top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | March 2, 2023



Dear Chief Acosta,


Ako ay security guard na ipinadala ng aking agency para madestino sa isang establisimyento sa Quezon City. Sa hindi alam na kadahilanan, inabisuhan ako ng agency na may instruction diumano silang natanggap na pinu-pull out na ako sa detail assignment ko.


Dismayado sa naganap, ilang beses akong nag-follow up sa agency, ngunit walang nangyari.


Kaya sa huling tawag ko sa kanila, napagpasyahan at naibulalas ko sa agency na maghahain ako ng reklamo laban sa kanila. Pagkaraan ng ilang araw pagkatapos ng nasabing tawag, nakatanggap ako ng abiso na pinababalik ako sa agency “for immediate posting”. Nang magtanong ako sa agency tungkol sa detalye ng bagong posting ko, wala itong maibigay. Ano ang maaari kong gawin? Maraming salamat. –Melchor


Dear Melchor,


Ang iyong katanungan ay nasagot ng Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong Samsudin T. Hamid vs. Gervasio Security and Investigation Agency, Inc./Susan S. Gervasio, G.R. No. 230968, 27 July 2022, sa panulat ni Honorable Associate Justice Samuel H. Gaerlan, kung saan pinasyahan ang mga sumusunod:


“In a plethora of cases, We have emphasized that a security guard’s employer must give a new assignment to the employee within six months. This assignment must be to a specific or particular client. ‘A general return-to-work order does not suffice.’ Otherwise stated, jurisprudence requires not only that the employee be recalled to the agency’s office, but that the employee be deployed to a specific client before the lapse of six months. In the case of lbon v. Genghis Khan Security Services, (Ibon Case), it has been clarified that:


Respondent could not rely on its letter requiring petitioner to report back to work to refute a finding of constructive dismissal. The letters, dated November 5, 2010 and February 3, 2011, which were supposedly sent to petitioner merely requested him to report back to work and to explain why he failed to report to the office after inquiring about his posting status. More importantly, there was no proof that petitioner had received the letters.


In Tatel v. JLFP Investigation (JLFP Investigation), the Court initially found that the security guard was constructively dismissed notwithstanding the employer’s letter ordering him to report back to work. It expounded that in spite of the report-to-work order, the security guard was still constructively dismissed because he was not given another detail or assignment. On motion for reconsideration, however, the Court reversed its ruling after it was shown that the security guard was in fact assigned to a specific client, but the latter refused the same and opted to wait for another posting.


A holistic analysis of the Court’s disposition in JLFP Investigation reveals that: [1] an employer must assign the security guard to another posting within six (6) months from his last deployment, otherwise, he would be considered constructively dismissed; and [2] the security guard must be assigned to a specific or particular client. A general return-to-work order does not suffice.”


Batay sa nasabing kaso, ang employer o agency ay dapat magbigay ng bagong assignment sa empleyado sa loob ng anim na buwan. Ang pagtatalagang ito ay dapat sa isang partikular na kliyente. Hindi sapat ang isang pangkalahatang utos para sa pagbalik-trabaho. Samakatuwid, nangangailangan, hindi lamang na ang empleyado ay ipabalik sa opisina ng ahensya, ngunit ang empleyado ay i-deploy sa isang partikular na kliyente bago matapos ang anim na buwan. Kung hindi, ito ay maaaring ituring na isang ilegal na pagtanggal sa trabaho.


Sa iyong kaso, bagama’t ang agency ay nagpadala sa iyo ng abiso upang mag-report para sa agarang posting, kung hindi nakasaad dito ang partikular na kliyente kung saan ka made-deploy ay hindi ito sapat. Kung ikaw ay inilagay sa floating status nang higit sa anim na buwan mula sa huling posting/assignment, ikaw ay maituturing na ilegal na tinanggal sa trabaho ng iyong agency.


Sa gayung sitwasyon, ikaw ay maaaring magsampa ng kaso laban sa iyong employer.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 28, 2023



Dear Chief Acosta,


Ano ang depenisyon ng Right of Way sa usaping trapiko, lalo na sa isang interseksyon? –Benn


Dear Benn,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa ating mga batas, at kaugnay na desisyon ng ating Korte Suprema. Bilang panimula, nakasaad sa sumusunod na probisyon ng Republic Act Number 4136, o mas kilala sa tawag na "Land Transportation and Traffic Code," ang pamantayan patungkol sa Right of way, viz.:


Section 42. Right of way.


