top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | July 13, 2025



Photo: Vice Ganda / YT



Viral ang picture na magkasama ang It’s Showtime (IS) host na si Vice Ganda at ang isa rin sa mga dating hosts ng Kapamilya noontime show na si MC Muah. 


Nagkita ang dalawa sa comedy bar na pag-aari ni Vice sa Kyusi. Ipinost ng isang netizen sa X (dating Twitter) ang dalawang pictures na magkasama sina Vice at MC.


Caption ng netizen, “Vice Ganda and MC! All is well (white heart).”


Samu’t sari ang comments ng ibang mga netizens sa posted pictures nina Vice at MC. 

Sey nila, “They were never really not okay. They just laid low for a while. Their friendship won’t easily be broken dahil lang kay bwak, bwak, bwak. Basta naniniwala ako na okey talaga sila. Hahaha!”


“Honestly, ‘yan din naman naisip ko. They needed space from each muna. But also at the same time, ‘di ko gets ba’t nila kailangan mag-shade kay VG though by liking those YouTube (YT) comments?”


“Sinasakyan din siguro nila ‘yung issue. Hahaha!”

“Friends pa rin ang mga ‘yan, ‘yun siguro, may awkwardness pa rin dahil sa issue.”


Hindi rin siyempre mawawala ang mga comments ng mga bashers sa viral photo nina Vice at MC. 


“Na-increase-an na siguro. Pera-pera lang din naman ‘yan si MC. Bwak, bwak, bwak! Charot. Ayusin n’yo ‘yan nang makapag-mahjong na.”


“Grabe! Kunwari lang nila ‘yan, ‘noh!!!”


On a separate post, nasilip namin sa Instagram (IG) ng isa sa mga stand-up comedians na nagpe-perform sa bar ni Vice na si Tammy Brown ang picture nila ni Vice kasama si MC sa loob ng dressing room.



Sey ni Tammy sa kanyang IG post kahapon, “Isang masaya at nag-uumapaw na pagmamahal ngayong gabi. Sobrang masaya ang puso naming lahat @praybeytbenjamin at Kuya @mcmuah.”


Na-happy din ang mga followers ni Tammy sa kanyang latest IG post:

“Happy Anniversary (sweet red heart emojis & sweet candy emoji).”

“My heart is so happy seeing them both together.”

“I’m so happy to see them both together.”

“Yehey! Nice to see Meme (Vice) and MC together again. Mag-sisters talaga sila.”

True…



NA-SENTI ang mga Kapamilya stars sa nalalapit na paggiba sa iconic Millennium Transmitter o ang tinatawag na ABS-CBN Tower. Kani-kanya sila ng post sa social media ng picture nila kung saan nasa background ang ABS-CBN Tower. 


Una na d’yan si Anne Curtis na isa sa mga loyal stars ng ABS-CBN. Ipinost niya ang picture niya kasama ang iba pang It’s Showtime (IS) hosts na nag-pose sa harap ng ABS-CBN Tower.


Well, paglipat niya sa ABS-CBN mula GMA-7 ay hindi na siya nagpalipat pa sa ibang TV networks.


Caption ni Anne sa kanyang Instagram (IG) post kahapon, It’s Showtime! Saying goodbye to the iconic tower but not to the memories Showtime has made from its broadcast (red, green & blue hearts emoji).”


Sey naman ni Amy Perez na isa ring IS host, “Today we say goodbye to the historic Millennium Tower, a symbol of hope, strength, and joy for numerous years (red, green & blue heart emoji) Ready for our next chapter together (red heart emoji).”


Pahayag naman ni Ogie Alcasid na member din ng IS family, “Dito po ako nagsimula noong taong 1991 sa programang Small Brothers kasama sina Pareng @jannolategibbs, sina Cheenee de Leon, Janet Arnaiz, Racel Tuazon, at ang

Neocolours. Hinding-hindi ko ito malilimutan. Salamat sa ‘yo at sa inyo. Mananatiling #kapamilyaforever.”


Para naman kay Cherry Pie Picache, “An emotional farewell to the physical representation of dreams, hard work, livelihood, creations, stories, memories... of hope, service and love for thousands of people, including I. Its meaning, different for every individual. 


“A history. Such is life. Changes, evolvement and to proceed are inevitable. 

“Once again a reminder, it is essential to be able to transcend and to be grateful, always, that you were and are a part of the process. 


“Though physical presence is lost, the connection, the love and the spirit lives on. As our leaders say, home is where your heart is (red heart emoji).”


“Closing time, every new beginning… Comes from some other beginning’s end… Closing Time (musical notes emoji).”

So, there.



 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 12, 2021


ree

Pagkaganda-ganda ng ASAP Natin ‘To last Sunday. Malulula ka sa dami ng mga naglalakihan at pinakamaningning na Kapamilya idols.


Dahil d’yan, umapaw ang pagbati mula sa mga manonood sa free TV at mula sa mga netizens. Pang-world-class din kasi talaga ang performers at production value ng ASAP Natin ‘To.


In fact, nag-number one top trending topic sa Twitter ang #ASAPKapamilyaForever.


Marami rin ang nasorpresa sa pag-apir sa ASAP Natin ‘To nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo na naghatid ng madamdaming mensahe para sa mga solid Kapamilya viewers.


Mensahe ni Piolo sa mga Kapamilya, “Your support and your trust will always be an inspiration for us to continue to be in the service of the Filipino.”


Matagal ding naging host si Piolo sa ASAP, pero nawala siya sa Kapamilya Sunday musical show at naging host sa katapat na programa sa TV5 for one season.


