top of page
Search
  • BULGAR
  • Dec 2, 2023

ni Ryan Sison - @Publisher's Note | December 2, 2023





Malugod na pagbati sa ating lahat!


Isang taon na muli ang lumipas mula nang unti-unti tayong makabangon sa hagupit ng COVID-19 pandemic.


Napakarami nating pinagdaanang pagsubok at patuloy pang hinaharap tulad ng tila araw-araw na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at walang humpay na pagtaas ng presyo ng krudo na ang kasunod ay dagdag na mga bayarin sa kuryente, tubig, transportasyon at edukasyon gayundin ang krisis-pangkalusugan, kabilang na ang lumalalang problema sa mental health ng marami nating mga kababayan at kabataan.


Idagdag pa rito ang paglaganap ng iba’t ibang uri ng krimen sa maraming dako ng bansa na ikinababahala na ng marami sa atin.


Isama rin dito ang ilang report ng mga nagkalat na scammers na namamayagpag pa online.


Ilan lamang ito sa mga problemang madalas na naiuulat sa radyo, telebisyon, social media at pati na sa mga pahayagan. Sa tulong ng mass media, madaling naipaparating sa publiko, higit lalo sa pamahalaan, ang mga suliraning nagpapahirap sa ating mga kababayan.


Subalit, kung marami man sa atin ang halos padapain ng pandemya dahil lubhang naapektuhan ang pamilya, hanapbuhay, negosyo at ekonomiya, pinipilit nating maging matatag para makaahon sa pagkakalugmok na ito.


Marami mang negatibong nangyayari sa ating bansa, isaisip nating marapat lamang na tayo ay magpalakas at magpatibay dahil kailangan nating sumabay sa agos para mabuhay.


Hindi madaling humarap sa mga hamong ito subalit kapag sama-sama ay makukuha nating tumayo at magpatuloy.


Kaya naman kaisa ninyo ang BULGAR na hindi susuko sa mga laban na ito.


Bilang kolumnista at publisher ng ating pahayagan, naniniwala tayo na anuman ang ating katayuan sa buhay, sa biyaya at habag ng Poong Maykapal ay unti-unti nating magagawang magpakatatag at muling humakbang tungo sa pag-unlad.


Kaya sa pagdiriwang ng ika-32 taong anibersaryo ng BULGAR, labis-labis ang aming pasasalamat sa walang sawa ninyong pagsuporta sa aming pahayagan.


Bilang bahagi ng selebrasyon ng aming ika-32 taong anibersaryo, ihahatid namin sa inyo ang dalawang kuwento ng natatanging indibidwal na hinamon ng pagsubok subalit lumaban, pinatunayang sila ay maaasahan at ipinakita ang kanilang katatagan.


Una, ang guro na si Rosalina Nava mula sa Macario B. Asistio Sr. High School-Unit 1, na bukod sa pagtuturo ng Alternative Learning System (ALS) ay nakukuha pang magturo sa mga preso sa Caloocan City Jail.


At pangalawa, ang primary child rights advocate na si Atty. Eric Mallonga, na maliban sa pagiging abogado at founder ng paaralang Infant Jesus Academy ay nagtayo ng bahay-ampunan sa Marikina City — ang Meritxell Children’s World Foundation.


Malaking oportunidad din para sa atin ang mabigyan ng pagkakataon na magsagawa ng outreach program noong Nobyembre 24, 2023 sa Meritxell Children’s World Foundation, kung saan nagdaos ng medical mission, katuwang ang Public Attorney’s Office (PAO) at volunteers na mga pediatrician para bisitahin at ma-checkup ang mga batang inaaruga nila.


Gayundin, binisita natin ang mga estudyante ng ALS sa Macario B. Asistio Sr. High School habang sila ay nagkaklase.


Mahal naming mga ka-BULGAR, naging simple man ang naturang mga programa, pero nagdulot ito ng makabuluhang kasiyahan sa mga bata sa panahon na maaaring sila ay nanghihina dahil sa pangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay.


Lubos ang aming pasasalamat sa inyo, dear readers ng BULGAR at maging sa mga viewers natin sa online, dahil KAYO ang tunay na nagpapatatag at nagbibigay ng inspirasyon para kami ay manatili sa larangang ito.


Asahan ninyong ipagpapatuloy ng BULGAR na maging BOSES NG MASA AT MATA NG BAYAN — kasabay ng pangakong bago at napapanahong mga balita, updated at makatotohanang showbiz at sports report ang ihahatid namin sa inyo.


Mas lalo rin naming pagbubutihin ang aming mga online shows — #Celebrity BTS, Tagapag-BULGAR, Date kay Maestro, BULGAR Sports Beat at ang Chika pa More! with Tres Marites. At sa papasok na taong 2024, asahan ninyong mas marami pa kaming bagong pasabog na ihahatid sa ating mga mahal na followers ng BULGAR.


Muli, maligayang ika-32 taong anibersaryo sa BULGAR at mabuhay tayong lahat!


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 16, 2023



Handang harapin ni Sabrina M. ang anumang kasong isasampa laban sa kanya dahil sa pag-amin niya sa naging relasyon nila ng yumaong aktor na si Rico Yan.


Ayon kay Sabrina, “Hindi po ako magpa-public apology according to my lawyers po, kasi alam ko naman po ang katotohanan po.”


'Yan ang official stand ni Sabrima M. na ipinarating niya sa pamamagitan ng aming entertainment editor dito sa BULGAR na si Janice Navida a.k.a. Ateng Janiz.


Nagkaroon ng palitan ng mensahe sina Ateng Janiz at Sabrina via Facebook Messenger kahapon.


