top of page
Search

Julie Bonifacio - @Winner | May 06, 2021



ree

Nanariwang muli ang sakit na idinulot sa mga Kapamilya stars, employees, news anchors and reporters ng pagde-deny ng prangkisa sa ABS-CBN sa ika-isang taong anibersaryo nito kahapon, May 5.


Nag-trending sa social media ang paggunita sa araw ng pagsasara ng higanteng network sa bansa dahil sa pag-deny sa kanila ng prangkisa ng House of Representatives.


In fact, nag-number one top trending sa Twitter ang #IbalikangABSCBN kahapon.


Tweet mula sa @ABSCBN News, “Sa utos ng National Telecommunications Commission o NTC, sa araw na ito noong 2020, huminto sa pag-ere sa free TV Channel 2 at sa iba pang istasyon nito sa Pilipinas ang ABS-CBN nang mapaso ang prangkisa nito noong Mayo 4, 2020. #ABSCBNShutdown."


Isa sa mga unang Kapamilya stars na naglabas sa socmed ng kanyang saloobin sa pag-alala ng lungkot sa ika-isang taong pagkakasara ng ABS-CBN ay ang Unkabogable Star at It’s Showtime host na si Vice Ganda.


“Isang taon na ang nakalipas nang tangkain ng mga ganid at masasamang loob na ang mga KAPAMILYA ay mapagkaitan ng serbisyong kailangang-kailangan nila lalo sa panahon ng pandemya. Ngunit 'di sila lubos na nagtagumpay. Dahil 'andito pa rin kami at patuloy na isinasabuhay,” tweet ni Vice.


May dagdag na mensahe pa si Vice sa comment section ng tweet niya sa itaas.


Say ni Vice, “Ang sinumpaang linyang 'In the service of the Filipino worldwide.' Ang pamilya ay 'di sinusukuan. Nahihirapan ngunit nagtatagumpay. 'Andito pa rin kami para sa 'yo, KAPAMILYA!”


Na-feel ng mga netizens ang nararamdaman ni Vice sa kanyang tweets kaya nag-post sila ng support para sa It’s Showtime host.


“Laban lang Meme Vice. Someday, makakabalik din ang ABS-CBN… Kapamilya forever…”

“Proud of you, Mah! Ikaw 'yung isa sa mga naging sandalan namin nu'ng mga panahong kinuha ng mga ganid ang pagkakataong makapanood kami ng ABS sa free TV. Thank you, Mah! I will love you forever."


Bukod kay Vice, inalala rin ng kapwa niya It’s Showtime host na si Anne Curtis ang naganap last year sa kanyang mother network.


“It’s been a year since we were all left in disbelief. Maraming salamat sa mga loyal Kapamilya who continue to support ABS-CBN na patuloy gumagawa ng paraan para makapaglingkod, makapamahagi ng impormasyon, balita at makapagbigay-saya sa pamilyang Pilipino saanmang parte ng mundo,” mensahe ni Anne sa kanyang Twitter account.


May mga netizens naman ang nagtanong kay Anne sa reply section tungkol sa pagbabalik niya sa It’s Showtime na napapanood pagkatapos ng Magandang Buhay sa A2Z Channel 11 at digitalized Channel 20, Kapamilya Online at iba pang digital platforms ng ABS-CBN.


“We’re all happy to see you soon ON Showtime our dyosaa.”


“Inaantay ko din ang pagbabalik mo sa Showtime. Stay safe.”


“Kailan po balik mo sa Showtime?”


“Try mo naman maki-join sa Showtime family mo kahit ilang days lang para mas ma-feel nila 'yung suporta mo.

 
 

LIZA, NAGMAKAAWA SA MGA CONG. PARA BIGYAN NG PRANGKISA ANG ABS-CBN

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 5, 2020


ree


Malalaman na sa Lunes (Hulyo 6) bilang huling araw ng pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN ang verdict mula sa 46 kongresistang boboto kung bibigyan nila ng bagong 25 years’ franchise ang Kapamilya Network.


At dahil dito ay iisa ang hinihiling at panalangin ng lahat ng artista ng ABS-CBN — ang sana'y bigyan sila ng bagong prangkisa.


Isa si Liza Soberano sa mga humihiling ng panalangin para sa Kapamilya Network at sa mga empleyadong nakatakdang mawalan ng trabaho sa Agosto kapag hindi naaprubahan ang prangkisa.


Base sa tweet ni Liza nitong Biyernes ng gabi, “I received what was probably one of the most heart breaking text messages from one of our leaders in ABS-CBN. The little fan girl in me is probably crying so hard right now. I grew up watching the kapamilya channel and almost all of their teleseryes.


“I will forever be grateful towards this company, who has instilled values in me through their programs and gave me the opportunity to inspire those who watch and support my projects.”

Humiling ang aktres ng panalangin mula sa mga supporters, “To all of my loving supporters, if it’s not too much to ask, and if ABS-CBN has ever positively impacted you in one way or another, I humbly ask that you please pray for the company and all of its employees.”

At ang apela rin ni Liza sa mga mambabatas na boboto sa Lunes, “To the congressmen and women who are tasked to decide upon our franchise renewal, please, open up your hearts and hear our voices.


“ABS-CBN has always and will always be in service of the Filipino people. #kapamilyaforever #IbalikAngABSCBN,” tweet ni Liza para sa network kung saan Kapamilya siya sa loob ng siyam na taon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page