top of page
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 7, 2020


ree


Tahimik at hindi kami sinasagot ng tinanungan namin kung bakit nawala na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa teleseryeng Cara Y Cruz na binago na ang titulo, Bagong Umaga na base na rin sa tweet ng Entertainment head ng Kapamilya Network na si Direk Laurenti Dyogi.

“Soon this October, starring Tony Labrusca and Barbie Imperial with Kiko Estrada, Michelle Vito, Yves Flores and launching in her first lead role in a teleserye, Heaven Peralejo! #KapamilyaForever #BagongUmaga #HappybirthdayMichelleVito.”

Nagtanong kami sa isa pang taga-production pero ang tanging sagot sa amin, “Wala na rin po, eh. Hindi ko alam.”

Hmmm, dahil kaya true friends sina Loisa at Julia Barretto?

Si Julia ay umaming tinanggal sa serye noong hindi pa ito nagpapalit ng titulo dahil gusto raw ng management na pawang Star Magic talents ang bida. Naintindihan ito ng aktres dahil nga nagpalit na siya ng talent management, ang Viva Artist Agency.

Ano naman ang kuwento ni Ronnie, bakit pati siya nawala? Package deal ba sila?

Ay, naalala na namin, parang may plano na ring umalis ng Star Magic si Ronnie. Hindi lang namin alam kung isasama niya ang katipan na si Loisa.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 13, 2020


ree


Iba’t ibang reaksiyon at emosyon ang naramdaman ng mga Kapamilya artists nang hindi i-renew ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN.


Ani Angel Locsin, “Tapos na po ang botohan. Kami po ay tulala at hindi alam kung ano ang gagawin. Gusto ko lang pong magpasalamat sa ilang taong pagtanggap n'yo po sa amin sa inyong mga tahanan."


Sabi naman ni Kim Chiu, "To those 70 members of the Congress, we hoped that you decided based on conscience, not pride; based on Facts, not ego, based on truth, honesty, and service, not vengeance.


“To the 11 members of the congress, THANK YOU for being BRAVE. Thank you for giving us HOPE.”


Hirit ni Bea Alonzo, “Tapos na ang botohan. Nakakatulala. Parang panaginip… Yakap, mga Kapamilya.”


Si Angel Aquino, “Sa lahat ng Kapamilya sa buong mundo, hindi natin kakalimutan ang araw na ito. Napakasakit ng ginawa n'yo sa pangalawang tahanan namin. Sa mga katrabaho ko. Napakarami n'yong sinaktan. Napakarami n'yong inulila. NASAAN ANG PUSO NINYO.


“I am lost for words… my heart breaks for everyone that is affected by this… from our bosses to all… the employees and the loyal viewers of ABS-CBN… It is indeed a very sad day.


“I know people won’t forget this… maraming salamat sa lahat ng sumuporta at nagdasal..


“I stay hopeful that somehow this isn’t the end… A big hug to my Kapamilya Family #KapamilyaForever


May naghahanap kay Coco Martin. Bakit daw wala ang actor sa Kapamilya caravan na tumungo sa Kongreso nu’ng Friday?


Maging sa vigil daw ng mga artista nu’ng Fridy night ay hindi rin nakita ang aktor samantalang nu'ng unang ipatigil ang pag-ere ng Dos ay nagwala pa si Coco.


Just asking lang daw po... (Naka-lock-in taping sa Batangas, 'Te Beth. — JDN)

 
 

LIZA, NAGMAKAAWA SA MGA CONG. PARA BIGYAN NG PRANGKISA ANG ABS-CBN

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 5, 2020


ree


Malalaman na sa Lunes (Hulyo 6) bilang huling araw ng pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN ang verdict mula sa 46 kongresistang boboto kung bibigyan nila ng bagong 25 years’ franchise ang Kapamilya Network.


At dahil dito ay iisa ang hinihiling at panalangin ng lahat ng artista ng ABS-CBN — ang sana'y bigyan sila ng bagong prangkisa.


Isa si Liza Soberano sa mga humihiling ng panalangin para sa Kapamilya Network at sa mga empleyadong nakatakdang mawalan ng trabaho sa Agosto kapag hindi naaprubahan ang prangkisa.


Base sa tweet ni Liza nitong Biyernes ng gabi, “I received what was probably one of the most heart breaking text messages from one of our leaders in ABS-CBN. The little fan girl in me is probably crying so hard right now. I grew up watching the kapamilya channel and almost all of their teleseryes.


“I will forever be grateful towards this company, who has instilled values in me through their programs and gave me the opportunity to inspire those who watch and support my projects.”

Humiling ang aktres ng panalangin mula sa mga supporters, “To all of my loving supporters, if it’s not too much to ask, and if ABS-CBN has ever positively impacted you in one way or another, I humbly ask that you please pray for the company and all of its employees.”

At ang apela rin ni Liza sa mga mambabatas na boboto sa Lunes, “To the congressmen and women who are tasked to decide upon our franchise renewal, please, open up your hearts and hear our voices.


“ABS-CBN has always and will always be in service of the Filipino people. #kapamilyaforever #IbalikAngABSCBN,” tweet ni Liza para sa network kung saan Kapamilya siya sa loob ng siyam na taon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page