Inimbita kasi ni Ateng Janiz si Sabrina na samahan kami sa live episode ng BULGAR’s online talk show na napapanood sa Facebook page ng BULGAR tuwing Sabado, 11 AM-12 NN, ang #CelebrityBTS Bulgaran Na.


Pero kagigising lang daw ni Sabrina nu’ng malapit nang mag-start ang #Celebrity BTS Bulgaran Na. Napuyat yata siya the other night dahil nakipag-meeting siya with her lawyers.


Narito pa ang mensahe ni Sabrina kay Ateng Janiz bilang sagot sa bali-balitang idedemamda siya kapag hindi nagbigay ng public apology.


“Wala pong public apology na magaganap. Kung anumang panakot na ikakaso nila, karapatan nila 'yun at haharapin na lang namin ng mga abogado ko ang isasampa nila.


“Sinabihan na rin po ako ng abogado ko na 'wag nang mag-comment pa. Nag-review na rin kami ng videos sa YouTube para alamin din kung sino ang puwede naming kasuhan,” eksklusibong pahayag ni Sabrina sa BULGAR.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | March 18, 2023



Very poetic and dramatic ang way ng pagri-reveal ni Garie Concepcion sa kanyang pagbubuntis para sa first child nila ng singer at long-time boyfriend na si Michael Pangilinan.


Siguro naman, knows n'yo that Garie is the second daughter ng '80's matinee idol na si Gabby Concepcion kay Grace Ibuna.


Sa video na in-upload ni Garie sa kanyang Instagram last March 5 ay ipinakita niya ang result sa pregnancy kits na ginamit niya.


And take note, not one, not two, but five pieces na pregnancy kits ang ginamit ni Garie para lang makasiguradong buntis siya.


Nandu'n din ang sonogram ng baby nila ni Michael. Medyo malaki na ang baby dahil nasa trimester na ng kanyang pagbubuntis si Garie. She is scheduled to deliver her firstborn this coming May.


This is definitely the reason kaya “nanahimik” sa socmed si Garie nang ilang buwan. Her last post sa Instagram bago ang pagri-reveal niya about her pregnancy ay noong September 22 last year.


Say ni Garie sa video, “I have had my fair share of highs and lows these past years. These things and experiences, which sometimes you question, must have a purpose in this journey called life.


“Some of you may be wondering what’s been going on with me the past couple of months, I would post a little on my social media accounts, but it still won’t give away so much about me and what life has been like lately.”


Her pregnancy daw ang “biggest role” na gagampanan niya at bagong adventure na tiyak na ikababago ng kanyang buhay forever.


“Out of all the surprises that life has thrown at me, this by far is the best one yet,” diin niya.


Kung si Baby Amila nina Gregg Homan at Angelica Panganiban ay tinawag nilang “Bean” at “Peanut” naman si Baby Rosie nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, “Miracle” and “Bean” naman ang tawag ni Garie sa baby nila ni Michael.


“You came to us at the most unexpected time but you were the greatest gift that mommy and daddy can ever receive,” she addressed her child. “Thank you for choosing us to be your parents… See you in a few months Baby Bean! Coming soon this May 2023,” say pa ni Garie.


Binilang namin ang mga buwan (‘Di bituin, ha? Kay Ate Guy ‘yun!) nu’ng huli naming nakita si Garie. That was during Angeline Quinto’s concert sa Resorts World kung saan nag-perform din si Michael kasama ang grupo niya na BuDaKhel na sina Bugoy Drilon at Daryll Ong last November.


Buntis na pala si Garie that time kung bibilangin namin ang buwan ng kanyang kapanganakan.


Nag-PM kami kay Garie to congratulate her and Michael and she confirmed to us na preggy na nga siya nu’ng November.


Ikalawang baby na ni Michael si “Miracle/Bean” at ikalawang panganay din.


Comment ng mga netizens…


“Another panganay.”


“Tatay nga ni Garie, 4 yata ang panganay.”


Ayan, speaking of Gabby Concepcion, nagkatuwaang tinawag na “lolo” si Gabby ng mga netizens.


“Lolo na si Gabby.”


“Naalala ko tuloy pa'no niya harangan ang nanay nitong si Garie dahil dinudumog ng mga reporters, eh, ang laki ng tiyan, ngayon 'yung nasa tiyan na niya ang pregnant. How swiftly time flies”


Treeew!

DENIECE, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA LUMIPAD SILA PA-SINGAPORE NI CEDRIC



Eksklusibong nagpadala ng text message si Deniece Cornejo sa patnugot ng BULGAR na si Janice "Ateng Janiz" delos Santos-Navida bilang reaksiyon sa naisulat namin kahapon na pagpunta niya sa Singapore kasama si Cedric Lee.


Lumabas sa aming kolum ang ipinost ng netizen sa Twitter na may account name na Joey Ledesma.


Ayon sa netizen, “Cedric Lee and Deniece Cornejo book plane to Singapore.”


Ito'y matapos daw maabsuwelto si Vhong Navarro sa kasong rape na isinampa ni Deniece.


Agad na pinabulaanan ito ni Deniece sa ipinadala niyang text message kay Ateng Janiz.


Text ni Deniece (as is), “Ms. Janice, gumawa nanamn mag bulgar ng fake news na lumipad daw ako sa SINGAPORE. Ano po masasabi nyo? Bakit nanamn May mga fake news na ganto?”


Sinubukang imbitahan ng aming patnugot si Deniece para mag-guest sa online show na #Celebrity BTS Bulgaran Na sa Facebook page ng BULGAR na live this Saturday, 11 am to 12 nn, para sa mga paglilinaw na gusto niyang malaman ng publiko, pero tumanggi ang modelo.


Hindi pa raw kasi siya handang magsalita.


So, there.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page