top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 2, 2022



Karamihan sa mga celebrity couples, ayaw kumpirmahin pero 'di rin naman nagde-deny sa relasyon kahit obvious na sinlagkit ng tikoy ang samahan at parang ayaw nang maghiwalay. Lagi na lang idinadaan sa "What you see is what you get."


Gaya ng relasyong AJ Raval at Aljur Abrenica na bagama't sighted na magkasama sa isang hotel sa Leyte, todo-press release na nag-freshen-up lang sila at kumain bago dumalo sa isang appointment doon.


Kaya kung akala nila ay ligtas na sila sa mga mapanghusgang netizens, "Tell that to the marines" lang ang linya ng mga ito sa kanila.


Sa isinagawang pa-"Ask me a question" ni AJ sa kanyang Instagram Stories last Feb. 28, inaasahan ng mga fans na aamin na ito sa relasyon nila ni Aljur, but sad to say, pag-iwas pa rin ang naging sagot ni AJ.


Ayon sa dalaga, may mga bagay-bagay daw na ipina-prioritize niya kesa sa isang seryosong relasyon. Cool lamang daw sila ni Aljur, kung sila man ay nakikitang madalas na magkasama.


Tanong ng isang netizen, “Kayo ba ni Aljur Abrenica?”


Sagot ni AJ, “Eh, sobrang cool lang namin ni Aljur, masaya kami sa mga situation namin. May mga priorities at problema na dapat unahin. Huwag kang mag-alala, 'pag official na, updated ka.”


Sa parte naman ni Aljur, hindi rin tuwiran ang mga sagot nito tungkol sa totoong ugnayan nila ni AJ.


Naungkat kasi sa dalawa ang naging biyahe nila sa Tanauan, Leyte noong Valentine's Day at depensa nila'y trabaho lang ang ipinunta nila roon.


Sa tanong ng netizen kay AJ na “Paano n'yo po nagagawang i-handle ang mga bashers, you look good at it po," sagot ng dalaga, “Nakakatuwa sila, sobrang funny nila.


"Hindi ko alam, merong part sa akin na 'pag nagbabasa ako ng mga hate comments, natatawa ako. 'Yung, 'Bakit galit na galit kayo sa akin, nakapatay ba ako ng tao? Parang ang OA ninyo.'”


Tanong pa ng isang fan, “'Di ka ba natatakot sa sasabihin ng iba sa 'yo?"


Sagot ni AJ, “Hindi, ba't ako matatakot? Mas nakakatakot maging sunud-sunuran sa ibang tao. Basta ako, magiging masaya, magiging totoo. Magustuhan n'yo o hindi, magustuhan n'yo, salamat, kung hindi, wala akong paki.”


Huling katanungan sa aktres, “Naaapektuhan ka ba sa mga sinasabi ng iba about sa 'yo?”

Aminado si AJ na noong una ay naaapektuhan siya sa mga pamba-bash sa kanya, pero ngayon ay tila dedma na raw ito at 'di na lang niya pinapansin.


Paliwanag niya, “Well, noong una, naapektuhan ako. Pero wala na, naka-move on na ako ru'n, eh, ano pa'ng gagawin ko?


“Wala na akong paki. Masaya ako, gagawin ko 'yung gusto ko, buhay ko 'to,” matapang niyang sagot.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 28, 2022





Humihiling ng panalangin si Kris Aquino para sa isang napakadelikadong gamutang gagawin para sa kanyang sakit.


Sa kanyang Instagram, humingi rin siya ng pang-unawa dahil mag-o-offline muna siya sa kanyang social media dahil kailangan niya ito para siya'y makapagpahinga at maging stress-free.


Kris wrote, "Sobrang dami ninyo, bago ako matulog, gusto kong mag-THANK YOU. 8 months ago, my brother died, at some point, I'll be ready to share our journey, and how profoundly his death changed me and my priorities.


"Most important lessons: we can't change the past, today is all we have, because tomorrow is never promised. FAMILY should always come first. Fulfill your promises because you are only as good as the words you honor, and alagaan, pasalamatan, mahalin 'yung mga taong tapat at totoong may malasakit sa 'yo.


"Ang importante, unahin ang iba (especially ‘yung mga mahalaga sa puso mo) bago ang sarili," makahulugan niyang post.


Dagdag pa niya, "Offline muna ako, baka lang magtaka kayo. Kailangan kong maging rested & as stress free as possible until Sunday kasi may susubukang treatment.


"Praying very hard na kayanin ng katawan, kasi ito 'yung magiging paraan para maging mas okay ang quality of life ko. 1st dose ito, pero alam ko 'yung possible risks involved."


Dagdag pa niya, "Please pray for the doctors & nurses na mag-aalaga sa akin. The whole process will take about four hours plus observation time, 3 days rest before and 3 days rest after.


I have faith in God's plan and His timing.


"Please, 'wag nating i-claim that I'll be healed, 'wag natin Siyang pangunahan. I continue praying for the Faith to continue Hoping that I'll get healthy enough for those who still need and love me. Good night," pamamaalam pa ni Kris.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 26, 2022





Nag-react si Bayani Agbayani sa fake news umano na tsutsugihin na sa ere ang kanilang noontime show sa TV5 na Lunch Out Loud dahil mababa ang ratings at konti ang pumapasok na advertisers.


May dagdag-tsika pa na may feelers si Billy Crawford sa ibang network para sakaling magkatotoo nga ang tsugihan, agad siyang makakahanap ng lilipatan?


Sa isang mensahe ni Bayani sa amin kahapon nang umaga (February 25), "Good morning, Kuya Ador. Naglabas na po ng official statement si Mr. Albee Benitez na hindi mawawala ang Lunch Out Loud sa ere dahil maraming ads at sa totoo lang, mataas ang aming ratings," bungad niyang paglilinaw.


"Lalo na po sa Visayas at Mindanao, (mas) mataas pa kami kesa sa Eat… Bulaga!" sey pa ni Yani (tawag namin sa comedian-host).


Sinabi pa ni Yani na hindi na sila nagugulat sa mga pinagsasasabi ng iba sa kanilang noontime show na kesyo mawawala na ito in three months at kung anu-ano pang tsismis tungkol sa status ng kanilang show.


"Hindi na po bago sa amin 'yan. Kahit noong kauumpisa pa lang namin sa LOL, sinasabi nila na until three months lang ang Lunch Out Loud. Eh, magda-dalawang taon na po kami.


Thank you, Lord at hanggang ngayon, mataas pa rin ang ratings namin sa Visayas at Mindanao, No. 1 kami roon," saad niya.


Wala raw naghahari-harian at nag-aastang 'reyna' sa kanilang show. Pantay-pantay daw ang trabaho nila as host o walang nag-aagawan ng eksena.


"Maganda at masaya ang Lunch Out Loud at marami kaming natutulungan. Maraming nanonood at tumatangkilik sa aming noontime show, kasi pantay-pantay kami sa show, walang hari at walang reyna at nararamdaman 'yan ng mga nanonood, ng mga viewers," paliwanag niya.


Dagdag pa ni Yani, "Marami kaming TV commercials and endorsements. Thank you, Lord."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page