top of page
TALKIES - JOEY KAY ALLAN DU’N KA NA SA IT’S SHOWTIME-IG _angpoetnyo & _allan_klownz.jpg
Search

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 25, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Nagsumbong sa akin ang anak ko at ikinuwento kung paano siya pinahiya at hindi magandang tinrato ng kanyang titser dahil lamang sa hindi niya natapos ang kanyang mga aralin. Dahil dito, na-trauma ang anak ko. Maaari bang mapanagot ang titser niya sa kasong child abuse? — Halley





Dear Halley,

  

Una sa lahat, ang patakaran ng ating Estado ay magbigay ng espesyal na proteksyon sa mga bata mula sa lahat ng uri ng pang-aabuso, kapabayaan, kalupitan na pagsasamantala at diskriminasyon, at iba pang nakapipinsalang kundisyon.


Sa kasong Lorna Guevarra y Reyes vs. People of the Philippines, G.R. No. 278542, 03 Marso 2026, sa panulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Antonio T. Kho, Jr., binigyang-diin ng ating Korte Suprema na ang pisikal na pagdidisiplina sa bata ay maaaring maituring na child abuse kung ito ay sinamahan ng partikular na layunin na pababain o hamakin ang tunay na halaga at dignidad ng bata:


In XXX v. People, the Court reiterated that to be held liable for child abuse, the infliction of physical injuries against a minor intended to discipline or correct the wrongful behavior of the child must be attended by the specific intent to debase, degrade, or demean the intrinsic worth and dignity of the child. 


These, to the Court’s mind, establishes Guevarra’s intent to debase, degrade and demean AAA’s worth and dignity. Indeed, if Guevarra’s only intention is to discipline AAA, Guevarra could have resorted to other commensurate means. Being scolded, shoved in the mouth, and told to stand for three hours with both shoes on her hands while keeping her arms outstretched in the air for almost three hours is undeniably not only humiliating, more so, a traumatizing experience, especially for a seven-year-old minor like AAA. Guevarra’s maltreatment is undeniably prohibited under the Family Code, which has expressly banned the infliction of corporal punishment by a school administrator, teacher, or individual engaged in childcare exercising special parental authority.”


Kung kaya, maaari lamang mapanagot ang titser ng iyong anak para sa child abuse kung maipapakita mo na ang pagdidisiplina/pagtrato/pamamahiya na ginawa niya sa iyong anak ay may kasamang layunin na pababain o hamakin ang halaga at dignidad ng iyong anak.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 24, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Sa susunod na taon, magpapakasal kami ng matagal ko nang kasintahan. Bilang paghahanda, sabay kaming humingi ng Certificate of No Marriage Record (CENOMAR). Sa halip, Advisory on Marriage ang nakuha ng kasintahan ko. Diumano ay mali ito, kaya humingi siya ng kopya ng marriage certificate para makumpirma ang nilalaman nito. Diumano ay hindi niya kilala iyong babaeng nakalagay sa wife portion. Sabi niya, huwad diumano ang pirma niya sa nasabing marriage certificate. Ang tanong po namin, maaari bang maitama o makansela ang nasabing entrada para matanggal ito sa kanyang record?


— Candie





Dear Candie,


Una sa lahat, ang marriage certificate ay tumutukoy sa dokumentaryong ebidensya na nagpapatunay sa kasal sa pagitan ng dalawang indibidwal. Nakasaad sa Family Code of the Philippines na ang marriage certificate ay dapat maglaman ng mga sumusunod na detalye: 


Art. 22. The marriage certificate, in which the parties shall declare that they take each other as husband and wife, shall also state:


(1) The full name, sex and age of each contracting party;

(2) Their citizenship, religion and habitual residence;

(3) The date and precise time of the celebration of the marriage;

(4) That the proper marriage license has been issued according to law, except in marriage provided for in Chapter 2 of this Title;

(5) That either or both of the contracting parties have secured the parental consent in appropriate cases;

(6) That either or both of the contracting parties have complied with the legal requirement regarding parental advice in appropriate cases; and

(7) That the parties have entered into marriage settlement, if any, attaching a copy thereof.”


