top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | February 26, 2024



ree

Pinagkaguluhan ng mga photographers si Liza Soberano nang rumampa siya sa 2024 Screen Actors Guild Awards na ginanap sa Los Angeles, California.


Ibinahagi sa Instagram ng fashion designer na si Pamella Roland ang larawan ni Liza na suot ang isa sa kanyang mga obra mula sa Pre-Fall 2024 collection. Ito’y isang eleganteng two-toned gown.


“#LizaSoberano looks breathtaking at tonight’s 2024 #SAGAwards in our Pre-Fall 2024 blush Mikado gown with black embroidered bodice,” saad niya sa caption.


Si Maeve Reilly naman ang stylist ni Liza para sa nasabing okasyon, na kilala rin bilang stylist ng sikat na mga artista tulad nina Megan Fox, Jennifer Hudson, Eva Longoria, at iba pa.


Kasama si Liza sa mga cast ng Hollywood movie na "Lisa Frankenstein" kung saan kasama niya si Kathryn Newton.


Umani ng papuri ang pagganap ni Liza bilang si Taffy at ito’y napansin din ng American filmmaker na si Joe Russo.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | November 27, 2023




ree

Sa kanyang X o Twitter account, pinag-iingat naman ni Baron Geisler si Mama Ogs sa style nito ng pagtira, pagbanggit o pagbanat sa mga showbiz personalities.


Sey ni Baron, "Bro, dekada kita kilala at respeto. My wife beat me up into reality for me to comply. What do you want to achieve after all this circus? Sa’n ba tayo nagsimula? Bro Ogie, you’re stepping on many shoes. Ingat ‘tol."


Ang naturang post ay tila response ni Baron sa X account ng isang Ogag Diaz @OgagDiaz na nag-reply sa @StarCinema ng ganitong linya, "Itong mag-asawa naman kaya na ito guluhin ko at gawan ko ng fake news? Tutal sasabihin ko lang naman sa huli eh "Sana, hindi totoo," at mga followers ko, sigurado parang asong ul*l na kukuyugin sila. See what I did to #lizasoberano #barongeisler #kathniel #andreabrillantes."


Mukhang hindi nag-double check si Baron sa totoong account ni Mama Ogs dahil ang naturang X account ay parang parody account lang na gumamit ng name ng kontrobersiyal nating kasamahan sa showbiz.


Sa pag-check namin ay mayroon lang itong less than a hundred followers habang nasa 18K plus naman ‘yung kay Baron.


Hindi naman siguro kapani-paniwalang ganu’n lang ang following ng isang Ogie Diaz na mapapanood din natin sa In His Mother's Eyes na showing na this Nov. 29 sa mga sinehan. Fact check!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page