top of page
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 06, 2021



ree

Ilang araw muna ang pinalipas ni Neil Salvacion, ang boyfriend ni Miss Universe-Philippines 2020 Rabiya Mateo, saka niya inaming hiwalay na sila ng kanyang girlfriend of 7 years.


Maraming haka-haka na kaya naghiwalay ang dalawa ay dahil may ibang manliligaw si Rabiya na mayaman, bagay na inalmahan ng binata.


Sa Instagram Stories ni Neil nitong Biyernes ay sinabi niyang, “Spreading rumors without knowing the real score is just too much.”


Bukod sa manliligaw na mayaman ay iniugnay din si Rabiya kay Andre Brouillette na nakasama niyang mag-lunch sa Beverly Hills, California, USA, na kaagad namang itinanggi ng dalaga at sinagot din niya ng post na: "#ImNotAvailable" ang nagtanong kung nanliligaw sa kanya ang dating PBB housemate na iisa pala ang manager nila, si Jonas Gaffud.


Going back to Neil ay mahaba ang official statement niya at ipinagtanggol niya ang ex-girlfriend.


Aniya, “We don’t deserve all the negativities manifested towards us, esp. towards Rab. She worked hard to achieve whatever she has right now, and she deserves it all.


“It's NEVER okay to degrade a person just to prove a point, I mean, if you have nothing good to say, it’s better to keep it within yourself.”


At ang haka-hakang wala na sila na inamin na rin naman ni Rabiya ay sinegundahan na rin ni Neil.


“The real thing is, we’re not together anymore, but we’re both okay, moving forward, we talked and we’re both happy with our own lives. We both believe that God placed us in this kind of situation for a reason, and that is for the better.


“It doesn’t cost a cent to be kind, guys, let’s spread kindness and be respectful towards each other, may it be through thoughts, words and deeds.


“Palangga-anay lang ta n’yo bala! Padayon sa kabuhi! (emoji heart).”



ree


May netizen na nagsabing makakahanap din si Neil ng ibang babae na hindi siya iiwan at igi-give-up.


Pinayuhan pa si Rabiya na dapat daw ay humingi siya ng sorry sa mga Pinoy dahil nasaktan sila sa pahayag nitong, “I can make a man stay” at paano ito maipapaliwanag ng dalaga?


Sinagot kaagad ito ng dating dyowa ni Rabiya, “Happiness is a choice, we’re both happy with our decision. Stop doing this kind of narrative. She doesn’t need to apologize to anyone.”

 
 

NILA NI RABIYA


ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | May 29, 2021



ree

Kinumpirma ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na sila pa rin ng kanyang boyfriend of 6 years na si Neil Salvacion at tinabla ang kumalat na balitang hiwalay na sila dahil nawala sa Instagram account ng binata ang mga larawan nila ng nobyang beauty queen.


Nakadagdag pa na nakitang magkasama at nag-lunch sina Rabiya at dating PBB housemate Andre Brouillette sa Beverly Hills, California. Bukod dito ay marami pang larawang magkasama ang dalawa.


Ang caption ni Andre, “Lunch with the lovely and beautiful Miss Universe Philippines @rabiyamateo.”


Ipinagtanggol kaagad si Andre ng kanyang mga supporters na @andrebrouiletteph, “Kung kasali kaya ako sa photo na ‘yan, mai-issue din kaya ako? FYI. Andre is a correspondent of Empire Philippines who covered and hosted Miss Universe.


“It's only but natural to have a simple photo memory with a beautiful Miss Universe. Nag-picture lang, jowa na agad? Nasa IG story lang, sila na agad? 'Pag nagpa-picture ako kay Andre, kami na? Ganern ba yern? 'Kaloka!!

“Sige, kain lang kayo d'yan. Ikain n'yo na rin pati chismosang mas naiintindihan nila ang pagchi-chismis kesa trabaho nila. @andrebrouillette @rabiyamateo.”


At si Rabiya ay nag-post din na hindi siya available para sa ibang lalaki sa kanyang IG stories.


“ImNotAvailable “#Friends #Workmates #NoMalice #Empire #Mercator #ImNotAvailable””

Abut-abot naman ang pasalamat ng mga supporters nina Rabiya at Neil na sila pa rin pala lalo na nang mag-comment ang dalaga sa post ng boyfriend niyang nasa Matabungkay beach na nakaupo sa bangka.


Ang caption ni Neil, “vacSEAnated.”


Komento naman ni Rabiya, “Payat siya, eh.”


Ibig sabihin ay pumayat na ang nobyo.


“Sinegwelas (sineguelas) for days,” ang sagot ni Neil na ibig sabihin ay ito lang ang kinakain niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page