top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 8, 2022




Pinagpipiyestahang buntis si Angelica Panganiban sa kanyang foreigner boyfriend na si Gregg Homan.


May lumabas kasing balita sa isang online page na nagdadalantao ngayon ang aktres at ito raw ang dahilan kung bakit hindi muna ito tumatanggap ng trabaho.


Umpisang naghinala ang mga netizens na medyo tamad-tamaran ang peg ni Angelica nang tanggihan nito ang isang sitcom sa ABS-CBN, ang My Papa Pi kung saan makakapareha sana nito ang Ultimate heartthrob na si Piolo Pascual.


Tuloy, agad silang naghanap ng kapalit at to-the-rescue naman ang Miss U 2015 na si Pia Wurtzbach.


Ayon pa sa source ng naturang balita, "Buntis si Angge (palayaw kay Angelica) kaya tumatanggi siya sa project. Actually, may gagawin sana siya, kaso pass daw muna at need niyang magpahinga. Eh, 'yun pala, dyuntis ang lola mo."


Kung matatandaan, nakipag-reunion pa si Angelica kasama ang mga Kapamilya friends na sina Dimples Romana, Angel Locsin, Bea Alonzo at Anne Curtis kamakailan.


Sa nasabing pagkikita ng lima, wala namang napag-usapan sa diumano'y "buntis reveal" ng aktres.


That time, kasa-kasama ni Angge ang boyfriend na si Greg, subali't ang pagkikita lang ng magkakaibigan ang naging sentro ng usapan.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 7, 2022




Nag-umpisa sa pagpo-post ni Matteo Guidicelli ng larawan kasama si Sarah Geronimo na kuha last New Year's Eve na tila may baby bump ang Popstar Royalty, sa isang

panayam ng ABS-CBN News kay Matteo, agad nitong nilinaw na hindi buntis ang misis.


"Sexy nga ng asawa ko ngayon, eh. Hindi, ano lang 'yan, hangin lang 'yan sa bundok," pabiro nitong sagot.


Sinabi pa ni Matteo na ini-enjoy muna nilang dalawa ang pagiging husband and wife.

"Enjoy-in muna natin ang pagiging asawa. Enjoy-in muna namin ang isa't isa. Hopefully soon," pahayag ni Matteo.


Last Feb. 20, 2022, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang second wedding anniversary kung saa'y nag-post si Matteo sa socmed ng kanyang heartfelt message para kay Sarah.

"Through thick and thin and all the ups and downs, we will be partners for life. I love you my beautiful wife! You’re the best. (3 red heart emojis). Happy 2nd year anniversary! #theguidicellis @justsarahgph," Matteo posted.


Sa parehong interview kay Matteo ng ABS-CBN News, ibinahagi niya ang journey nilang dalawa as a married couple.


"Marriage is one of the most amazing things in life and I am very, very blessed and thankful na I am very blessed with an amazing wife, a wife that amazes me every day. You'll never know your wife or your partner, you will always learn more and more about her every single day and I think that's something very, very true. Two years pa lang kami but I appreciate the ups and downs every day," ani Matteo.


Kamakailan din ay ipinagdiwang ng couple ang 19th anniversary ni Sarah sa entertainment industry.


"She's working for something. Malalaman n’yo soon. She's working. It's not just out there yet but soon. She has plans for the future. She's working closely with Viva to produce these things with our own company and Viva," sey ni Matteo.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 5, 2022




Pagkatapos ng halos pitong taong hindi naka-face-to-face ang ama, masayang ibinahagi ng aktor na si Diego Loyzaga ang pagkukrus ng landas nila ng kanyang biological father na si Cesar Montano.


Si Diego ay anak ni Cesar sa aktres na si Teresa Loyzaga.


Sa Instagram post ni Diego nitong Martes (March 3), ibinahagi nito ang larawan nila ng ama pagkatapos magpapawis sa larong basketball.


Sa caption ni Diego, "7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again," makahulugan nitong bungad.


Dugtong pa niya, "One thing we can do is make up for it. It was so good to see you and play ball with you today.


"Value your family and loved ones today for tomorrow is not promised. As I mature, the more I wish saying sorry was enough to fix all of the world's problems. Just peace and love and nothing else matters," madamdaming pahayag ng young actor.


Ang mga makahulugang mensahe ni Diego ay bunsod ng matagal nang tampuhan ng mag-ama.


Noong year 2017, just to refresh your memory, naglabasan ang series of posts at sagutan ng dalawa, kung saa'y tinawag ni Diego na liar and hypocrite si Cesar.


Sumama ang loob ni Diego sa ama nu'ng sabihan siya na gumagamit ng drugs at ang hindi pagkilala kay Diego bilang anak ng aktor.


"I apologize for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, I would," sabi pa ni Diego na ramdam ang panghihinayang sa mga panahong lumipas.


Isa sa mga natuwa at nagpahayag ng kaligayahan sa pagtatagpo ng mag-ama ay ang mis


mong ina ni Diego na si Teresa Loyzaga.

"You make me proud, son. I love you," sabi ng beteranang aktres.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page