top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | April 24, 2023



Dear Chief Acosta,


Natanggal ako sa trabaho kamakailan, sapagkat hindi ko napigilang makipagsagutan sa aking kaopisina. Nais kong mabigyan ako ng certificate of employment ng dati kong employer, sapagkat hinihingi ito sa kumpanyang in-apply-an ko ngayon. Ayaw ibigay ng dati kong kumpanya ang nasabing dokumento, sapagkat terminated diumano ang status ko. Tama ba sila? –Olive


Dear Olive,


Para sa iyong kaalaman, ang Section 10, Rule 14, Book 5 of the Omnibus Rules Implementing the Labor Code of the Philippines ang panuntunan na naaangkop sa iyong sitwasyon. Ayon sa nasabing probisyon ng batas:


“SECTION 10. Certification of employment. — A dismissed worker shall be entitled to receive, on request, a certificate from the employer specifying the dates of his engagement and termination of his employment and the type or types of work on which he is employed.”


Malinaw sa nabanggit na panuntunan na nararapat bigyan ang isang manggagawang hindi na konektado sa kumpanya ng certificate of employment kapag siya ay humingi nito. Dapat ding ilagay sa nasabing dokumento ang panahon ng kanyang pagtatrabaho at ang mga posisyong kanyang ginampanan sa kumpanya.


Sa kabilang banda, nakasaad naman sa Labor Advisory No. 06, Series of 2020 o sa Guidelines on the Payment of Final Pay and Issuance of Certificate of Employment ang mga sumusunod:


“III. Issuance of Certificate of Employment – The employer shall issue a certificate of employment within three (3) days from the time of the request by the employee.”


Samakatuwid, alinsunod sa mga nabanggit na panuntunan, nararapat lamang na ibigay ng iyong dating employer ang iyong certificate of employment tatlong araw mula nang ito ay hingin mo sa kanila. Ang certificate of employment ay hindi maaaring ipagkait sa iyo ng dati mong kumpanya dahil lamang hindi ka na konektado sa kanila o ang iyong status sa kanila ay terminated. Pakatandaan mo rin na ang nasabing dokumento ay kadalasang hinahanap ng bago mong employer, sapagkat nilalaman nito ang panahon ng iyong pagtatrabaho sa dati mong kumpanya at maging ang mga posisyon na iyong ginampanan sa kanila.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | April 21, 2023



Dear Chief Acosta,


Ako ay isang biyudo. Dahil sa katandaan, marami na akong karamdaman na kinakailangan ng patuloy na paggamot. Mayroon akong isang anak na nagtatrabaho sa Maynila bilang manager ng bangko. Ako ay nanawagan sa kanya na magpadala ng sustento, ngunit masama ang loob niya at ako ang sinisisi niya sa pagkawala ng kanyang yumaong ina. Wala na akong ibang mahihingian ng tulong. Talaga bang wala na akong karapatan humingi ng sustento sa aking anak? –Mang Enteng


Dear Mang Enteng,


Para sa inyong kaalaman, mayroong batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan. Ayon sa Articles 194 at 195 ng Family Code of the Philippines:


“Art. 194. Support comprises everything indispensable for sustenance, dwelling, clothing, medical attendance, education and transportation, in keeping with the financial capacity of the family.


The education of the person entitled to be supported referred to in the preceding paragraph shall include his schooling or training for some profession, trade or vocation, even beyond the age of majority. Transportation shall include expenses in going to and from school, or to and from place of work.


Art. 195. Subject to the provisions of the succeeding articles, the following are obliged to support each other to the whole extent set forth in the preceding article:

(1) The spouses;

(2) Legitimate ascendants and descendants;

(3) Parents and their legitimate children and the legitimate and illegitimate children of the latter;

(4) Parents and their illegitimate children and the legitimate and illegitimate children of the latter; and

(5) Legitimate brothers and sisters, whether of full or half-blood.”


Ayon sa nabanggit, ‘di lamang ang anak ang may karapatan upang mabigyan ng sustento mula sa kanyang mga magulang. Ang mga magulang din ay may karapatang mabigyan ng sustento ng kanilang mga anak.


Katulad ng inyong sitwasyon na nangangailangan ka ng pantustos sa iyong gamot.


Malinaw sa batas na ang medical attendance ay kasama sa maaaring ihingi ng sustento.


At dahil inyong nabanggit na may kakayahan ang inyong anak na makapagbigay sustento, walang makapipigil upang ipatupad ang paghingi n’yo ng sustento, sapagkat ang sustento ay nakadepende rin sa kakayahan ng taong magbibigay nito.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.



 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | April 20, 2023



Dear Chief Acosta,


Ang aking asawa ay ilang taon na ring sumasakay ng barko para sa isang malaking shipping line. Matapos ang kanyang huling kontrata, siya ay umuwi ng Pilipinas.


Makalipas ang limang araw, siya ay pinatawag muli para magpa-medical examination para sa kanyang muling pagsakay. Dito napag-alaman na siya ay may high blood pressure, kaya hindi na siya pinayagang makasakay muli. Dahil dito, siya ay nag-claim ng mga benepisyo mula sa kanyang ahensya at employer, ngunit ito ay tinanggihan, sapagkat pre-existing condition diumano ito at hindi niya napatunayan na ang kanyang sakit ay work-related. Tama ba ito? –Rolando


Dear Rolando,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa kasong Gerardo U. Ville v. Maersk-Filipinas Crewing, Inc. and/or A.P. Moller A/S, G.R. No. 217879, February 1, 2021, Ponente: Honorable Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, kung saan sinabi ng Korte Suprema na kinakailangan na ang isang seafarer ay agarang i-report ang kanyang sakit sa kanyang ahensya o employer at agarang makapagpatingin sa itinalagang doktor kung nais niyang mag-claim ng benepisyo mula sa kanyang employer. Ayon sa Korte Suprema:


“There is no dispute that Ville never reported to his employer that he was suffering from an ailment while on board Adrian Maersk. Additionally, even upon disembarkation, he did not inform his employer that he was experiencing any illness or that it was aggravated while on board the vessel. Significantly, Ville did not submit himself for post-employment medical examination within three working days after disembarkation. It is settled rule that non-compliance with the post-employment medical examination requirement is tantamount to a waiver or forfeiture of any right to claim disability benefits. Surely, at the time of his disembarkation, he was not incapacitated to inform them of any health condition that he was experiencing, since he even had the physical and mental capacity to enter into a new contract as he sought to comply with the PEME requirement of the same. Similarly, Ville cannot argue that the respondents inadvertently or deliberately prevented him from undergoing a post-employment medical examination since they were not aware in the first place that he had an ailment. Besides, it was incumbent upon the seafarer to report to the employer for a post-employment medical examination within three working days upon repatriation. Ville's failure to comply to this requirement is fatal to his cause.”


Gaya sa kaso ng iyong asawa, lumipas ang tatlong araw at siya ay hindi nakapag-report ng kanyang sakit sa kanyang ahensya o employer. Ang iyong asawa ay hindi rin nakapagpatingin sa itinalagang doktor para sa kanyang post-employment medical examination. Ang mga ito ay maituturing na waiver o forfeiture ng kanyang karapatan na mag-claim ng mga benepisyo.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page