top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe
Search

ni Nitz Miralles @Bida | October 7, 2026



Dennis Trillo sa Dekada Awards

Photo: Circulated / Dennis Trillo sa Dekada Awards



Nakausap namin si Dennis Trillo sa Dekada Awards ng MMPRESS at binanggit namin na nag-sold-out ang red tote bag na gamit niya sa isa niyang video. 


Kahit mahal ang bag at P1,369.00, mabilis itong nag-sold-out. Pati ang ibang style ng bag, sold-out pa rin at malaki ang nagawa rito ni Dennis.


Samantala, ipinost ni Dennis ang magandang Barong Tagalog na suot niya nang tanggapin ang dalawang Dekada Awards sa MMPRESS. Ang ganda ng Barong Tagalog, iba-iba ang design at sa may collar, may design ng marijuana. 


May mga tanong kung bakit may picture ng Cannabis Sativa sa suot ng aktor.

Isang fan na ang nag-volunteer ng information, isinusulong daw ni Dennis ang paggamit ng marijuana for medical purposes at ibig sabihin, hanggang ngayon, isinusulong pa rin niya ito. 


There was a time raw na may nagkasakit sa kanyang pamilya at naniwala si Dennis na makakatulong sa paggaling nito ang marijuana.  

Wala nang sumunod na balita tungkol dito, kaya matanong nga si Dennis kapag nakita uli namin.





KINUMPIRMA ni Dingdong Dantes ang Season 2 ng The Master Cutter sa post niya sa Instagram at Facebook.


“May mga kuwentong hindi basta mapuputol. Kumpirmado. May Season 2 ang #TheMasterCutter: Anak ng Sinulid.


“Mas malalaking laban. Mas mapanganib na mga misyon. At sa gitna ng lahat, pamilya pa rin ang pinakamahalagang dahilan para hindi sumuko.


“Salamat sa inyong pagmamahal at pagtutok. Dahil sa inyo, tuloy ang kuwento ni Atoy, ng kanyang pamilya, at ng mga taga-Tabang Lupa.


“October 14 na sa GMA Prime, GTV, Heart of Asia Channel, at I Heart Movies,” post ng Kapuso actor.


Nasa taping si Dingdong ng series nang ibalita ang tungkol sa Season 2 ng The Master Cutter, kaya matagal pa siyang makakabalik na host ng Family Feud. 


Susunod dito ang promo nila ni Marian Rivera ng Remember hanggang sa ibang bansa dahil may international screening ang movie.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 15, 2026



BIDA - KITTY AT BF NA APO NI CHAVIT, HINIHIRITAN NANG MAG-BABY-IG _veronicaduterte

Photo: IG _veronicaduterte



Apo pala ni Chavit Singson ang boyfriend ni Veronica ‘Kitty’ Duterte na si Vic Singson. 

Nasa politics din ang binata dahil provincial board member siya sa Ilocos. Ibig sabihin nito, sa pulitika pa rin ang bagsak ni Kitty at magiging apo rin siya ni Chavit kapag nagkatuluyan sila.


Sabi ng mga netizens, kaya raw pala DDS (diehard Duterte supporter) si Chavit dahil magiging kapamilya niya ang anak ni former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD).


Naniniwala ang mga netizens na endgame ang dalawa dahil maalab ang photo na ipinost ni Vic. Ito ‘yung naghahalikan sila habang nasa yate at nag-‘I love you’ pa na ipinost sa Instagram (IG).


Maraming kinilig sa ipinost na photo nina Vic at Kitty at marami ang nagmamahal sa kanila. 


Ang payo sa kanila, alagaan ang isa’t isa at huwag magpadala sa ingay sa paligid. 

Ang isa pang payo ay for them to get married na at bigyan na ng apo ang mga parents ni Kitty.





Tama ang mga fans na nagsabing nag-crossover ang karakter ni Miguel Tanfelix sa The Master Cutter (TMC) ni Dingdong Dantes bago lumabas sa Task Force Firewall (TFF). 


Bale introduction ng character ni Miguel na si Galo Villareal ang pag-guest niya sa action series ni Dingdong, at sinabi ito mismo ng aktor.


Nag-post si Dingdong ng “Ang aming surprise guest sa #TheMasterCutter ay wala nang iba kundi ang napakahusay na si Miguel Tanfelix. Masaya akong makita si Miguel na sumasabak ngayon sa mundo ng hard action at kitang-kita ang dedikasyon niya sa bawat eksena.


“Napakahusay na aktor, game sa bakbakan, at talagang nagbibigay ng puso at commitment sa trabahong ‘to.


“Kung nagtataka kayo kung ano’ng mangyayari sa karakter n’yang si Galo, ang masasabi ko lang: abangan ninyo ang Firewall.”


Sabi naman ni Miguel, “It’s an honor working alongside such a passionate team — and the Primetime King himself.” 

Sagot ni Dingdong, “Let’s go!”


Matinding paghahanda ang ginawa ni Miguel at ibang cast para sa bagong action series na nagsisilbi ring introduction nito sa action genre.





“JUST caught up on the news in the Philippines. Nakakalungkot na umabot sa sitwasyon na ganu’n. In fact, it’s so sad that it even happened. I guess all we can do as citizens and voters is watch, learn, take note and continue to pray for our country,” ang reaction ni Anne Curtis sa mga nangyari sa Senado lately.


May reaction din si John Lapus, “For sure, may socmed (social media) ang mga anak nila. Ano kaya (ang) nararamdaman nila sa nababasa nilang reaction ng mga tao sa pinaggagawa ng parents nila? Kawawa.”





Ang comment naman ni Direk Darryl Yap, “Kailangan pa bang ibalita ‘to? BAKIT NAMAN KAILANGAN NG PADRINO NI ‘ROBIN PADILLA’? Sino naman ‘to? Padilla ba ‘to?

“Kesa sumawsaw kayo sa ‘di n’yo pinag-aralan, PAG-ARALAN N’YONG MAHALIN AT GALANGIN ANG MGA NANAY N’YO. Pwe!”


May kinalaman ang post ni Direk Darryl sa tweet ni Bela Padilla patungkol kay Senator Robin. 


Pahayag kasi ng aktres, “Growing up, my Tito Robin was kind to me and my family. I will be forever grateful for this. But as our careers flourished and took different directions, with him entering politics, our personal encounters have become scarcer. Our ideologies also differed.


“I do not live close to my uncle. I haven’t seen Tito Robin until we shared the same call time last Friday. Before then, I saw him 3 years ago.


“My uncle being cast in the show was neither because of my influence nor my being part of the cast. I was cast in December. He is a recent addition to the show.


“My uncle’s political affiliation has nothing to do with my personal beliefs and convictions. We are related but we manage to agree to disagree. I remain grateful to his kindness, but I also maintain an independent and personal sense of being in charge of my career, choices and convictions.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page