top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 08, 2021


ree

Kung may ipinagmamalaking "Lola’s Menudo" si Marian Rivera-Dantes na punumpuno ng sahog at sobrang nakakatakam na sarsa, may pantapat naman si Bea Alonzo.


Sa latest vlog niya sa kanyang YouTube channel na in-upload noong September 4, ibinahagi niya sa kanyang mga followers ang recipe ng kanyang "Lola’s Osso Buco Caldereta".


Caption ni Bea, “I’m sharing with you another cooking video on my channel!! MY LOLA’S OSSO BUCO CALDERETA recipe!! This is one dish that my friends always request for me to do, so sana, magawa n'yo rin sa inyong bahay. Share your thoughts and suggestions in the comments section. #BeaAlonzo #ByBea #LifeIsBEAutiful #cooking.”


Puring-puri nga ng mga netizens si Bea habang nagluluto ng caldereta na ipinamana ng kanyang lola. Talaga namang katakam-takam ito at palagi raw kasama tuwing may okasyon sa pamilya. Lalo na 'pag Pasko at Bagong Taon, hinahanap-hanap daw ng mga kaibigan niya ang napakasarap at masarsang caldereta.


At may nag-comment na bagay talaga na magkaroon siya ng talk show sa GMA-7 dahil para siyang si Kris Aquino na ang sosyal magsalita, na hopefully i-consider talaga ng network.


May isa namang nag-comment ng, “Grabe, ang tat*nga ng mga lalaking pinakawalan si Bea. At ang suwerte ni Dominic, hays, sana sila naaaa… I will be the happiest.”


Anyway, looking forward talaga sina Bea at Dominic Roque na makabisita sa bahay nina Marian at Dingdong Dantes, na matatandaan na personal ngang inimbita ni Kapuso Primetime Queen ang premyado at bagong Kapuso actress sa isang online chikahan.


Kuwento naman ni Bea nang mag-guest sa GMA Pinoy TV Fun Con, “Doon lang talaga kami nagkaroon ng time na mag-chikahan. Because before, nakatrabaho ko rin si Dingdong sa She’s the One, pero hindi ko talaga nakasama si Marian, during our premiere night lang.”


Pahayag pa ni Bea sa mag-asawa na nagpakita ng suporta sa pamamagitan ng video greeting, “I’m happy kasi ganyan sila ka-warm mag-welcome and I’m so looking forward to working with them and having them as my friends.”


Instagram friends na nga ngayon sina Bea at Marian, at panay na ang palitan nila ng mga private messages.


Anyway, excited na talaga si Bea na matikman nila ni Dominic ang ipinagmamalaking menudo ni Marian at dahil request nga ng huli na magdala rin siya ng kanyang iniluluto.


“Gusto ko ring magluto ng caldereta ng lola ko at iba pang putahe para sa bahay nila,” ani Bea.


Imagine, 'pag pinagsama ang masasarap na menudo at caldereta nina Yan at Bea na sabi nga ay sarsa pa lang, ulam na, for sure ay mabubundat sina Dong at Dom.


Matuloy na sana ito ngayong September, para sa birthday naman ni Bea sa October 17, sina Dong at Yan naman ang dadayo sa bahay ng labs ni Dom.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 28, 2020


ree


Iniintriga ng netizen si Nadine Lustre kung bakit wala raw siya sa photo ng dinner na ipinost ng kanilang kaibigan ni James Reid sa sarili nitong Instagram account.


Kasama kasi sa nasabing group picture ng circle of friends nila ang kanyang ex-BF (?).


Photo caption ni @halucynation: “What a lovely Friendsgiving dinner! An incredible success with great food and great conversation. Eating with likeminded people, exchanging thoughts, laughing it’s the simple things that really make for the best memories – to the fun side of adulting. Can’t wait for the next one. Btw @laaurenreidabook needs her own cooking show. Let's make it happen universe. Her pecan pies were so addicting #friends #friendsgiving #dinner #dinnerparty #adulting #cooking #food #company #laughs #adamingoodtime


Eto ang sagot ni Nadine sa basher na isinulat ng actress sa comment section ng Instagram post ng kanilang kaibigan, "Uhm... I was actually invited (with anguished face emoji)" #jokesonUlol #2020namagbagokana"


May sinabi pa ang actress na “Haters who use fake accounts don’t have balls #sadly!”

“Also, if you shit on other people, you are NOT my fan. No exceptions. We don’t welcome hate in our house.”


Sumagot ang sinabihan ni Nadine na fake account user, "#@nadine try to ask @james kung meron din ba siyang balls (laughing emoji)."


Nakakalokah ang sagot ng aktres, "@lookoutv2 utot mo blue."


Dito na nagdagsaan ang mga reaksiyon ng mga may ayaw sa actress.


“PIKON (vomiting emoji) kasuka ugali mo. Tanggapin mo 'di ka na gusto ni James kasi naging mas masahol ka pa sa ex niya na si Ericka. Look at yourself. Hindi na ikaw 'yan. Ibang-iba ka na. Eww”


"It's USELESS. I don't even see the point anymore in answering.. Ok you were invited.. So? Keep them wondering till their brains explode."


Kinampihan naman ng JaDine fans ang actress-singer.


Anila, "During this time of pandemic and natural disasters, it seems trivial to spend time making unfounded assumptions. There are so many things to be thankful for.


“We are so lucky to have James and Nadine as our happy pills and that they've had continuous projects with their outside of the box thinking. We are also happy that James and Nadine are surrounded by genuine and creative friends and family who care for them.


“Now more than ever we realize life is so short and precious and hopefully we spend it being happy and kind to each other (with praying emoji)."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page