NILA NI RABIYA
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | May 29, 2021

Kinumpirma ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na sila pa rin ng kanyang boyfriend of 6 years na si Neil Salvacion at tinabla ang kumalat na balitang hiwalay na sila dahil nawala sa Instagram account ng binata ang mga larawan nila ng nobyang beauty queen.
Nakadagdag pa na nakitang magkasama at nag-lunch sina Rabiya at dating PBB housemate Andre Brouillette sa Beverly Hills, California. Bukod dito ay marami pang larawang magkasama ang dalawa.
Ang caption ni Andre, “Lunch with the lovely and beautiful Miss Universe Philippines @rabiyamateo.”
Ipinagtanggol kaagad si Andre ng kanyang mga supporters na @andrebrouiletteph, “Kung kasali kaya ako sa photo na ‘yan, mai-issue din kaya ako? FYI. Andre is a correspondent of Empire Philippines who covered and hosted Miss Universe.
“It's only but natural to have a simple photo memory with a beautiful Miss Universe. Nag-picture lang, jowa na agad? Nasa IG story lang, sila na agad? 'Pag nagpa-picture ako kay Andre, kami na? Ganern ba yern? 'Kaloka!!
“Sige, kain lang kayo d'yan. Ikain n'yo na rin pati chismosang mas naiintindihan nila ang pagchi-chismis kesa trabaho nila. @andrebrouillette @rabiyamateo.”
At si Rabiya ay nag-post din na hindi siya available para sa ibang lalaki sa kanyang IG stories.
“ImNotAvailable “#Friends #Workmates #NoMalice #Empire #Mercator #ImNotAvailable””
Abut-abot naman ang pasalamat ng mga supporters nina Rabiya at Neil na sila pa rin pala lalo na nang mag-comment ang dalaga sa post ng boyfriend niyang nasa Matabungkay beach na nakaupo sa bangka.
Ang caption ni Neil, “vacSEAnated.”
Komento naman ni Rabiya, “Payat siya, eh.”
Ibig sabihin ay pumayat na ang nobyo.
“Sinegwelas (sineguelas) for days,” ang sagot ni Neil na ibig sabihin ay ito lang ang kinakain niya.