Kaugnay ng iyong katanungan, sa kasong Lizza C. Santos vs. Local Civil Registrar of Manila and the Civil Registrar General, G.R. No. 265114, 03 Pebrero 2026, sa panulat ni Kagalang-galang Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, tinalakay ng ating Korte Suprema na ang paratang ng pamemeke (forgery) ay hindi kailanman ipinapalagay, at dapat itong patunayan ng partido na gumigiit nito nang may malinaw at nakakukumbinsing ebidensya. Kung walang ganoong malinaw at nakakukumbinsing ebidensya, hindi masusuri at matutukoy ng korte kung ang pirma ay peke:


A marriage certificate ‘is an official record in the custody of the Civil Registrar… [which] enjoys the presumption of regularity and authenticity.’ Moreover, it is a public document. Under the Revised Rules on Evidence, its entries are ‘prima facie evidence of the facts therein stated,’ and it is in itself ‘evidence…of the fact which gave rise to [its] execution and of the date of the latter.’ Therefore, for the marriage certificate to be deemed a forgery, petitioner needed to present no less than ‘clear, positive [,] and convincing evidence.’


Olaybar also warns against the use of a petition for correction or cancellation of an entry in the marriage certificate as a substitute for a direct action to question the validity of a marriage. Petitioner cannot dissolve her marriage by the mere changing of the entries in the marriage certificate.”


Gayundin, pinapaalalahanan ng ating Korte Suprema na hindi maaaring gamitin ang petition for correction o cancellation of an entry in the marriage certificate bilang kapalit ng direktang aksyon upang kwestyunin ang bisa ng kasal. Hindi maaaring buwagin ang kasal sa pamamagitan lamang ng pagpapalit o pagkakansela ng entrada sa marriage certificate.


Kaya naman, kinakailangang makapagpakita ng ebidensya ang iyong kasintahan na walang seremonya ng kasal na naganap at peke (forged) lamang ang pirmang makikita sa marriage certificate na kanyang nakuha upang baguhin ang tala sa civil registry.  


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 23, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Nais ko po sanang malaman kung anu-ano ang kabilang sa suportang dapat ibigay sa ilalim ng ating batas. Gayundin, ano po ang mga tuntunin kung may dalawa o higit pang tao na obligadong magbigay ng suporta? — Konsi





Dear Konsi, 


Ang sagot sa iyong mga katanungan ay matatagpuan sa ating mga batas, partikular sa Executive Order No. 209, o mas kilala bilang “Family Code of the Philippines.”


Para sa iyong kaalaman, ang suporta ay binubuo ng lahat ng mga bagay na kailangang-kailangan para sa ikabubuhay, tirahan, pananamit, pagpapagamot, edukasyon, at transportasyon ng taong dapat suportahan, alinsunod sa kakayahang pinansyal ng pamilya. Ito ay nakasaad sa Artikulo 194 ng Family Code, na nagsasaad:


Article 194. Support compromises everything indispensable for sustenance, dwelling, clothing, medical attendance, education and transportation, in keeping with the financial capacity of the family.”


Hinggil sa nabanggit, nakasaad naman sa Artikulo 200 ng kaparehong batas ang mga tuntunin kung may dalawa o higit pang tao na obligadong magbigay ng suporta:


Article 200. When the obligation to give support falls upon two or more persons, the payment of the same shall be divided between them in proportion to the resources of each.


However, in case of urgent need and by special circumstances, the judge may order only one of them to furnish the support provisionally, without prejudice to his right to claim from the other obligors the share due from them.


When two or more recipients at the same time claim support from one and the same person legally obliged to give it, should the latter not have sufficient means to satisfy all claims, the order established in the preceding article shall be followed, unless the concurrent obligees should be the spouse and a child subject to parental authority, in which case the child shall be preferred.”


Sa madaling sabi, kung higit sa isa ang obligadong magbigay ng suporta, hindi kinakailangang isa lamang ang sasalo sa buong halaga. Dapat itong paghatian ng mga taong may obligasyon, batay sa kani-kanilang kakayahang pinansyal. Ngunit kung may agarang pangangailangan, maaaring pansamantalang utusan ng hukom ang isa sa kanila na magbigay muna ng suporta, nang may karapatang singilin ang iba sa kani-kanilang bahagi.


Sa kabilang banda, kung maraming tao naman ang sabay-sabay na humihingi ng suporta mula sa iisang taong may obligasyong magbigay nito, ngunit kulang ang kaniyang kakayahang pinansyal upang tustusan ang lahat ng kahilingan, susundin ang prayoridad na itinakda ng batas. Kung ang magkasabay na humihingi naman ay ang asawa at ang anak na nasa ilalim pa ng awtoridad ng magulang (parental authority), mas bibigyang prayoridad ang anak.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page