(a) When two vehicles approach or enter an intersection at approximately the same time, the driver of the vehicle on the left shall yield the right of way to the vehicle on the right, except as otherwise hereinafter provided. The driver of any vehicle traveling at an unlawful speed shall forfeit any right of way which he might otherwise have hereunder.


Partikular sa nabanggit, idinagdag ng Kataas-taasang Hukuman sa kasong Caminos v. People (G.R. No. 147437, 8 May 2009) na sinulat ni Retired Honorable Associate Justice Dante Tiñga, na ang Right of Way ay ang batas na tumutukoy sa karapatan, at ang preperesensya ng isang sasakyan na magpatuloy sa legal na pamamaraan—bagama’t mayroong kasalubong o kasabay na sasakyan:


“In traffic law parlance, the term "right of way" is understood as the right of one vehicle to proceed in a lawful manner in preference to another approaching vehicle under such circumstances of direction, speed and proximity as to give rise to a danger of collision unless one of the vehicles grants precedence to the other. Although there is authority to the effect that the right of way is merely of statutory creation and exists only according to express statutory provision, it is generally recognized, where no statute or ordinance governs the matter, that the vehicle first entering an intersection is entitled to the right of way, and it becomes the duty of the other vehicle likewise approaching the intersection to proceed with sufficient care to permit the exercise of such right without danger of collisions.”


Alinsunod sa nabanggit, ang sasakyan na naunang makapasok sa isang interseksyon ang mayroong Right of Way. Sa sitwasyon naman na sabay na nakarating sa isang interseksyon ang dalawang sasakyan, ang driver ng sasakyan na nasa kaliwa ay nararapat na magbigay-daan sa driver ng sasakyan na nasa kanan, ayon sa nasabing batas. Gayunman, ang isang driver na tumatakbo nang hindi akma sa bilis na itinakda ng batas ay tinatanggalan ng batas ng Right of Way at nararapat lamang na magbigay-daan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 27, 2023


Dear Chief Acosta,


Nakapag-paternity leave ako sa dati kong pinagtatrabahuhan noong isinilang ang panganay kong anak. Lumipat ako sa bagong amo at humingi ako sa kanya ng paternity leave nang ipanganak ang aking bunso. Sa kasamaang-palad, tumanggi siyang ibigay ito dahil nalugi diumano ang kanyang negosyo. Alam kong kuwalipikado ako sa paternity leave dahil inulit ko lang ang proseso sa aking bagong amo para makuha ang nasabing benepisyo. Kung mapapatunayan ko na kuwalipikado ako sa paternity leave at ayaw itong ibigay ng aking amo, ano ang magiging legal na parusa sa kanya base sa batas? –Melando


Dear Melando,


Para sa iyong kaalaman, ang benepisyong tinatawag na paternity leave ay makikita sa Seksyon 2 ng Republic Act No. 8187 o mas kilala sa tawag na “Paternity Leave Act of 1996”, kung saan nakasaad na ang bawat may-asawang lalaking empleyado sa pribado at pampublikong sektor ay may karapatan sa paternity leave na pitong araw na may buong suweldo para sa unang apat na panganganak o anumang pagkalaglag ng lehitimong asawa na kanyang kasama.


Ang kaparusahan sa paglabag sa nasabing batas ay matatagpuan sa Seksyon 5 ng batas kung saan nakasaad na:


“SEC. 5. Any person, corporation, trust, firm, partnership, association or entity found violating this Act or the rules and regulations promulgated thereunder shall be punished by a fine not exceeding Twenty-five thousand pesos (P25,000) or imprisonment of not less than thirty (30) days not more than six months.


If the violation is committed by a corporation, trust, firm, partnership, association or any other entity, the penalty of imprisonment shall be imposed on the entity’s responsible officers, including, but not limited to, the president, vice-president, chief executive officer, general manager, managing director or partner directly responsible therefor.”


Batay sa nasabing batas, kung mapapatunayan na ikaw ay kuwalipikado sa paternity leave at hindi ka binigyan nito ng iyong amo, maaari siyang mapanagot sa batas at mapatawan ng parusa na pagkakakulong o multa, alinsunod sa nabanggit na batas at sa pagpapapasya ng korte.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page