top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | March 21, 2023


Dear Chief Acosta,


Ako ay isang security guard sa loob ng halos 17 taon. Noong ako ay sumapit sa edad 60, napagpasyahan ko na tumigil sa pagtatrabaho. Ako ay agad nagpaalam sa aking employer, sabay ang paghingi sa aking retirement pay. Subalit ang kanyang tugon ay wala diumano kaming retirement plan, kaya bibigyan na lamang nila ako ng P50,000 na financial assistance.


Tama ba ang ginawa ng aking employer? – Ernesto


Dear Ernesto,


Para sa iyong kaalaman, mayroong napagdesisyunang kaso ang Korte Suprema na nakasasaklaw sa iyong katanungan. Ayon sa Grace Christian High School v. Lavandera (G.R. No. 177845, August 20, 2014, Ponente: Retired Honorable Associate Justice Estela M. Perlas-Bernabe):


“RA 7641, which was enacted on December 9, 1992, amended Article 287 of the Labor Code, providing for the rules on retirement pay to qualified private sector employees in the absence of any retirement plan in the establishment. The said law states that "an employee’s retirement benefits under any collective bargaining [agreement (CBA) and other agreements shall not be less than those provided" under the same – that is, at least one half (1/2) month salary for every year of service, a fraction of at least six (6) months being considered as one whole year – and that "[u]nless the parties provide for broader inclusions, the term one-half (1/2) month salary shall mean fifteen (15) days plus one-twelfth (1/12) of the 13th month pay and the cash equivalent of not more than five (5) days of service incentive leaves.


The foregoing provision is applicable where (a) there is no CBA or other applicable agreement providing for retirement benefits to employees, or (b) there is a CBA or other applicable agreement providing for retirement benefits but it is below the requirement set by law. Verily, the determining factor in choosing which retirement scheme to apply is still superiority in terms of benefits provided.”


Sang-ayon sa nabanggit, ang retirement pay ay maaari pa ring ibigay kahit walang kasalukuyang retirement plan sa iyong pinasukang trabaho. Sa ganu’ng pagkakataon, ang batas o Republic Act (R.A.) No. 7641 ang masusunod kung magkano ang halaga na iyong matatanggap bilang retirement pay.


Ayon sa R.A. No. 7641, ang retirement pay ay may katumbas na 1/2 month salary for every year of service. Kasama sa 1/2 month salary ang 15 araw plus one-twelfth (1/12) ng 13th month pay at katumbas na halaga ng cash na hindi hihigit sa limang araw na service incentive leaves. Kaya kung susumahin, ang 1/2 month salary na ito ay binubuo ng 22.5 days na katumbas ng iyong trabaho. Sa madaling salita, ikaw ay dapat makatanggap ng suweldo para sa 22.5 na araw sa kada taon ng iyong pamamasukan (17 years).


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | March 19, 2023



Noong Nobyembre 10, 2009, inaprubahan ang Republic Act (R.A.) No. 9745 o mas kilala sa titulong “Anti-Torture Act of 2009”. Nakasaad sa Seksyon 2 ng nabanggit na batas na isa sa mga polisiya ng Estado ay:


“(b) To ensure that the human rights of all persons, including suspects, detainees and prisoners are respected at all times; and that no person placed under investigation or held in custody of any person in authority or, agent of a person in authority shall be subjected to physical, psychological or mental harm, force, violence, threat or intimidation or any act that impairs his/her free wi11 or in any manner demeans or degrades human dignity;”


Kung ating iintindihin ang probisyon ng naturang batas, makikita natin ang layunin ng ating pamahalaan at estado na protektahan ang karapatan ng bawat mamamayan laban sa torture o pagpapahirap. Kabilang dito ang mga suspek sa isang krimen na sumasailalim sa imbestigasyon para sa isang krimeng naganap, ang mga nakakulong o nakadetine habang dinidinig ang kanilang kaso, at maging ang mga bilanggo na nahatulan ng korte.


Kapag nagkaroon ng pagmamaltratong pisikal (physical) o sikolohikal (psychological), ang biktima ay may karapatan na humingi ng agarang tulong mula sa Commission on Human Rights (CHR), Department of Justice (DOJ), Public Attorney’s Office (PAO), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at Armed Forces of the Philippines (AFP).


Ang PAO, sa bisa ng R.A. No. 9745 ay maaaring mag-imbestiga sa anumang reklamo ng pagmamaltrato sa isang naka-detine na nangangahulugang siya ay nakaranas ng torture sa loob ng piitan. Ito ay maaaring hilingin sa aming tanggapan ng taong naging biktima ng torture o kaanak nito upang maimbestigahan namin ang pangyayari at maibigay namin ang nararapat na tulong legal, sapagkat ito ay aming mandato. Ito ay ayon sa probisyon ng Section 9 ng R.A. No. 9745 na nagsasaad na:


“Section 9.

(a) To have a prompt and an impartial investigation by the CHR and by agencies of government concerned such as the Department of Justice (DOJ), the Public Attorney’s Office (PAO), the PNP, the National Bureau of Investigation (NBI) and the AFP. A prompt investigation shall mean a maximum period of sixty (60) working days from the time a complaint for torture is filed within which an investigation report and/or resolution shall be completed and made available. An appeal whenever available shall be resolved within the same period prescribed herein;”


Ang mandato ng PAO na mag-imbestiga at magbigay ng tulong legal ay nakapaloob din sa Section 11 ng naturang batas, kung saan nakasaad na ang PAO ay magbibigay ng tulong legal sa imbestigasyon, pagsubaybay, at pagsasampa ng reklamo para sa isang tao o sinumang kaanak nito o may interes sa kanya na nakaranas ng torture at iba pang uri ng hindi makatao at labis na pananakit at pagpaparusa.


