top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 25, 2021



ree

Puspusan na ang paghahanda ng bumubuo ng highly-anticipated live-action TV series ng Kapuso Network na Voltes V: Legacy para sa first leg ng kanilang locked-in taping.


Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Direk Mark Reyes na nakapag-check-in na sa hotel ang ilang cast members ng series nitong Biyernes (May 21) upang sumailalim sa quarantine bago opisyal na simulan ang kanilang taping.


Kasama sa post ang kakalaban sa team Voltes V na Boazanian gang na kinabibilangan nina Prince Zardos (Martin del Rosario), Zuhl (Epy Quizon), at Draco (Carlo Gonzalez), kasama rin ang executive producer ng series na si Darling Torres.


Ani Direk Mark, "We start our hotel quarantine today. In a few days, we'll finally start production on Voltes V: Legacy! #newnormal #safetyprotocols #letsvtogether #theboazaniansarecoming.”


Iikot ang kuwento ng Voltes V: Legacy sa tatlong magkakapatid na sina Steve (Miguel Tanfelix), Big Bert (Matt Lozano), at Little Jon Armstrong (Raphael Landicho) kasama ang kanilang mga kaibigan na sina Jamie Robinson (Ysabel Ortega) at Mark Gordon (Radson Flores) na may misyong labanan ang humanoid aliens na Boazanians na planong sakupin ang mundo.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 30, 2020


ree


Kalat na sa showbiz circle ang pagbubuntis ni Alex Gonzaga. But sad to say, idinenay ito ng vlogger-TV host-actress.


Isang family picture ang nasa account ni Alex kung saan makikitang kasama niya ang fiancé niyang si Mikee Morada, ang kanyang mom at dad at si Toni kasama ang mister na si Direk Paul Soriano at ang anak nilang si Seve.


Caption ni Alex sa picture nilang mag-anak: “New VLOG! How we spent our Christmas even in the #NewNormal! with the family! May mga nagpapatiuna sa regalo (smiley emoji). #Linkinmybio


Sa kuhang larawan, kapansin-pansin ang loose white dress na suot ni Alex. Nakasapo sa kanyang tummy ang kamay ni Mikee at halatang medyo nakaumbok ang tiyan ng aktres.


Komento tuloy ng netizen, “BUNTIS!!! Halatang-halata na…tingnan ang hawak ni Mikee sa tiyan ni Alex.”


Sinagot ni Alex ang komento, “'Di ba puwedeng pupu lang? (laughing emoji) Since Day 1 constipated na 'ko, ayaw makisama ng tiyan ko, kaya nag-glutalipo na (laughing emoji).”


Sabi ng supporter ni Alex, “Sus, naka-bestida lang, buntis na. Haha! Panoorin muna ang vid.. 'wag seryosohin si Alex, lakas-trip niyan.. Relax.”


Anyway, correct me if I am wrong, but I’ve heard na rin kasi na preggy si Alex ng five months at sinabi raw ito ng taong malapit sa aktres.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page