top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 30, 2021



Bago pa ang takdang deadline para sa voter's registration ngayong katapusan ng Setyembre, magkasabay na nagparehistro ang napapabalitang magkasintahan na sina Julia Montes at Coco Martin para makaboto sa darating na halalan sa Mayo, 2022.


Sa Instagram nitong Miyerkules, September 29, isang video ang ipinost ni Julia kung saan makikita ang ilang retrato na kuha habang nagpaparehistro sila ng aktor sa isang sikat na mall.


"Somewhere inside of all of us is the power to change the world - Roald Dahl," ayon sa post ni Julia.


Gamit ang mga hashtags na #BotoPilipinas at #MagparehistroKa, hinikayat din ng aktres ang kanilang mga tagahanga at tagasunod na magparehistro na upang makaboto sa susunod na halalan na nakatakda sa 2022.


Bukod kina Julia at Coco, kabilang din sa mga sikat na Kapamilya stars na nagparehistro para sa nalalapit na halalan sina Judy Ann Santos (with husband Ryan Agoncillo), Gary Valenciano, Pia Wurtzbach, Maris Racal, Ruffa Gutierrez, Michael de Mesa, Janine Berdin, Jed Madela, Arlene Muhlach, Miles Ocampo, Maxine Medina, Dani Barretto, Claudia Barretto, Pepe Herrera at Alora Sasam.


Post ni Judy Ann, "Parehistro na po ang mga hindi pa nagre-register... Let’s all UNITE and VOTE."


Sabi naman ni Ryan, "The first step in making sure our voice is heard. You have till Thursday. Head out and register."


Ayon naman sa post ni Gary, "Voter registration ends soon! I’m finally registered. Thanks to the Antipolo government for all the support! Every vote counts my friend. Let's do our part in choosing our next set of leaders. I am praying for wisdom and discernment for all of the voters and for the leaders of our country."


 
 

ni Lolet Abania | December 30, 2020




Nakatakdang ipagpatuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration sa January 4, 2021.


Ayon kay Comelec Commissioner James Jimenez, "If you missed the last day of #VoterReg2020, don’t despair just yet. #VoterRegistration will resume January 4, 2021. #MakeAPlanToRegister then. #MagparehistroKa!"


Kahapon, December 29, ang huling araw ngayong taon para sa voter registration, base sa Comelec advisory.


Walang isinagawang voter registration ang Comelec para sa mga special o non-working days at regular holidays.


“Voter registration is conducted from Mondays to Thursdays, 8:00 a.m. to 3:00 p.m., with Friday as the designated disinfection day unless the LGU prescribes a different disinfection day," ayon sa inilabas na advisory ng Comelec.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 10, 2020




Nagulat si Miss Universe Pia Wurtzbach pagbukas niya ng kanyang social media accounts kahapon dahil dinumog siya ng mga bashers.


"Pagbukas ko ng Twitter ko, nagdagsaan na naman 'yung mga bashers. Hahaha! Sanay na sanay na po ako sa ganito. Noon pa man ay bina-bash na 'ko, even before Miss U. I learned that you should never be afraid to speak your mind especially when you know it's right," tweet ni Pia kahapon.


Binalikan namin ang mga posts ni Queen P sa kanyang socmed accounts at doon ay nalaman namin na nagbigay siya ng reaksiyon sa dalawang isyung pinag-uusapan sa bansa ngayon.


Una, ang tungkol sa pinalayang Amerikanong sundalo na si Joseph Pemberton na pumaslang sa LGBTQ member na si Jennifer Laude.


Umpisa ng tweet ni Queen P last Tuesday, "I'll never get tired of saying this....#TransLivesMatter (5x)."


Sinundan ito ng isa pang tweet ni Pia, "Tuwing nagbabasa ako ng balita, palagi na lang palala nang palala 'yung mga nababasa ko. Ngayon ito naman? Hay... Eto na lang, let's all make sure we register to vote for the next elections. Each one of us."


At ito ang ikatlong tweet niya last Tuesday, "Trans right are human rights. PERIOD!"


Ang ikalawang national issue naman na binigyang-pansin ni Queen P ay ang tungkol sa pagrehistro ng mga botante.


"I will continue reminding everyone to register to vote. Dahil sigurado, maraming magpapabukas nito until the last minute. No more excuses (even for me), lahat tayo, dapat registered na. Hindi enough na sa social media lang tayo naririnig. #MasMaramiTayo #MagparehistroKa #40MStrong."


Tinawag na "haliparot" si Pia ng kanyang Twitter follower.


"Hoyyy Pia, makabatikos ka, kung sino kang haliparot, basa-basa naman #BEKENEMEN."


"Nagbabasa ka ba ng balita Pia? Matagal na 'yan na issue, ba't sinisi n'yo naman ang current admin?"


"To support LGBTQ Community is a lifetime Responsibility.. not seasonal nor for pageantry purpose. To support means not just thru mouth but also more on actions... 'Di kami palaman na puwede mo lang ipahid sa tinapay mo para maging masarap ka sa tingin ng iba. Just saying."


Pati ang citizenship ni Pia ay ginawan din ng isyu ng mga bashers niya.


"'Yan ang mahirap kapag ang mga dayuhan ay nakikialam sa affairs ng Pilipinas. First, si American. Now, si German. I'm sure, next na si Australian. Before you lecture us on how to run our country, renounce your foreign citizenship and be a Filipino full-time."


In fairness, marami rin namang nagtanggol at nagsabi kay Pia na huwag nang patulan ang kanyang mga bashers.


True.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page