top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | November 27, 2023




ree

Sa kanyang X o Twitter account, pinag-iingat naman ni Baron Geisler si Mama Ogs sa style nito ng pagtira, pagbanggit o pagbanat sa mga showbiz personalities.


Sey ni Baron, "Bro, dekada kita kilala at respeto. My wife beat me up into reality for me to comply. What do you want to achieve after all this circus? Sa’n ba tayo nagsimula? Bro Ogie, you’re stepping on many shoes. Ingat ‘tol."


Ang naturang post ay tila response ni Baron sa X account ng isang Ogag Diaz @OgagDiaz na nag-reply sa @StarCinema ng ganitong linya, "Itong mag-asawa naman kaya na ito guluhin ko at gawan ko ng fake news? Tutal sasabihin ko lang naman sa huli eh "Sana, hindi totoo," at mga followers ko, sigurado parang asong ul*l na kukuyugin sila. See what I did to #lizasoberano #barongeisler #kathniel #andreabrillantes."


Mukhang hindi nag-double check si Baron sa totoong account ni Mama Ogs dahil ang naturang X account ay parang parody account lang na gumamit ng name ng kontrobersiyal nating kasamahan sa showbiz.


Sa pag-check namin ay mayroon lang itong less than a hundred followers habang nasa 18K plus naman ‘yung kay Baron.


Hindi naman siguro kapani-paniwalang ganu’n lang ang following ng isang Ogie Diaz na mapapanood din natin sa In His Mother's Eyes na showing na this Nov. 29 sa mga sinehan. Fact check!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page