top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Sep. 22, 2024



Showbiz News

Tumalak si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa kanyang account sa X (dating Twitter) kahapon.


Isang mahabang mensahe ang ipinost ng Magandang Buhay (MB) host na may kinalaman sa pagkainip ng kanyang mga fans dahil sa pagka-delay ng paglabas ng bago niyang kanta via streaming. 


Post ni Regine, “Hello everyone, gusto ko lang sabihin na a lot of times nangyayari talaga na may mga delay kasi hindi lang naman ako ang mag-shoot n’yan with my phone, it’s a whole production. ‘Pag nai-shoot na, may editing pa plus kung may guest kailangan din i-consider ang schedule nila. 


“I’m just grateful that I get to do a music video again because as you all know, mahirap na gumawa n’yan dahil mahal. I know you guys are just excited to see it, kami rin kaya inaayos para ma-enjoy natin lahat.”


Tila nakarating kay Regine ang mga nainip na fans niya sa pagka-delay sa pag-i-stream ng bagong kanta niya.    


Pagpapatuloy ni Regine, “May mawawala ba sa inyo kung maghintay tayo ng konti? Masosolusyunan ba ang kahirapan kung mapanood natin agad ‘to? Ito ba ang sagot sa lahat ng problema natin? ‘Di ba hindi (laughing emoji), so let’s try to practice patience in the meantime so we all can listen to all the songs that are already released.


“I love those love team edits using ‘Di Sinasadya so if you are feeling extra, let’s continue this for now (smile emoji) Thank you very much to@StarMusicPH for supporting this album and doing everything you can to promote it. Thank you everyone for your support (heart emojis).”

May pahabol pa na mensahe si Regine sa kanyang mga fans after ng mahaba niyang post.


Sey pa ni Regine, “By the way, ang dami ko palang naka-release na songs (laughing emoji) please stream all of them para mahimasmasan tayo sa lahat ng kaganapan sa mundo #goodvibeslang.”


Natuwa naman ang mga solid fans ni Regine sa kanyang mahabang post.

Sey ng mga netizens kay Regine:


“Isang selfie lang po, mawawala init ulo, emz (eme). Hahahaha!”


“It actually took me 2 decades to see you in person and perform live, ano ba naman ‘tong little delays lang. Even if it'll take forever, you are always worth the wait.”


After a little while, natuloy din ang streaming ng kanta ni Regine online. Nu’ng okay na, muling nag-post si Regine.


“‘Yung napagod ka pero wala ka namang ginawa, hay #menopause (laughing emoji),” post ni Regine.


So, ‘di na pala puwedeng sundan ni Regine at mister niyang si Ogie Alcasid ang unico hijo nila na si Nate.


Kunsabagay, parang okey na rin si Ogie kahit isa lang ang anak nila ni Regine base sa isang interbyu sa singer-composer.

Ayaw mag-ala-Vic Sotto ni Ogie Alcasid na senior na ay may maliit pang mga dyunakis.



NASA bakasyon mode pala ang young actress na si Andrea Brillantes. Deserve naman ni Andrea ang magbakasyon dahil todo-kayod siya nitong nakalipas na taon. Halos katatapos lang ng matagumpay na Kapamilya seryeng pinagbidahan ni Andrea, ang Senior High (SH).


At habang inihahanda ang mga bagong projects para kay Andrea, sasamantalahin niya ang kanyang free time sa pagta-travel abroad. We heard nasa isang Asian country na si Andrea ngayon at ine-enjoy ang kanyang bakasyon. 


Pero ngayon pa lang, for sure, ang dami nang nakapilang projects and product endorsements for Andrea.


After this, she will fly to Europe para sa extension ng kanyang bakasyon. Last year, sa Spain nagbakasyon si Andrea, kasama pa si Dra. Vicki Belo.


It seems it will be a yearly vacay sa Europe for Andrea. Sakto lang naman kasi super work naman siya and nakapag-save na rin.


Plus, ang kanyang mudrakels na si Mabel “Belle Brillantes” Gorostiza ay madalas ding magpunta sa Europe for her sports. 


Four-time national record-holder sa free diving ang ina ni Andrea.

Bongga!

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 23, 2021




After umamin nina Derek Ramsay at Gerald Anderson sa kanilang relasyon with Ellen Adarna at Julia Barretto respectively, sinasabing sina Coco Martin at Julia Montes na ang susunod na magre-reveal ng kanilang relasyon.


Spotted kasi ang dalawa na nagpunta umano sa Boracay para sa post-celebration ng aktres ng kanyang 26th birthday last Friday (March 19).


Viral ang larawan ng CocoJuls sa social media kung saan terno pa ang kanilang mga suot at ang cute tingnan na si Coco ang may dala ng bag ni Julia.


Na-amaze ang mga netizens dahil napaka-gentleman daw ng aktor.


Isang fan ang nag-upload sa socmed ng mga kuhang larawan nina Coco at Julia.


Ang komento ng mga netizens ay may comparison kina Julia Barretto at Gerald Anderson.


“Ayan, unti-unti na ring magiging public. Pero at least, ang JuCo, mas ok kaysa nega na JuDoy.”


“Ano pa bang sign gusto n'yo? Naka-matching-matching sila ng get-up, oh! Same hat but diff. color, same damit.. Sana oil #NotoChangeOil


“Sweet couple. Reminds me of their teleserye with Dawn Z.”


Isang netizen ang wala yatang maipintas sa tahimik na relasyon ng CocoJuls kaya pati ang height ng mga ito ay pinuna.


“So, ayun nga, mas matangkad si Julia kaysa kay Coco… CHAROT!”


Inayunan naman ng isang commenter at sinundutan ng “Truth.. Kaya mga pulis sa Probinsyano, mga kasingliit din ni Coco para 'di siya nakatingala. Charot din! Haha!”


“Wala namang issue ang height.”


May nagtanong kung “Kasal na kaya sila, 'no? Lol, mukha kasi silang mag-asawa na talaga.”

“Bitbit ni Coco bag ni Julia, sweet.”


“Ang gentleman naman ni Coco, siya nagbitbit ng purse ni Julia. Nakakahanga ganyang lalaki.”


May nagbiro pang “Confirmed! Si Coco pala magaling magdala ng bag! #goodvibeslang” hahahaha!"


Sana, after ng viral photos na magkasama sina Julia at Coco ay aminin na rin nila ang kanilang relasyon.


'Yun lang naman ang hinihintay ng mga netizens. Wala naman daw masama kung umamin sila dahil wala naman silang masasagasaang sinuman.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page