top of page
FRANKLY - ELLEN, UMAMING 1 YR. NANG WALANG SEX-G _maria.elena.adarna.jpg
Search

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 24, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Ang suporta ay kadalasang nagiging problema kapag ang relasyon ng mag-asawa, o ng magkarelasyon, ay naging mapait. Gayunpaman, maging paalala po sana ito sa lahat na hindi dapat magdusa ang mga bata dahil nawalan ng pagmamahal ang kanilang mga magulang sa isa't isa. Pakatandaan po natin na ibang bagay ang relasyon ng isang anak sa kanyang mga magulang. Ang karapatan ng isang bata na suportahan ay isang mahalagang bagay na dapat protektahan ng batas.


Ang paggamit ng isang anak sa labas ng apelyido ng kanyang ina ay naaayon sa mga probisyon ng Artikulo 176 ng Family Code of the Philippines, na nagtatakda na ang mga anak sa labas ay dapat gumamit ng apelyido at dapat nasa ilalim ng otoridad ng kanilang ina. Ang paggamit ng isang non-marital child ng apelyido ng kanyang ina at pagbibigay ng parental authority sa ina ay hindi dahilan upang ang naturang bata ay mawawalan ng karapatan na tumanggap ng suporta mula sa kanyang ama dahil ang batas ay nagbibigay sa nasabing bata ng karapatang tumanggap ng suporta ayon sa itinatadhana sa ilalim ng Artikulo 194 at 195 ng nasabing Code.


Ang suporta ay binubuo ang lahat ng kinakailangan para sa kabuhayan, kabilang ang tirahan, pananamit, medikal, edukasyon at transportasyon, alinsunod sa kakayahan sa pananalapi ng pamilya (Artikulo 194 ng Family Code of the Philippines). Ang edukasyon ng taong karapat-dapat na suportahan ay sumasaklaw sa kanyang pag-aaral o pagsasanay para sa isang propesyon, kalakalan o bokasyon, kahit na lampas na sa edad ng mayorya. Kasama rin sa suporta para sa edukasyon ang pamasahe sa papunta at pauwi mula sa paaralan.


Ang obligasyon na magbigay ng suporta ay dapat na hinihingi mula sa oras ng pangangailangan ng taong may karapatang tumanggap ng nasabing suporta. Ngunit maaaring hindi ito babayaran maliban sa oras ng petsa ng judicial o extrajudicial demand. (Artikulo 203, Ibid)


Mula sa mga nabanggit, maaaring humingi sa ama ng bata ng kinakailangang suporta sa pamamagitan ng personal na paghingi sa kanya ng suporta o sa pamamagitan ng paghahain ng kaso sa korte para humingi ng suporta sa ngalan ng nasabing bata.


Ang isang aksyon para sa suporta ay maaaring ituring na isang aksyon na nakakaapekto sa personal na katayuan ng isang tao. Gaya ng tinukoy, ang katayuan ay nangangahulugang isang legal na personal na relasyon, hindi pansamantala o maaaring wakasan sa kagustuhan lamang ng mga partido, kung saan ang mga ikatlong tao at ang estado ay nababahala (sinipi sa Remedial Law Reviewer, 2001 Revised Edition, p. 244). Kung hindi, ito ay isang aksyon kung saan pinag-uusapan ang relasyon ng isang anak at ng kanyang ama.


Kung sakaling itanggi ng ama ng anak ang kanyang pagiging ama rito o kontrahin ang mga paratang sa isang petisyon para sa suporta na siya ang ama ng batang humihingi ng suporta, dapat ay handa ang nanay ng bata na magpresinta ng ebidensya na nagpapatunay sa filiation o relasyon ng bata sa kanyang ama.


Ang filiation ay ang relasyon ng bata sa kanyang ama o ina. Maaaring patunayan ang pagiging anak sa pamamagitan ng pagharap sa korte ng alinman sa mga sumusunod:


1. Ang talaan ng kapanganakan na lumalabas sa Rehistro Sibil o isang pinal na paghatol; o

2. Isang pag-amin ng illegitimate filiation sa isang pampublikong dokumento o isang pribadong sulat-kamay na instrumento at pinirmahan ng ama ng bata;


Sa kawalan ng naunang ebidensya, ang kaugnayan ng bata sa kanyang ama ay mapapatunayan sa pamamagitan ng:


1. Ang bukas at patuloy na pagmamay-ari ng bata ng katayuan ng isang anak sa labas o;


 
 

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 23, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Nahulihan ako na may dalang patalim habang nanonood ng mga nag-titiktok sa kalsada. Ngayon, ako ay inaakusahan ng paglabag sa BP Blg. 6 at ang katwiran ng mga umaresto sa akin ay maituturing na paglabag na sa batas ang pagdadala ng patalim. Maaari na ba akong makulong o mapagmulta dahil sa pagdadala ko ng patalim? — Abogs





Dear Abogs,


Para sa iyong kaalaman, nakapaloob sa Section 1(3) ng Presidential Decree (P.D.) No. 9, na naging batas noong ika-2 ng Oktubre, 1972 at inamyendahan ng Batas Pambansa (B.P.) Blg. 6 noong ika-21 ng Nobyembre 1978, na:


“3. It is unlawful to carry outside of one's residence any bladed, pointed or blunt weapon such as 'knife', 'spear', 'pana', 'dagger', 'bolo', 'barong', 'kris', or 'chako', except where such articles are being used as necessary tools or implements to earn a livelihood or in pursuit of a lawful activity. Any person found guilty thereof shall suffer the penalty of imprisonment of not less than one month nor more than one year or a fine of not less than Two Hundred Pesos nor more than Two Thousand Pesos, or both such imprisonment and fine as the Court may direct.”


