top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 29, 2024



Doc Willie Ong at Jessica Sojo - KMJS

May sagot si King of Talk Boy Abunda sa mga nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakapanayam ang 2-time Olympic gold medalist.


Halos lahat nga naman ng talk show host ay nagkakandarapa na mai-guest si Carlos sa kanilang programa, at si Tito Boy na lang yata ang hindi pa nakakainterbyu rito.


Sa isang panayam ng GMA kamakailan, ayon kay Tito Boy ay sinubukan ng kanyang team na imbitahan si Carlos para makapanayam sa Fast Talk pero hindi ito nangyari dahil sa conflict sa schedule.


Kaya naman, ayaw daw munang pilitin pa ng TV host na himayin or iprisinta ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ni Carlos.


“Napakahirap kasi kulang ako sa detalye. What we know is what we read, how much of that is really real? May mga reaksiyon tayo kasi nababantayan ko rin like all of you. 


“Napapanood ko rin, lalo na ‘yung umpisa, nag-post ang nanay ng ‘Mabuhay ang Japan,’ sumagot ang anak with Chloe in bed, lahat ‘yan nakita ko. ‘Yung mga sagutan, ‘di ko na alam kung ano ‘yung totoo at kung ano ‘yung hindi. 


“Sa parada, nandu’n ang tatay hanggang nag-change of heart na ang father, nag-iba na ang tono. So, katulad ng marami, I wanna know the truth, ‘di ba? It’s so hard to judge kasi limitado ‘yung aking facts,” paliwanag ni Tito Boy.


Hindi rin daw totoo na baka maging biased siya sa issue ni Carlos at ng ina nito since maka-nanay siya.


“Some people would say, ‘Boy is not interested because maka-nanay.’ Hindi naman, that’s not fair.


“Maka-nanay naman talaga ako at naniniwala naman talaga ako. Napakapersonal nu’n, at sasabihin ko na, ‘Walang gagawin ang nanay ko na hindi ko mapapatawad.’ But that's me, I will not impose that on anyone.


“Do I know the story of Carlos and the mom? I don’t. ‘Yung dynamics nila, bakit ganu’n, even the brother and sister, iba ‘yung pag-uusap nila,” sey ni Tito Boy Abunda.


'Di ginagawa ng ex-GF mo, Daniel… 

KATHRYN, NAPASAYAW NI ALDEN NG MAYBE THIS TIME 


Alden at Kathryn - KathDen - TikTok

Screenshot from video: Alden Richards at Kathryn Bernardo - KathDen - TikTok


VIRAL ngayon ang TikTok video nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na sinasayaw ang Maybe This Time dance trend.


Si Alden mismo ang nag-post ng video sa kanyang TikTok account at caption niya: “Maybe this time, we’ll make that future happen. #HelloLoveAgain.”


As expected, bentang-benta ang video sa mga netizens at kaagad na nag-viral. In less than 24 hours ay nasa 4 million na nga agad ang views nito.


Kahit sa maikling video na ‘yun ay lutang na lutang pa rin ang chemistry ng KathDen at ang dami ring kinilig sa caption ng aktor.


Nagulat din ang mga fans ni Kathryn na nagawa ni Alden na pasayawin ang aktres. 

“‘Di pa rin ako makapaniwala, napasayaw n’ya si Kathryn ng Maybe This Time trend (crying and hands-up emoji),” sey ng isang fan.


“This side of Kathryn is new to me, I feel like she’s been hiding it for so many years (heart emoji),” komento naman ng isa pa.


“Eh, ‘yung dati, ‘di ‘to nagagawa ni Kath, pero ngayon, may kasabay na s’ya sumayaw, cute! Mas lumalabas kulit n’ya (laughing emoji),” sey pa ng isang netizen.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | June 5, 2024



Showbiz Photo

Dalawang magkasunod na posts sa Instagram (IG) ng komedyanteng si Jeffrey Tam ang nagpa-excite sa mga netizens. Una ay ang piktyur niya kasama si Lovely Abella na kinunan sa isang motorbike event.  


Sina Jeffrey o Jeff at Lovely ay kasama sa record-breaking movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye.


Caption ni Jeff, “Mauna na kami sa Hong Kong ni @loveleyabella_ for HLG!! #HELLOLOVEAGAIN


Sa huling IG post ni Jeff, sila naman ni Alden ang nasa piktyur habang nasa isang video call.


Sey ni Jeff sa caption, “Malapit na ulit tayo magkita, parekoy! @aldenrichards02 miss na kita! Libre mo ko noodles sa Hong Kong ha! #HELLOLOVEAGAIN


Ang dami agad comments and reaction ng fans sa IG post ni Jeff kahapon:


“Tagal ng Nov. 13, pero mag-ipon na ‘ko ng pera pang-isang buwan na budget, once a week panonoorin ko sa sinehan. Budget ko na ‘yan, 4x ko panonoorin.”


“Super excited po sa Hello, Love, Again.”


“Yes, super excited na kami Kuya Jeffrey Tam. Sana lagi kang gumawa ng video ‘pag mag-start na kayo mag-shoot.”


Habang ang mga kababayan natin na nasa Hong Kong ay na-excite na makita ulit ang mga artista sa shoot ng part 2 ng Hello, Love, Goodbye.


“Excited na kaming lahat. Sana makita ko kayo ulit dito sa Hong Kong, saan po location n’yo uli dito at mapuntahan ko kayo?”


“Wait namin kayo sa Hong Kong️ (heart emoji).”


So, there.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page