top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 21, 2021





Naglabas ng mensahe si Kris Aquino para kay former Quezon City Mayor and Senatoriable Herbert Bautista kaugnay ng deleted post ng huli na may kaugnayan sa kanya.


Sa kanyang Instagram page kahapon, ipinost ni Kris ang screenshot ng isang artikulo sa broadsheet kung saan ay nakasaad na kinompronta si Bistek ng fiancé niyang si dating DILG Secretary Mel Sarmiento.


Sa nasabing artikulo ay nakasaad din na nag-issue si Sarmiento ng statement at mensahe para kay Bistek.


“Although Mayor Herbert Bautista has already taken down his post which obviously referred to Kris, I just wish that this would serve as a reminder that talking about past flames in public is improper and ungentlemanlike.


“As a former public servant now seeking a seat in the Senate, he should know better than dragging other people to get public attention,” ang bahagi ng statement ni Sarmiento.


Apparently, ang pinagmulan ng statement na ito ay ang naunang tweet ni Bistek na deleted na ngayon.


“@iampinglacson Mr. President Ping, na-inspire din tuloy akong mag-propose. Kaso, sayang…

may napili na siya,” ang tweet ni Bistek with 3 broken hearts emoji at nilagyan ng hashtags na #TOTGA at #KungMaibabalikKoLang.


Bagama't walang binanggit na pangalan, hinuhulaang si Kris ang tinutukoy ni HB na kanyang TOTGA (the one that got away).


Binawi rin naman agad ito ni Bistek at naglabas ng apology tweet para kay Kris.


“I've already taken down a post on Twitter of which my loose remark unjustifiably hurt feelings. It was certainly inappropriate and a mistake. My profuse apologies to Kris,” ang tweet ni Bistek na deleted na rin ngayon.


Sa Instagram post ni Kris kahapon, sinimulan niya ito by giving an update sa relasyon nila ni Mel. Ibinalita niya ring may date na ang kanilang kasal.


“I’ve often been accused na mahilig magpapansin… But I do hope you’ve noticed the changes in me. My last post was on November 8, and today is November 20. My reason is simple- Mel is still adjusting to life w/ me and I’ve learned my lessons the hard way - the less you share, the better. Kung huhusgahan ka, kasalanan mo na 'yan kasi puwede naman mamili kung ano ang para sa inyo lang. At the end of this Manila Bulletin article, it stated that no wedding date has been set. Actually one has, but we’re keeping that for ourselves… Sobrang simpleng event na magugulat talaga kayo. Definitely, walang “Princess Intan” moment.


“Ours isn’t a perfect relationship, but Mel & I really had a great matchmaker na I’m sure is smiling right now in heaven saying- 'Si Mel lang pala ang kinailangan para matuto si bunso kung kailan dapat tumahimik'," simula ni Kris.


Pagkatapos nito ay nagbigay na siya ng mensahe para kay HB. Dito ay ini-reveal niya na nagsabi pala siya kay Bistek nu'ng time na nagkakamabutihan na sila ni Sarmiento.


“To the man Mel confronted, mahaba ang pinagsamahan natin. Sana 'wag mo na lang baguhin pa ang kwento?


“July 21, bilang respeto- sana naman natatandaan mo 'yung isinulat ko sa birthday/goodbye gift letter na personal kong inabot sa 'yo nu'ng May 12, 2021- nasabi ko du'n “We both deserve our versions of ME AFTER YOU” kaya nu'ng alam na ng puso ko that it was Mel, I messaged you to ask if we could talk. Right away, ikaw ang tumawag. Magaan ang usapan BUT I did tell you, BEFORE I told anybody else, that my version of ME AFTER YOU had already begun,” lahat ni Kris.


Ini-reveal din niya na may bago nang girlfriend ngayon si HB.


“It’s common knowledge that you’re now in a new relationship with a beautiful girlfriend… so if you need to talk about your love life, please talk about your present, not your past,” ani Kris.


