top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | December 03, 2021



ree

Kakaiba talaga ang gandang Marian Rivera-Dantes na hinahangaan at kinaiinggitan ng marami.


Sa latest IG post ni Marian, litaw na litaw na naman ang beauty niya sa suot na red dress na may caption na "Honored" at may #Grateful, kasama ang crown icon.


Reaction naman ng hubby niyang si Dingdong Dantes, "Miss u..." kasama ng dalawang pampakilig na emojis.


Ang lakas ngang maka-reyna ng dating ni Marian na agree naman ang mga netizens at maging ang mga celebrity friends niya.


Wala na ngang urungan ang pagiging hurado niya sa 70th Miss Universe na gaganapin ang coronation night sa December 12 sa Eliat, Israel.


Usap-usapan na nga na isa si Marian sa mga napiling maging judges sa Miss Universe 2021 at kailangan ngang maaga siyang pumunta ng Israel kasama ang kanyang glam team.


At base nga sa kanyang post na nagsilbing clue, tuloy na tuloy na ito at walang makapipigil sa pag-conquer niya sa universe. Balita rin na handpicked daw talaga si Marian ng organization ng Miss Universe na maging isa sa mga judges, kaya hindi ito nakatanggi.


At kung pagbabasehan naman ang ganda, may sinasabi naman si Marian, na for sure, magsa-shine siya nang husto during the coronation night, na tiyak na aabangan ng mga grupo ng iba’t ibang Marites, pati na kung paano niya ibabato ang katanungan sa kandidatang makakapili sa kanya.


Anyway, kung sa December 5 ang alis nila pa-Israel, hopefully ay mag-abot sila ni GMA Primetime King Dingdong Dantes na mula sa kanyang locked-in taping at quarantine.


At kung magkita man ang mag-asawa, aba, muli na naman silang magkakahiwalay dahil nga sa international stint na ito ni Marian na napakalaking opportunity para sa kanya, na tama lang na hindi niya tinanggihan.


 
 

Julie Bonifacio - @Winner | December 29, 2020


ree


Ubod nang tamis ang pasasalamat na mensaheng ipinost ni Kim Chiu para sa boyfriend na si Xian Lim sa Instagram account ng It's Showtime host kahapon.

Ini-reveal ni Kim na si Xian pala ang nagbayad ng trip and hotel accommodation nila ng pamilya niya sa Boracay.


Ipinost ni Kim ang piktyur nila ni Xian na magkayakap habang nagpapahinga sa beachfront.


"Appreciation post to this guy right here! Thank you for making this trip possible, plus thank you for keeping up with the CHIUs!!!! Kahit isang barangay kami. Haha, you know how much this mean to me seeing my fam happy! You're the best Mr. Thank you! @xianlimm," caption ni Kim.


Kinilig hindi lang ang mga fans nina Kim at Xian sa piktyur nila sa IG recently kundi maging ang mga celebrity friends ng dalawa.


Comment ni Direk Mae Cruz-Alviar, "(three heart emojis) Love this couple"


May isang netizen ang nag-reply sa comment ni Direk Mae ng "Beke nemen."


For sure, KimXi fan siya na "nagpaparinig" kay Direk Mae na idirek ang magkasintahan sa isa o mahigit pang projects.


Prior to this, ginulat naman ni Kim ang kanyang mga IG followers sa piktyur na nakasuot ng neon green two-piece swimwear.


In fairness, Instagrammable ang neon green two-piece swimwear ni Kim. And of course, ang katawan ni Chinita Princess, 'noh?


Say ni Kim sa caption, "Just another day in paradise! Have a great day everyone!!! Embracing the last Monday of 2020. Whew!! What a year it has been.... happy to finish it being alive and healthy! #grateful"


Walang duda na bawing-bawi lahat ng hinagpis na nalasap ni Kim nitong pandemic sa bonggang treat sa kanya at pamilya niya sa Boracay.


