top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Nitz Miralles @Bida | April 20, 2023





Hindi na si Maine Mendoza, kundi si Maja Salvador na ang makakasama ni Vic Sotto sa bagong sitcom na Open 24/7 at sa post nga ni Maja, sinabi nitong "SOON."


Hanggang May pa kasi ang papalitan nitong Daddy's Gurl, kaya abang na lang sa announcement ng airing schedule ng sitcom.


Ang iba pang makakasama sa Open 24/7 ay sina Jose Manalo, Sofia Pablo, Allen Ansay, Bruce Roeland, Kimson Tan, Anjay Anson, Abed Greed at Muriel Lomadilla.


Post ni Maja, "Panibagong pangarap ko na naman ang natupad! Last January nu'ng malaman ko ang balita tungkol sa sitcom... finally, ito na at tuloy na tuloy na! A million thanks to Bossing sa tiwala. #MzetProductions #GMA."


Tuloy na tuloy na rin ang wedding nina Maja at Rambo Nuñez sa July at may post si Rambo na "1 year ago (wedding ring emoji) at 3 months away (white heart emoji)."


Naniniwala naman ang mga fans na ang tunay na rason sa pag-alis ni Maja sa Eat… Bulaga! ay ang pagtanggap niya sa nasabing sitcom at hindi ang paghahanda niya para sa nalalapit na kasal.


At mas tama 'yung rason niya na 'uncertainties surrounding the show,' sa farewell letter nito sa Eat... Bulaga!.


 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 02, 2021




Nanadya ba o nagkataon lang na ngayong araw din ipinost ni GMA First Vice-President for Program Management Joey Abacan ang Zoom meeting niya kay Anne Curtis-Heussaff pagkatapos pumirma ng kontrata sa kanila si Bea Alonzo?


Kasama sa Zoom meeting ang manager ni Anne na si Veronique del Rosario-Corpus, Viva Executive June Rufino, Viva President Vincent del Rosario, Direk Sigrid Andrea Bernardo at ang GMA Pictures President and CEO na si Ms. Annette Gozon-Valdes.


Ang caption ni Joey: “Thank God for a very productive afternoon! Very refreshing to see you again @annecurtissmith #goodvibes #gmafilms #gma #viva.”


Kaagad itong ginrab ng isang follower ni Anne sa Twitter at ang tanong sa aktres, “@annecurtissmith Please tell us na gma Films lang at hindi ka lilipat sa gma?”


Parang narinig namin ang malakas na halakhak ni Anne sa tanong ng netizen at kaagad niya itong sinagot.


“Hahaha! Yes. Kalma. They pitched a film for next year na hindi pa naman sure yet. As always, I need to read the script first before making a decision. The last Viva x GMA film I did was IN YOUR EYES with Ate Claudine & Richard. I was already a Kapamilya then. So kalma lang!”

Dagdag pa ni Anne, “And isa pa, babalik pa ako sa It’s Showtime. So, kalma lang, madlang peeps!!!!"


Hayan, naklaro na hindi naman pala lilipat ng Kapuso Network si Anne at dahil wala naman siyang kontrata sa Star Cinema, open siyang gumawa ng pelikula sa ibang movie outfits tulad ng GMA Pictures.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page