top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 27, 2022


Kung mayroong conjugal partnership of gains at absolute community property regime, mayroon din namang tinatawag na regime of separation of property bilang property relations ng mag-asawa.


Ang ganitong uri ng property relation ng mag-asawa ay nangyayari sa pagkakataong ito ang napagkasunduan nila sa kanilang marriage settlement na magiging property relations nila.


Kapag hindi nila ito napagkasunduan, ang paghihiwalay ng mga ari-arian ng mag-asawa habang sila ay kasal pa ay maaari lamang mabigyan ng katuparan kapag mayroong utos ang husgado. Ito ay sapagkat ang pamilya bilang pangunahing pundasyon ng lipunan ay isang pinagmulang institusyon kung saan pinoprotektahan at pinangangalagaan ng publiko.


Kaugnay nito, ang relasyon ng pamilya ay pinamamahalaan ng batas at walang nakasanayang kaugalian o kasunduan na maaaring sumira sa pamilya ang kikilalanin o bibigyan ng halaga.


Upang pangalagaan ng batas ang pamilya bilang isang institusyon, ang separation of property regime ay pinapayagan lamang ng husgado sa mga sumusunod na sitwasyon:

  1. Ang asawa ng humihingi ng petisyon ay nadeklara ng husgado na “absentee”;

  2. Ang asawa ng nagpetisyon ay nagawaran ng sentensiya na kasama rito ang civil interdiction;

  3. Ang asawa ng nagpetisyon ay nawalan ng parental authority sa pamamagitan ng utos ng husgado;

  4. Kapag ang nagpetisyon ay iniwan ng kanyang asawa at hindi na niya natupad ang kanyang obligasyon sa kanyang asawa at pamilya;

  5. Kapag ang asawa ng nabigyan ng kapangyarihan para pamahalaan ang mga ari-arian sa marriage settlement ay nang-abuso ng kanyang kapangyarihan;

  6. Kapag ang mag-asawa ay naghiwalay na ng mahigit isang taon at ang posibilidad na sila ay magkasundo ay hindi na mangyayari.

Sa ganitong uri ng property relations ng mag-asawa, ang bawat isa sa kanila ay maaaring bumili ng mga ari-arian gamit ang kani-kanilang sariling pera. Maaari rin naman na sila ay magbenta, pamahalaan at gamitin ang kanilang sariling mga ari-arian kahit na walang pahintulot ang kanilang mga asawa. Ang kanilang mga kita mula sa kanilang propesyon, negosyo o industriya maging ang mga produkto o bunga (civil, natural o industrial) ng kanilang mga ari-arian ay sa kanila mapupunta. Hindi sila nanghihimasok sa desisyon ng bawat isa pagdating sa pangangalaga at paggamit ng kanilang mga ari-arian maliban lamang sa paghahatian nila ang gastusin ng pamilya ayon sa proporsyon ng kanilang kita o sa market value ng kanilang mga hiwalay na ari-arian. Subalit ang mga pinagkakautangan ng pamilya para sa kanilang mga gastusin ay babayaran ng sinuman sa mag-asawa.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 26, 2022



Dear Chief Acosta,

Ako po ay may nakabanggaan na tricycle sa kahabaan ng Quezon Avenue. Pagbaba ko ng sasakyan ay hiningi ko ang lisensya ng tricycle driver na nakabangga sa akin upang makuha ko ang impormasyon tulad ng kanyang pangalan at address. Ayaw niyang ibigay ito dahil hindi umano ako enforcer at doon na lang kami sa Barangay magharap. Kalaunan ay may dumating na staff ng Barangay at nagsabi na sa Barangay na lamang diumano kami mag-usap upang maayos na ito. Sabi ko ay magsasampa na lamang ako ng kasong reckless imprudence resulting to damage to property at kailangan ko lamang ang pangalan at address ng driver. Sila ay nagpupumilit na dalhin sa Barangay ang usapin. Hindi naman po ako taga roon na barangay. Tama po ba na idaan pa rin sa Barangay ang usaping ito?

Arvin


Dear Arvin,


Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Section 409 ng Republic Act (R.A.) No. 7160 (Local Government Code of 1991). Ayon sa nasabing probisyon: “Section 409. Venue. – (a) Disputes between persons actually residing in the same barangay shall be brought for amicable settlement before the Lupon of said barangay.


(b) Those involving actual residents of different barangays within the same city or municipality shall be brought in the barangay where the respondent or any of the respondents actually resides, at the election of the complainant. xxx”


Ayon sa nasabing probisyon, ang isang isyu ay maaaring hindi maging saklaw ng Barangay Conciliation kung ang mga partido ay residente ng barangay na napapaloob sa magkaibang siyudad o munisipalidad. Kung ang mga partido naman ay nasasaklaw ng magkaibang barangay ngunit napapaloob sa magkaparehas na siyudad o munisipalidad, ito ay maaaring dalhin sa barangay na saan ang inirereklamo o sino man sa mga inirereklamo ay naninirahan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 25, 2022



Dear Chief Acosta,


May kapitbahay akong nag-aangkat ng mga wild life o iba’t ibang klase ng hayop. Kadalasan ay pinagmamalupitan niya ang mga hayop na ito, kasama na ‘yung ipinagkakasya niya sa isang sasakyan ang napakaraming hayop para lamang kumita.


Ngayon, ipinagmamalaki niya na makaliligtas siya sa anumang kaparusahan dahil may permit siya mula sa gobyerno. Tama po ba siya?


Kat



Dear Kat,


Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Republic Act (R. A.) No. 8485 o An Act to Promote Animal Welfare in The Philippines, Otherwise Known as "The Animal Welfare Act of 1998 as amended by RA 10631". Nakasaad sa Section 4 ng nasabing batas na:


“Sec. 4. It shall be the duty of any owner or operator of any land, air or water public utility transporting pet, wildlife and all other animals to provide in all cases adequate, clean and sanitary facilities for the safe conveyance and delivery thereof to their consignee at the place of consignment. They shall provide sufficient food and water for such animals while in transit for more than twelve (12) hours or whenever necessary.


No public utility shall transport any such animal without a written permit from the Director of the Bureau of Animal Industry or his/her authorized representative. No cruel confinement or restraint shall be made on such animals while being transported.


Any form of cruelty shall be penalized even if the transporter has obtained a permit from the Bureau of Animal Industry. Cruelty in transporting includes overcrowding, placing of animals in the trunks or under the hood trunks of the vehicles.” (Binigyang-diin)


Sang-ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, magkakaroon pa rin ng kaparusahan ang iyong kapitbahay dahil pinagmamalupitan niya ang mga hayop na kanyang inaangkat, gaya ng overcrowding, kahit pa mayroon siyang permit para rito.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page