Kaya naman 'di napigilan ni Kim na i-express ang kaligayahang naranasan niya sa ilang araw na pamamalagi sa Boracay kapiling ang kanyang mga mahal sa buhay.


"Sky above our heads, sand beneath our feet. Life is good. Life is wonderful. Happy to have spent time at the beach with the people close to my heart! #grateful," mensahe pa ni Kim.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 28, 2020


ree


Abut-abot ang pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa nurse na nag-alaga sa kanila ng asawang si Art Atayde noong nagkasakit sila ng Covid-19 nitong Marso hanggang Abril ngayong taon.


Laging nababanggit ito ng aktres kapag nakakakuwentuhan siya, na labis ang pasasalamat niya sa mga frontliners, dahil binibigyan sila ng lakas ng loob habang nakaratay sa kanilang hospital bed.


At nitong isang araw ay dinalaw siya ng nurse na tumutok sa kanilang mag-asawa.

“After 7 mos, nayakap at nagkita din tayo @diannerific. Ang saya-saya ko, kanina ko lang nakita nang husto ang mukha mo dahil mula March 30-April 16, naka-mask ka habang inaalagaan mo ako at asawa ko.


“Habang niyayakap kita kanina, ang sarap-sarap sa pakiramdam na mapasalamatan ka nang buung-buo. Nakakabilib ang dedikasyon mo bilang Charge Nurse sa aming mga Covid patients.


“Maraming-maraming salamat, Dianne, sa pag-alaga, pagmamahal at pagsasabi lagi na 'Kaya mo 'yan, Ma’am Sylvia, ‘wag kang gi-give-up, laban po!' Ilang beses kitang tinanong noon, 'Mabubuhay pa ba ako, Dianne? Makakauwi pa ba ako?' Sagot mo sa akin, 'Opo, magkikita pa kayo ng mga anak mo, hinihintay ka nila kaya palakas at pagaling ka.' Hahaha! 'Kaiyak maalala.

“Isa ka sa mga naging anghel ko habang nasa hospital bed ako at nakikipaglaban kay Covid-19. Maraming-maraming salamat sa 'yo, bagong kaibigan, bagong kapamilya, Dianne Engco. Love you. #frontlinersph #cardinalsantos #family #grateful #thankuLORD"


Sakto naman dahil sa pagbabalik ng Maalaala Mo Kaya o MMK ay gagampanan ng aktres ang karakter ng nanay na namatayan ng anak na doktor dahil sa Covid-19.


“Actually, ang sakit-sakit para sa isang nanay na katulad ko at sa lahat ng nanay. Ito, lagi kong sinasabi, laging dasal ko sa Diyos na ang mga anak ko ang maglilibing sa akin, hindi ako ang maglilibing sa mga anak ko dahil hindi ko kakayanin ‘yun.


“Lahat ng naging problema ko sa buhay, nalagpasan ko, kahit gaano ako ibinagsak ng problema. At sabi ko nga sa Diyos, isa lang ang hindi ko kakayanin, 'pag ako ang naglibing sa mga anak ko. Lahat ng nanay, ganu’n,” pahayag ng aktres.


Mapapanood ang episode ng mag-inang Sylvia at Arjo Atayde sa MMK ngayong Sabado, 8:45 PM, at sa Disyembre 5 mula sa direksiyon ni Dado Lumibao at mapapanood sa A2Z channel sa free TV at digital TV boxes gaya ng TVplus, Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa TFC, iwant app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.


Samantala, sa tanong namin sa aktres kung hindi ba siya natakot mag-shoot sa new normal, “Hindi. Masaya nga, eh, sa Quezon (shoot).


“Kung paiiralin ko ang takot sa sarili ko, eh, walang mangyayari sa buhay ko. Kailangang tanggapin na nang buung-buo na ito na ang new normal at mag-ingat na lang talaga. Mula Nov. 6-12 kami sa Quezon,” katwiran sa amin ni Ibyang.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page