Hindi magkaiba o magkahiwalay na krimen ang gustong parusahan sa mga naturang batas.  Sa kasong may titulo na People of the Philippines vs. Bercadez, G.R. No. 265123, July 29, 2024, sa panulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado ng Korte Suprema na si Jhosep Y. Lopez, sinabi ng Korte Suprema na:


“For the guidance of the bench, the bar, and the public, this Court now echoes the ruling in Purisima, in that the elements of the crime of violation of P.D. No. 9, as amended by B.P. Blg. 6 are as follows:


  1. the carrying outside one's residence of any bladed, blunt, or pointed weapon, etc. not used as a necessary tool or implement for a livelihood; and

  2. that the act of carrying the weapon was either in furtherance of, or to abet, or in connection with subversion, rebellion, insurrection, lawless violence, criminality, chaos, or public disorder.”


Sa iyong sitwasyon, may dalawang elemento na kailangan mapatunayan para masabing mayroon kang paglabag sa B.P. Blg. 6.  Una, ang pagdadala ng patalim na hindi ginagamit na panghanap buhay o kinakailangan kasangkapan (necessary tool); at ang pangalawa, ang dahilan ng pagdadala ng patalim ay para isulong o may koneksyon sa subversion, rebelyon, insureksiyon, karahasan, kriminalidad o pampublikong kaguluhan. Wala ang pangalawang elemento sa iyong sitwasyon kaya maituturing na ang pagdadala mo ng patalim ay hindi krimen o paglabag sa probisyon ng Batas Pambansa Blg. 6.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 
 

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 22, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Ano ang isang bargaining unit? Anu-ano ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagtukoy ng wastong pangkat ng mga kalahok sa isang bargaining unit? Maraming salamat po sa paglilinaw. — Charriizz





Dear Charriizz, 


Ang sagot sa iyong mga katanungan ay maaaring matagpuan sa Department Order No. 40-03 na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong ika-17 ng Pebrero 2003, at sa mga kaugnay na kaso. Para sa iyong kaalaman, nakasaad sa Seksyon 1 (d) ng nasabing department order ang depinisyon ng bargaining unit, na sinasabi ang sumusunod:


“(d) Bargaining Unit refers to a group of employees sharing mutual interests within a given employer unit, comprised of all or less than all of the entire body of employees in the employer unit or any specific occupational or geographical grouping within such employer unit.” 


Ayon sa nabanggit, ang bargaining unit ay tumutukoy sa isang grupo ng mga empleyado na may magkakatulad na interes sa isang yunit ng employer. Binubuo ito ng lahat o bahagi lamang ng kabuuang bilang ng mga empleyado sa nasabing employer unit, o ng isang tiyak na pangkat batay sa uri ng trabaho o heograpikal na lokasyon.


Hinggil dito, ibinahagi ng Korte Suprema sa kasong San Miguel Foods, Incorporated vs. San Miguel Corporation Supervisors and Exempt Union (G.R. No. 146206, 01 August 2011), sa panulat ni Chief Justice Diosdado M. Peralta, ang mga sumusunod:


The test of grouping is community or mutuality of interest. This is so because the basic test of an asserted bargaining unit’s acceptability is whether or not it is fundamentally the combination which will best assure to all employees the exercise of their collective bargaining rights.” 


Sa kasong Holy Child Catholic School vs. Hon. Patricia Sto. Tomas, In Her Official Capacity as Secretary of the Department of Labor and Employment, et. al., (G.R. No. 179146, 23 July 2013), sa panulat muli ni Chief Justice Diosdado M. Peralta, ibinahagi rin ng Korte Suprema ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagtukoy ng wastong pangkat ng mga kalahok sa isang bargaining unit:


“In determining the proper collective bargaining unit and what unit would be appropriate to be the collective bargaining agency, the Court, in the seminal case of Democratic Labor Association v. Cebu Stevedoring Company, Inc., mentioned several factors that should be considered, to wit: (1) will of employees (Globe Doctrine); (2) affinity and unity of employees' interest, such as substantial similarity of work and duties, or similarity of compensation and working conditions; (3) prior collective bargaining history; and (4) employment status, such as temporary, seasonal and probationary employees.” 


Samakatuwid, ang mga pangunahing salik sa pagtukoy ng angkop na collective bargaining unit ay ang mga sumusunod: (1) ang kagustuhan ng mga empleyado; (2) ang ugnayan at pagkakaisa ng interes ng mga empleyado, tulad ng makabuluhang pagkakatulad ng trabaho at tungkulin, o pagkakatulad ng sahod at mga kondisyon sa paggawa; (3) nakaraang kasaysayan ng collective bargaining; at (4) pagkakatulad ng katayuan sa trabaho.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page