top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | March 9, 2023



Dear Chief Acosta,


Ang aking kapatid ay inaresto ng mga nagpakilalang operatiba ng NBI dahil sangkot daw siya umano sa isang kaso ng hazing, kung saan isa sa kanilang mga kaeskuwela ang namatay noong nakaraang linggo. Tinanong namin ang mga nasabing operatiba kung sila ba ay mayroong warrant of arrest, ngunit ang sabi nila ay warrantless arrest umano ang kanilang ginagawa sapagkat mayroon silang “personal knowledge” na nangyari ang isang krimen base sa testimonya ng dalawang testigo na positibong itinuturo ang aking kapatid. Tama ba ito? –Miel

Dear Miel,


Ang sagot sa iyong katanungan ay tinalakay ng Korte Suprema sa kasong Roger Posadas, Rosario Torres-Yu and Marichu Lambino v. Ombudsman, G.R. No. 131492, Sept. 29, 2000, Ponente: Retired Honorable Associate Justice Jose C. Mendoza, kung saan sinabi ng Korte Suprema ang mga pamantayan para magkaroon ng “personal knowledge” ang isang arresting officer na magpapatupad ng isang warrantless arrest:


“Personal knowledge of facts in arrests without a warrant under Section 5 (b) of Rule 113 must be based upon "probable cause" which means an "actual belief or reasonable grounds of suspicion." The grounds of suspicion are reasonable when in the absence of actual belief of the arresting officers, the suspicion that the person to be arrested is probably guilty of committing the offense is based on actual facts, i.e., supported by circumstances sufficiently strong in themselves to create the probable cause of guilt of the person to be arrested. A reasonable suspicion therefore must be founded on probable cause, coupled with good faith on the part of the peace officers making the arrest. Indeed, at the time Dennis Venturina was killed, these agents were nowhere near the scene of the crime. When respondent Dizon and his men attempted to arrest Taparan and Narag, the latter were not committing a crime nor were they doing anything that would create the suspicion that they were doing anything illegal. On the contrary, Taparan and Narag, under the supervision of the U.P. police, were taking part in a peace talk called to put an end to the violence on the campus.”

Gaya sa kaso ng iyong kapatid, nakalipas na ang isang linggo at ang sinasabing “personal knowledge” ay base sa testimonya ng dalawang testigo. Hindi ito base sa mga pangyayari na kanilang nasaksihan o aktwal na mga kaganapan na maaaring makapagbuo sa kanilang isip na ang iyong kapatid ang maaaring gumawa ng nasabing krimen. Dahil dito, ang National Bureau of Investigation (NBI) ay dapat kumuha ng warrant of arrest mula sa isang hukom na siyang magdedetermina kung mayroon bang probable cause para arestuhin ang iyong kapatid. Dahil walang warrant of arrest ang NBI, ilegal ang ginawang pag-aresto sa iyong kapatid. Marapat lamang na siya ay palayain. Maaari rin kayong magsampa ng kaukulang kasong kriminal at administratibo laban sa mga operatiba ng NBI na umaresto sa iyong kapatid.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payo na aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.



 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | March 8, 2023



Dear Chief Acosta,


Ang aking anak ay may iniwang lupa sa Maynila bago siya umuwi sa aming probinsya.


Ang nasabing lupa ay nasa ilalim ng kanyang pangalan at dati niyang asawa. Nang siya ay bumalik sa Maynila, natagpuan niya na may nakatira na sa nasabing lupa. Ang mga ito diumano ay mga pinagsanglaan ng kanyang dating asawa. Kinausap niya ang mga ito at sila naman ay kusang loob na umalis sa nasabing lupa. Nagtalaga ang aking anak ng tagapamahala ng lupa upang ito ay pa-rentahan. Ngunit, pagbalik ng aking anak sa probinsya, tumawag ang kanyang tagapamahala, sapagkat ang mga dating nakatira ay bumalik at sapilitang tinirahan muli ang nasabing lupa. Ano ang maaari naming gawin? –Fres


Dear Fres,


Ang sagot sa iyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kasong Ma. Luz Teves Esperal v. Ma. Luz Trompeta-Esperal and Lorenz Annel Biaoco, G.R. No. 229076, September 16, 2020, Ponente: Honorable Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, kung saan sinabi ng Korte Suprema ang mga pamantayan para sa kasong Forcible Entry:


“For a forcible entry suit to prosper, the plaintiffs must allege and prove: (a) that they have prior physical possession of the property; (b) that they were deprived of possession either by force, intimidation, threat, strategy or stealth; and (c) that the action was filed within one year from the time the owners or legal possessors learned of their deprivation of the physical possession of the property.


Records reveal that petitioner was able to satisfactorily prove by preponderance of evidence the existence of all the elements of forcible entry. While it may be true that respondents occupied the property before 2012, it was without the knowledge of petitioner and respondents voluntarily left the premises after the latter learned of petitioner's ownership.


More importantly, petitioner was already in prior peaceful occupation of the subject property when respondents forcibly entered it by using a bolt cutter, evicted the tenants therein, changed the padlocks, and placed a rent signage in front of the property. These were the acts of respondents that prompted petitioner to file a forcible entry case.”


Gaya sa problema ng iyong anak, ang kusang loob na pag-alis ng mga dating nakatira sa lupa ng iyong anak ay nagbunga sa matahimik na possession ng nasabing lupa. Nang ito ay kanilang pasukin muli gamit ang dahas, ito ay nagresulta sa isang Forcible Entry case na maaaring isampa sa korte, kung saan dedesisyunan ng korte kung sino ang may higit na karapatan upang panghawakan ang pinag-aawayang lupa.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | March 7, 2023



Dear Chief Acosta,


May nakilala akong electrical engineer na isa sana sa mga gagawa ng aming bahay.


Bago kami magkasundo sa kontrata, nadiskubre kong expired ang kanyang lisensya at tinangka lamang niya itong gamitin upang kumita. Ano ang kaparusahang maaaring maipataw sa kanya dahil sa kanyang ginawa? –Penny


Dear Penny,


Para sa iyong kaalaman, ang iyong katanungan ay tinatalakay sa Section 35 ng Republic Act No. 7920 o mas kilala sa tawag na “New Electrical Engineering Law” kung saan nakasaad na:


“SEC. 32. Prohibition in the Practice of Electrical Engineering. – No person shall:


(e) Attempt to use a revoked or suspended certificate of registration or an expired professional license;”


Ang paglabag sa nabanggit na probisyon ng batas ay pinapatawan ng kaukulang parusang multa, pagkakakulong o parehong multa at pagkakakulong, ayon sa Section 40 ng nasabing batas, kung saan nakasaad na:


“SEC. 40. Penalty Clause. – Any person who shall violate any of the provisions of this Act shall be guilty of misdemeanor and shall, upon conviction, be sentenced to a fine of not less than ten thousand pesos (P10,000) nor more than fifty thousand pesos (P50,000) or imprisonment for a period not less than six (6) months nor more than five (5) years or both at the discretion of the court.”


Samakatuwid, partikular na ipinagbabawal ng naturang batas ang tangkang paggamit ng revoked o binawing certificate of registration o napasong propesyonal na lisensya. Ang sinumang lumabag dito at napatunayang nagkasala ay maaaring patawan ng multa na hindi bababa sa P10,000 hanggang P50,000 o kulong mula anim na buwan hanggang limang taon. Maaari ring maipataw ang parehong kaparusahan batay sa diskresyon ng korte. Kaya naman, maaaring mapatawan ng parusa ang iyong kakilala dahil sa paggamit niya ng expired na lisensya.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page