top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 7, 2023

ree

Mabigat na paborito na mag-uwi ng medalya ang Philippine Women’s Football National Team sa 19th Asian Games Hangzhou na sisipa sa Setyembre 22. Nagsumite ang Philippine Olympic Committee at Philippine Football Federation ng 22 pangalan noong Hulyo 25 sa gitna ng kampanya ng Filipinas sa 2023 FIFA Women’s World Cup subalit asahan na ito ay dadaan sa ilang pagbabago bago ang opisyal na kompetisyon.

Halos ang buong koponan na nasa New Zealand noong panahon na iyon ay inilista. Ang mga nawala ay sina Angela Beard, Ryley Bugay, Anicka Castaneda at Kaiya Jota at pinalitan sila nina Maya Alcantara, Eva Madarang at Inna Palacios.

Matapos isapubliko ang listahan ay inihayag ni Bugay sa social media ang kanyang pagretiro sa Football. Ipagpapatuloy niya ang pag-aaral ng Medisina sa Indiana University sa Amerika.

Ito ang unang pagsubok ng bagong talagang head coach Mark Torcaso. Noong nakaraang linggo, nagsagawa si Coach Torcaso ng kampo sa Rizal Memorial Stadium kung saan nag-imbita siya ng ilang beterana na nandito sa Pilipinas subalit mas marami ang mga baguhan na buhat sa PFF Women’s League.

Ang listahan ay bilang tugon sa patakaran ng Asian Games. Ang mga unang araw ng palaro ay pasok sa parating na FIFA Window mula Setyembre 18 hanggang 26 at maaaring maapektuhan ang mga bansang papasok sa quarterfinals na magsisimula sa Set. 28 dahil hindi na obligado ang mga club na ipahiram ang mga manlalaro sa pambansang koponan.

Karamihan ng mga Filipinas na nasa ibayong-dagat ay naka-kontrata sa mga professional club at may ilan na varsity ang paaralan. Dahil dito, pinaghahandaan ni Coach Torcaso ang biglang pagliban ng mga ito. Bubuksan ng Pilipinas ang kanilang kampanya sa Grupo E laban sa Hong Kong sa Setyembre 22 sa Wenzhou Sports Centre.

Patuloy ang pag-bulldozer ng Alemanya sa mga kalaban at idagdag ang Latvia sa listahan, 81-79, at makamit ang pangatlong upuan sa semifinals ng 2023 FIBA World Cup kahapon sa Mall of Asia Arena. Ang mga Aleman ang nag-iisang koponan sa torneo wala pang talo sa anim na laro at nakatakda na ang higanteng salpukan sa Team USA sa Biyernes sa parehong palaruan para mapabilang sa finals.

May pagkakataon ang Latvia matapos nagmintis si Dennis Schroder at napunta ang bola kay Davis Bertans na may 7 segundong nalalabi subalit kinapos ang kanyang malayong three-points. Nabitin ang paghabol ng Latvia mula sa 60-74 butas maaga sa fourth quarter.

Lamang lang ang Alemanya, 62-59 at bumanat ang magkapatid na Franz at Moritz Wagner at Isaac Bonga para itayo ang kanilang pinakamalaking bentahe, 74-60. Hindi basta sumuko ang Latvia at huling nagbanta, 79-81, sa buslo ni Arturs Zagars na may 33 segundo sa orasan subalit hanggang doon na lang sila.

Umani ng pansin ang Latvia sa mga nakakagulat nilang panalo laban sa mga bigating Pransiya at defending champion Espanya. Determinado sila na itapal ang unang talo sa Alemanya at tumalon sa 13-3 lamang subalit bumawi ang kalaban at dumaan ang dalawang panig sa 7 tabla at 15 pagpalit ng lamang sa unang tatlong quarter.

Bumalik sa aksiyon si Franz Wagner mula sa pilay na bukong-bukong sa una nilang laro kontra co-host Japan noong Agosto 25 at nagbagsak ng 16 puntos at 8 rebound habang ang kanyang kuya Moritz ay nag-ambag ng 12 puntos. Nagtala ng 13 mula sa tatlong tres si Andreas Obst.

Ang ika-apat at huling puwesto sa semifinals ay pinaglalabanan kagabi ng Canada at Slovenia. Ang papalarin ay makakalaro ang Serbia.

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 6, 2023

ree

Laro ngayong Miyerkules – Chonburi, Thailand

9:30 p.m. Pilipinas vs. Thailand

Unang hakbang patungong Paris 2024 Olympics ang kukunin ng Philippine Men’s Football National Team sa pagsabak sa 2024 Asian Football Confederation (AFC) Under-23 Asian Cup Qatar Qualifiers ngayong araw. Haharapin agad ng Under-23 Azkals ang host Thailand sa Grupo H simula 9:30 ng gabi, oras sa Pilipinas, sa Chonburi Stadium.

Binubuo ang pambansang koponan ng 18 beterano ng 2023 AFF Under-23 Championship noong Agosto sa Rayong, Thailand. Magbabalik sina John Albert Luis Lucero, Alexander Caleb Santos, Kamil Amirul, Patrick Grogg, Jacob Pena, Dennis Chung, Jacob Maniti, Yrick Gallantes, Jaime Rosquillo, John Lloyd Jalique, Jared Pena, Kart Talaroc, Martin Joshua Merino, Harry James Nunez, Jian VInz Caraig at mga goalkeeper Enrico Mangaoang, Dimitri Macapagal at Inigo Castro.

Ang mga bago o magbabalik ay sina Pocholo Bugas, Dov Anthony Carino, Haren de Gracia, Gavin Muens at Antoine Ortega. Ang head coach ay si Marlon Maro habang assistant coach si Christopher Pedimonte kasama si Arvin Soliman, goalkeeper coach Noel Marcaida at consultant Stewart Hall.

Pagkatapos ng Thailand ay haharapin ng mga Pinoy ang Malaysia sa Setyembre 9 at Bangladesh sa 12. Ang unang tatlong koponan sa Asian Cup ay papasok sa Olympics. Ang ika-apat ay lalabanan ang Guinea na pumang-apat sa 2023 Under-23 Africa Cup of Nations para sa ika-16 at huling upuan sa torneo.

Samantala, naghahanda ang Senior Azkals para sa FIFA Friendly ngayong Setyembre 8 kontra Chinese-Taipei sa Kaohsiung at Afghanistan sa Rizal Memorial Stadium. Tinalo ng Taiwanese ang mga Pilipinas sa huli nilang pagkikita, 3-2, sa RMS noong Hunyo 19 at kating-kati na makaganti ang mga Pinoy.

RECOMMENDED
bottom of page