ni Julie Bonifacio - @Winner | August 1, 2022
Hinakot ng controversial movie ni Vince Tañada na Katips: The Movie ang karamihan ng major awards sa FAMAS last Saturday.
Out of 17 nominations sa FAMAS, personal na tinanggap ni Vince ang tatlong major awards na napanalunan niya — ang Best Actor (Vince Tañada), Best Director and Best Picture.
Winner din ang Katips sa Best Musical Score, Best Cinematography and Best Original Song with Sa Gitna ng Gulo. At ang co-star ni Vince na si Johnrey Rivas ay nanalo rin ng Best Supporting Actor.
Ang Katips ay kuwento ng student activists noong panahon ng Martial Law.
Naging emosyonal si Vince nu’ng tanggapin ang kanyang trophy for Best Actor sa Metropolitan Theater kung saan ginanap ang FAMAS Awards Night.
Natupad ang wish ni Direk Vince na mag-trending sa social media, kahit sa Twitter man lang daw, ang Katips.
Nu’ng mismong gabi ng FAMAS at ma-announce na nanalo si Direk Vince at ang Katips, agad na nag-trending ang #Katips at #KatipsTheMovie.
Nanawagan ang mga netizens na suportahan ang Katips: The Movie sa opening nito sa mga sinehan on Wednesday (Aug. 3).
Nangunguna na si P3PWD Partylist Representative at dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon, ang dating aktres na si G Tongi, si Jake Ejercito at ang TV host na si Bianca Gonzalez sa mga nag-engganyo rin sa Twitter na suportahan ang Katips: The Movie.
Tweet ni Rep. Guanzon, “Katips is a musical. Direk Vince Tañada won a FAMAS. Manood tayo, Aug. 3.”
Ipinost din ni Rep. Guanzon ang mga sinehan at oras na paglalabasan ng Katips: The Movie.
“Let's watch Katips on Aug 3. See u there! Congratulations to Direk Atty. @VinceTanada.”
Ini-retweet ni Direk Vince ang post ni Bianca ng promo picture ng bida rin sa Katips na si Jerome Ponce.
Caption ni Direk Vince sa pag-retweet niya ng post ni Bianca: “Maraming salamat @iamsuperbianca for your support to #KATIPS.”
Say naman ni G Tongi, “Here’s a film I want to watch about the student activism during the time of the Marcos dictatorship. Katips! Let me know what you all think!”
Nagbayanihan din ang mga netizens para suportahan ang Katips.
Nag-ambagan ang mga netizens ng perang pampanood ng Katips sa mga sinehan.