ni Nitz Miralles - @Bida | August 8, 2022

Disabled ang comment box ni Jerome Ponce sa mga bagong posts niya sa Instagram dahil na-bash siya nang malamang nanood ng Maid in Malacañang o MiM kasama ang GF na si Sachzna Laparan.
Kasi naman, ipinost pa ang photo nila nang manood at nagpakuha pa ng litrato sa tabi ng poster ng MiM.
Magkasabay kasi ang showing ng MiM at Katips na pinagbibidahan ni Jerome at kasama rin sa cast si Sachzna.
Nagsasagutan din online ang director ng Katips na si Vince Tañada at Direk Darryl Yap na director naman ng MiM. Pati mga supporters ng dalawang pelikula, nagsasagutan din at umabot sa Twitter ang isyu ng panonood ni Jerome ng MiM, kaya na-bash siya at hindi raw maganda ang ginawa.
Sana raw, kung nanood si Jerome, hindi na lang nag-post ng photo na nakakadismaya nga naman sa parte ni Direk Vince at ng mga supporters ng movie.
May comment nga si Vince Tañada sa post ni Vance Larena na nag-upload ng photos nang gumanap siyang Greg sa stage version yata ng Katips.
Sabi ni Vince, “Why didn’t you accept it when I offered it to you? Napunta tuloy sa enabler... what a terrible, terrible mistake. #KatipsTheMovie.”
Siguradong si Jerome ang tinukoy ni Vince na “enabler”. Pero bakit daw si Jerome lang ang naba-bash, bakit hindi kasama si Sachzna?