Ang aming tanggapan ay mayroong Forensic Laboratory na itinatag at pinasinayaan noong Enero 27, 2010 ni Kgg. Agnes VST. Devanadera, dating Kalihim ng Kagawaran ng Katarungan. Itinatag ng PAO ang nasabing Forensic Laboratory upang tugunan ang mandato ng tanggapan na tumulong sa imbestigasyon ng anumang uri ng pagmamaltrato na ilalapit sa aming opisina ng mga nakaranas nito o kanilang mga mahal sa buhay at maging ng mga biktima ng “mass disaster”. May kakayahan ang aming Forensic Laboratory na eksaminin ang bakas ng anumang uri ng sugat, hampas, at iba pang pananakit.


Ang isang biktima ng torture ay maaari ring humingi ng proteksyon. Ang nasabing biktima ng torture o mga kaanak nito ay maaaring humingi ng proteksyon mula sa estado sa pamamagitan ng mga kaukulang ahensya nito, laban sa lahat ng uri ng pananakot at pagbabanta dahil sa pagsasampa nito ng kanyang reklamo. Ito ay alinsunod sa talata (b) ng Section 9 ng R.A. No. 9475, na nagsasaad:


“(b) To have sufficient government protection against all forms of harassment; threat and/or intimidation as a consequence of the filing of said complaint or the presentation of evidence therefor. In which case, the State through its appropriate agencies shall afford security in order to ensure his/her safety and all other persons involved in the investigation and prosecution such as, but not limited to, his/her lawyer, witnesses and relatives;”


Ang isang tao ay may karapatan din na mabigyan ng proteksyon sa kanyang katauhan sa bawat pagkakataon. Ito ay simbolo na ang isang bayan ay nasa ayos, at gumagana ang kaayusan at pagpapatupad ng batas. Kasama rito ang mga taong nahuhuli dahil sila ay lumabag sa batas. Kaya anumang uri ng pananakit sa kanila ay hindi pinahihintulutan ng Estado.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | March 18, 2023



Dear Chief Acosta,


Kami ng aking pamilya ay bumabiyahe papuntang Bicol nang kami ay biglang mabundol ng isang tren sa may railroad crossing. Nang panahon na ‘yun, may kurbada ang riles, kaya hindi namin maaaring makita kung may paparating na tren at wala rin akong narinig na busina na may paparating na tren. Ako ay nakaasa sa signal light at boom barrier na noong panahon na ‘yun ay hindi naman nakailaw at ang boom barrier ay nakataas. Kami ay nakasunod sa isang sasakyan na may limang metro ang layo sa amin at sinundan ko lamang ito. Ang sasakyan na aming sinusundan ay nakatawid nang maayos, habang ang aming sasakyan ay tinamaan sa harapang bahagi. Kami ay nagsampa ng kaso para mabawi ang danyos na aming natamo.


Ayon sa tugon ng operator ng tren, kami ay mayroong contributory negligence na siyang dahilan kung bakit kami naaksidente at dahil dito, hindi kami maaaring humingi ng danyos. Tama ba ito? – Mike


Dear Mike,


Ang sagot sa iyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kasong Philippine National Railways et al. v. Purificacion Vizcara et al. (G.R. No. 190022, February 15, 2012, Ponente: Retired Honorable Associate Justice Bienvenido L. Reyes), kung saan sinabi ng Korte Suprema ang pamantayan upang masabing mayroong “contributory negligence” ang isang partido sa isang aksidente:


“As to whether there was contributory negligence on the part of the respondents, this court rule in the negative. Contributory negligence is conduct on the part of the injured party, contributing as a legal cause to the harm he has suffered, which falls below the standard which he is required to conform for his own protection. It is an act or omission amounting to want of ordinary care on the part of the person injured which, concurring with the defendant’s negligence, is the proximate cause of the injury. Here, we cannot see how the respondents could have contributed to their injury when they were not even aware of the forthcoming danger. It was established during the trial that the jeepney carrying the respondents was following a ten-wheeler truck which was only about three to five meters ahead. When the truck proceeded to traverse the railroad track, Reynaldo, the driver of the jeepney, simply followed through. He did so under the impression that it was safe to proceed.


It bears noting that the prevailing circumstances immediately before the collision did not manifest even the slightest indication of an imminent harm. To begin with, the truck they were trailing was able to safely cross the track. Likewise, there was no crossing bar to prevent them from proceeding or, at least, a stoplight or signage to forewarn them of the approaching peril. Thus, relying on his faculties of sight and hearing, Reynaldo had no reason to anticipate the impending danger. He proceeded to cross the track and, all of a sudden, his jeepney was rammed by the train being operated by the petitioners. Even then, the circumstances before the collision negate the imputation of contributory negligence on the part of the respondents. What clearly appears is that the accident would not have happened had the petitioners installed reliable and adequate safety devices along the crossing to ensure the safety of all those who may utilize the same.”


Gaya sa iyong kaso, ang iyong pag-asa sa signal light at sa nakataas na boom barrier bilang mga indikasyon na maaari kang dumaan sa nasabing railroad crossing ay naaayon lamang sa mga sirkumstansya. Hindi masasabing mayroong contributory negligence sa iyong parte, sapagkat ikaw ay umasa lamang sa mga traffic signals na siyang nagbibigay ng impormasyon kung maaari bang dumaan sa riles. Ikaw ay umasa lamang sa iyong mga mata at tainga upang alamin kung nararapat tumawid sa riles.


Dahil wala ka namang anumang nakita o narinig, minarapat mong ligtas na tumawid sa nasabing riles. Kaya ang nasabing aksyon ay hindi maaaring makonsiderang contributory negligence, kung wala namang ibang impormasyon na magpapakita na dapat ay nakita mo ang paparating na peligro.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page