Dahil sa pag-apir muli ni Piolo sa ASAP, hiling ng mga netizens na bumalik na siya sa Kapamilya Sunday musical show.


“Sana makabalik na sina Piolo at Sarah sa asap...”


“Miss ko na kayo, sana soon makita na kayo sa Asap... asap.”


But as usual, hindi rin nakaligtas si Piolo sa mga bashers.


“Sana, panghawakan nila 'yan. Baka magulat lang din naman tayo at nandu'n na sa kabila! Basta: #KapamilyaForever"


“Kahit mga DDS kayo, (3 heart emojis) pa rin. Sana, magising na kayo. Kapamilya pa rin SILA...”


Eto naman ang mensahe ni Sarah sa ipinalabas na video niya sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, TV5 at A2Z last Sunday, “Hindi kami magsasawang paulit-ulit kayong pasalamatan dahil paulit-ulit n'yo ring pinapatunayan na ang magka-Kapamilya, hindi nag-iiwanan.”


Hopefuly, naibsan nito ang pagdududa ng iba na iiwan na rin ni Sarah ang ABS-CBN.


ABS-CBN pays tribute and expresses its gratitude to Filipinos sa patuloy na tiwala at suporta na ibinibigay nila sa network sa gitna ng kinakaharap nitong challenges through its new thanksgiving campaign Andito Kami Dahil Sa Inyo na ini-launch sa It's Showtime noong Sabado, July 10.


Kasama sa thanksgiving party ng ABS-CBN na ginanap sa ASAP Natin ‘To sina Vice Ganda, Daniel Padilla, Liza Soberano, Enrique Gil, Erich Gonzales, Joshua Garcia, and many more.


May special dance performance ng top Tiktok hits ang Star Magic artists at ASAP dance royalty na si Kim Chiu, Jane Oineza, Heaven Peralejo, Maris Racal, Vivoree Esclito and Maymay Entrata.


Naaliw kami sa ASAP Transformation dahil ang mga heartthrobs na sina Robi Domingo, Iñigo Pascual, Kyle Echarri, Darren, and OPM hitmaker Ogie Alcasid ay nag-transform bilang Hagibis members.


Bonggacious ang prod number ni Vice Ganda and at the same time, marami ang na-touch sa mensaheng ibinigay niya pati na ang madamdaming pagkanta niya ng hit song ni Ice Seguerra na Ano’ng Nangyari sa Ating Dalawa?


Pahayag ni Vice, “Kapamilya, anuman ang mangyari, sama-sama tayong aahon.”Comment ng mga netizens:


“From the start to end, nakaka-touch at nakakaiyak. Kapamilya Forever."


“Nakakaiyak. Naiyak ako kay Vice. Grabe! Laban ABS-CBN! 'Wag bibitiw dahil kami, hindi rin kami bibitiw para sa ABS-CBN KAPAMILYA forever. We love you always.”


ABS-CBN's tribute to its supporters culminates with a heartwarming performance of "Kapamilya Forever" from the country's finest singers Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Nyoy Volante, Jed Madela, Jason Dy, Erik Santos, Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, Gigi de Lana, Elaine Duran, Lara Maigue, Rachel Alejandro and Regine Velasquez together with the biggest and brightest Kapamilya stars.

 
 

MGA EMPLEYADO NG DOS PATI MGA NATANGGAL, MAY X'MAS BONUS PA RIN

Julie Bonifacio - @Winner | December 11, 2020


ree

Tunay na may hatid na liwanag at ligaya ang Kapaskuhan hindi lang sa mga natirang Kapamilya stars and employees pagkatapos ipasara ang ABS-CBN, kundi maging sa mga na-retrench na manggagawa during the pandemic.


Sa kabila ng pagkalugi ng almost P4 bilyon ng giant network dahil sa naging desisyon ng Kongreso na i-deny ang bagong prangkisa nito, sinikap pa rin ng Kapamilya Network na bigyan ng bonus ang kanilang mga empleyado pati na ang mga natanggal.


Ilan sa mga dating empleyado na nakatanggap ng kanilang bonus ang 'di napigilang i-post ang nararamdaman nilang saya.


Sabi ni Janya Regalo (Janyx), "Despite being harassed by the state and franchise got denied, ABS-CBN didn't forget us, the retrenched talents this Christmas. A surprise holiday cash gift came early. Salamat, Kapamilya."


"Ughh, I can't thank ABSCBN enough. Nakakatawa lang kasi one of the reasons kaya ito ipinatigil, dahil "daw" sa trato nito sa kanyang empleyado. Pero look at us having our separation pay plus Christmas bonus and incentives even though since nu'ng August pa kami retrenched."


Tweet naman ng dating host sa FM radio ng ABS-CBN na si DJ Jhaiho, "Grabe ka magmahal ABS-CBN! Maraming maraming salamat. Woohoooo!"


Nag-express din ng kanyang saloobin ang writer ng It's Showtime na si Alex Calleja sa kanyang social media accounts.


"How can you not love a company that still gives no matter what the situation is! Salamat ABS-CBN. #KapamilyaForever."


Last but not the least, ini-retweet naman ng komedyante-host-director na si John Lapus ang ipinost ni Janyx sa Twitter.


At heto ang mensahe ni John sa retweet niyang post ni Janyx, "Sobra! Iyak ako nang iyak. Salamat ABS-CBN."


Bukod d'yan, meron na ring na-retrench na empleyado ng ABS-CBN ang nakatanggap ng sulat notifying them na pinababalik sila to work again sa giant network.


Winner!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page