“After 7 years of trying but not succeeding, siguro naman kilala mo na ang ugali ko. Kaya kong dumedma kung ako ang ginagamit o naaapakan BUT foul when it’s someone I love & value (in this instance my very soon to be husband na hindi ka naman ginulo o inagrabyado) then papalag ako. I totally agree with what he said especially because sa survey na nakita ko, within striking distance ka na sa Magic 12 - so there’s no need to use our past to gain attention.


“Trust in yourself, that your track record is more than enough to get you elected and have enough faith in the wisdom of the Filipino voters,” mensahe pa ni Kris kay Bistek.


In fairness naman to HB, nang makatsikahan namin siya recently over lunch kasama ang ilang entertainment press, naitanong namin sa kanya kung ano ang masasabi niya sa fiancé ni Kris, and he has nothing but praises to the man.


Nakakasama raw niya dati si Sarmiento noong administrasyon ni former President Noynoy Aquino at mabuti raw itong tao.


“Kilala ko siya, he’s a good person,” sabi ni Bistek.


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 20, 2021




Nagpahiwatig si former QC Mayor Herbert "Bistek" Bautista ng panghihinayang sa isang pag-ibig na dumaan sa kanyang buhay. Inamin din niya na nais na sana niyang mag-propose pero naunahan na siya ng iba.


Ini-repost ni Bistek ang tweet ng isang supporter ni Senator Ping Lacson na tinawag ng presidentiable on stage para mag-propose sa kanyang girlfriend.


Caption ni Bistek sa ini-repost niyang tweet ng supporter ni Sen. Ping, "@iampinglacson Mr. President Ping, na-inspire din tuloy akong mag-propose. Kaso, sayang.... may napili na sya (with 3 broken heart emojis)."


May pa-hashtag pa sa bandang huli ng caption ni Bistek na ganito, "#TOTGA #KungMaibabalikKoLang."


Na-gets agad ng mga netizens kung sino ang tinutukoy ni Bistek. Lahat sila ay sinabing si Kris Aquino ang "the one that got away" ng dating QC mayor.


Sa Row 4 ka na lang nakaupo kapag hindi pa nakuha kung sino ang binanggit ni Bistek na "may napili na siya." Eh, ang mga Marites, isama pa sina Mariposa at sinek-sinek na mga 'mare' d'yan, tukoy na tukoy na agad ang sinabi ni Bistek, hah?


Si Kris lang naman ang huling babaeng naugnay sa kanya sa nagdaang ilang taon. At kamakailan ay nag-propose na si former DILG Secretary Mel Sarmiento kay Kris.


"Ita-tag ng mga Marites si Kris Aquino," comment ng netizen.


May ilan naman na tinawag na 'pabebe' at 'paasa' si Bistek.


"Pabebe ka pa kasi, eh, di napunta na siya sa iba, besides, seryoso yata talaga 'yung ipinalit sa 'yo."


"'Wag kang paasa, Mayor!!! Baka biglang iwan ni Krissy si Sec."


"Puwede ba, ang tagal niyang naghintay sa 'yo, 'noh."


May netizens na 'di knows kung may pinakasalan si Bistek sa isa sa mga ina ng kanyang mga anak.


"Guys, hiwalay na ba si Herbert sa ina ng mga anak niya?"


"Parang hindi naman nagpakasal."


In fairness, meron ding nanghinayang na hindi si Bistek ang nakatuluyan ni Kris. Feeling nila, bagay sina Kris at Bistek.


"I find him and K bagay, sa totoo lang, pero arte-arte kasi ni Bistek, eh."


"Me too."


"True. Sayang ito. Swak sana sila sa personality."


Samantala, hindi maiaalis na may magduda sa post ni Bistek lalo pa't tumatakbo siya ngayon bilang senador.


"'Wag na nating guluhin ang love life nila, nananahimik na."


"Ako lang ba, pero parang nagagamit si Tetay sa kampanya ni HB, hah! Tinweet din niya kanina 'yung tanong sa kanya tungkol sa engagement ni girl!"


"Use me in a sentence."


Well, tingin namin, hindi na kailangan ni Bistek ang gumamit ng iba to boost his senatorial bid sa May, 2022 elections. Matagal nang nakagawa ng pangalan si Bistek sa showbiz at pulitika bago pa man lumutang sa kamalayan ng mga Pinoy si Kristeta.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page