top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 31, 2023



Dear Chief Acosta,


Ako ay nagmamay-ari ng isang maliit na patahian. Lima lamang ang aking empleyado, ngunit may isa akong empleyado na hindi makasundo ng lahat dahil sa kanyang ugali.


Maaari bang tanggalin ang isang empleyado dahil sa attitude problem? – Salvacion


Dear Salvacion,


Para sa iyong kaalaman, ang iyong katanungan ay tinalakay sa Heavylift Manila et al., vs Court of Appeals, et al. (G.R. No. 154410, October 20, 2005), na isinulat ni Kagalang-galang na Dating Mahistrado Leonardo A. Quisumbing ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema, kung saan tinalakay ang mga sumusunod:


“An employee who cannot get along with his co-employees is detrimental to the company for he can upset and strain the working environment. Without the necessary teamwork and synergy, the organization cannot function well. Thus, management has the prerogative to take the necessary action to correct the situation and protect its organization. When personal differences between employees and management affect the work environment, the peace of the company is affected. Thus, an employee’s attitude problem is a valid ground for his termination.”


Ayon sa batas, ang attitude problem ng isang empleyado ay maaaring maging sanhi ng kanyang pagkatanggal sa trabaho, lalo na at ito ay nakakaapekto sa trabaho at negosyo.


Subalit, ayon sa JR Hauling Services vs Solamo, et al., (G.R. No. 214294, 30 September 2020), sinabi rin ni Kagalang-galang na Mahistrado Ramon Paul Hernando ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema na:


“It is a situation analogous to loss of trust and confidence that must be duly proved by the employer. Since the burden to prove an employee’s attitude problem rests on the employer, allegations of attitude problem must be supported by substantial evidence, which is defined as “such relevant evidence as a reasonable mind might accept as adequate to support a conclusion.


Sinasabi rito na ang employer ang may pasanin na patunayan ang kanyang alegasyon. Sa iyong sitwasyon, dapat mong mapatunayan na ang sinasabing empleyado ay sadyang may attitude problem.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 30, 2023


Dear Chief Acosta,


Ako ay nagmamay-ari ng ilang commercial fishing vessels, at ang aking lisensya para rito ay malapit nang mapawalang bisa. Ninanais kong hindi na mag-renew ng nasabing lisensya at ibenta na sa iba ang aking mga commercial fishing vessels dahil ‘di ko na kayang bayaran ang iba kong pananagutan dahil dito. Ano ang dapat kong gawin? –Rickee


Dear Rickee,

Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 31 ng Republic Act (R.A.) No. 8550 o mas kilala sa tawag na “The Philippine Fisheries Code of 1998”, na imayendahan ng R.A. No. 10654. Ayon dito:


“SEC. 31. Transfer of Ownership. – The owner/operator of a registered fishing vessel shall notify the Department in writing of any intention to transfer the ownership of the vessel within ten (10) days before its intended transfer to another person. Failure of the owner to do so shall not extinguish any existing or pending sanction or liability with respect to said fishing vessel.”


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang nagmamay-ari o nag-ooperate ng mga rehistradong fishing vessels ay kinakailangang ipaalam sa Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng pagsulat tungkol sa kanyang intensyon na ilipat ang pagmamay-ari sa nasabing vessel sa loob ng 10 araw bago ang itinakdang paglilipat ng pagmamay-ari ng vessel sa ibang tao. Gayundin, kahit hindi magagawa ng nasabing may-ari ng commercial fishing vessel ang pagbibigay-alam sa DA ng paglilipat ng pagmamay-ari sa nasabing vessel, hindi ito magdudulot ng pagkawala ng kanyang mga kasalukuyang pananagutan na may kaugnayan sa kanyang vessels. Kaya sa iyong nabanggit na sitwasyon, kailangan mong ipaalam sa DA ang pagbebenta ng iyong mga fishing vessels upang tuluyang mawala ang iyong responsibilidad sa mga ito. Kung hindi mo ito gagawin, kahit maibenta mo ang iyong fishing vessels sa ibang tao ay mananatili ang iyong pananagutan sa iyong fishing vessels nang naaayon sa batas.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.



