat na pwesto sa Rookie of the Year voting noong 2019-20.


Hindi nakapaglaro sa simula ng nakaraang season sa Memphis matapos ang operasyon sa tuhod at bago matapos ang kampanya ay nagkapinsala pa  sa binti.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page