 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 29, 2023


Dear Chief Acosta,


Ako ay nagising sa pagkakatulog nang aking naramdaman na mayroong gumagalaw sa aming kama. Nang idilat ko ang aking mga mata, ako ay nagulat na mayroong isang lalaking nakapatong sa aking asawa at siya ay sinasaksak. Agad akong napabangon at binuksan ko ang ilaw. Nagawa siyang itulak ng aking asawa, at ang lalaki ay agarang tumakbo palabas.


Sinubukan itong habulin ng aking asawa, ngunit siya ay natumba at nawalan ng malay. Ako ay nagsisigaw para humingi ng tulong at nagising naman ang ilan sa mga kapitbahay. Aking nabanggit sa mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek at sila ay gumawa ng “cartographic sketch.” Matapos ihatid ang aking asawa sa ospital, inanyayahan ako na magtungo sa istasyon ng pulis. Mayroong “line-up” ng mga suspek at positibo kong kinilala ang lalaking sumaksak sa aking asawa. Ngayon ay kinukuwestiyon ng akusado ang isinagawang “police line-up”. Mali ba ito? – Jandy


Dear Jandy,


Ang iyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kasong People of the Philippines v. Gerald Moreno y Tazon, G.R. No. 191759, March 02, 2020, Ponente: Honorable Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, kung saan pinagtibay ang pagiging balido ng isang “police line-up” at ang pagkonsidera ng ating mga korte sa “totality of circumstances.” Ayon sa Korte Suprema:


“A police line-up is not indispensable for the proper and fair identification of offenders. The important consideration is for the victim to positively declare that the persons charged were the malefactors. In People v. Teehankee, Jr., this Court explained the procedure for out-of-court identification and the test to determine the admissibility of such identifications in this manner: Out-of-court identification is conducted by the police in various ways. It is done thru show-ups where the suspect alone is brought face to face with the witness for identification. It is done thru mug shots where photographs are shown to the witness to identify the suspect. It is also done thru lineups where a witness identifies the suspect from a group of persons lined up for the purpose. In resolving the admissibility of and relying on out-of-court identification of suspects, courts have adopted the totality of circumstances test where they consider the following factors, viz[.]: (1) the witness' opportunity to view the criminal at the time of the crime; (2) the witness' degree of attention at that time; (3) the accuracy of any prior description given by the witness; (4) the level of certainty demonstrated by the witness at the identification; (5) the length of time between the crime and the identification; and (6) the suggestiveness of the identification procedure.

Applying the totality of circumstances test, We find appellant's out-of-court identification to be reliable and thus admissible. To recall, Adelriza after being awakened when a hard object hit her head and after she switched on the lights inside the room, had a clear and direct view of the attack on her husband and the perpetrator. Moreover, she described with certainty the assailant to the police cartographer barely hours from the time of the incident, which description matched the facial features of the appellant, whom she subsequently identified as the assailant. In other words, the interval between the time she witnessed the crime and her identification of the appellant, was merely a matter of hours, leaving no room for her recollection to be tainted. Verily, it was Adelriza's own description that led to the apprehension of the appellant. There was no evidence on record indicating any hint of a suggestion from the police officer who presented the appellant to Adelriza. Hence, the identification of the appellant as the culprit of the crime stands.”


Gaya sa iyong kaso, positibo mong kinilala ang suspek sapagkat personal mo siyang nakita. Ang pagkakakilanlan sa suspek ay iyong isinaad sa mga pulis. Maliban dito, sa pamamagitan ng “police line-up”, iyo ring positibong kinilala ang suspek. Ayon sa Korte Suprema, sa mga ganitong pagkakataon ng pagkilala sa isang suspek sa labas ng korte, maaaring ikonsidera ng korte ang “totality of circumstances.” Gaya rito, ang iyong pagbibigay ng detalye sa pagkakakilanlan ng suspek ang siyang nagbigay sa mga pulis ng impormasyon upang mahuli ang suspek. Kahit nagkaroon ng “police line-up” ay walang naging panghihikayat, pang-uudyok, o pang-iimpluwensya na maaaring makaapekto sa iyong pagtuturo sa suspek. Dahil dito, maaari nating sabihin na balido ang iyong pagkilala sa nasabing suspek.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page