top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg
Search

ANGELICA, AMINADONG NANLOLOKO NA RIN NGAYON

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | September 21, 2020




Sa #AskAngelica virtual presscon ay inamin ni Angelica Panganiban na may mga tumawag at nag-offer sa kanya mula sa ibang network pagkatapos maipasara ng Kongreso ang ABS-CBN at hindi nila aprubahan ang aplikasyon para sa bagong prangkisa nito.


Pero hindi ito kinagat ng aktres, “Hindi kasi sumagi sa isip ko, eh. Hindi pa siguro ngayon. Hindi ko puwedeng pangunahan ‘yung mangyayari, 'di ba? Pero ngayon, hindi ko lang kaya. Happy ako, eh, kung nasaan ako ngayon, hindi ko pa nakikita ‘yung need bakit.


“I have nothing against naman sa mga kaibigan ko rin na gustong magtrabaho sa ibang network, 'di ba?


“May mga pangangailangan tayo, eh. May mga kaibigan tayo sa industriya na talagang kailangang-kailangan, so, du'n sila, 'di ba?


At dahil siguro hindi naman niya tinanggap ang offer ng ibang network ay naisip ng Kapamilya Network na bigyan siya ng projects dahil bukod sa pelikula nila ni Coco Martin na kinunan sa Dubai ay heto at may teleserye siyang Walang Hanggang Paalam na mapapanood na sa Setyembre 28 handog ng Dreamscape Entertainment at itong bago niyang digital show mula naman sa Star Cinema, ang #AskAngelica.


Sabi ng aktres-cum digi-host na ngayon, “Ako naman, I’m very thankful na hanggang ngayon, may trabahong ibinibigay sa akin 'yung ABS-CBN.


“Dito na muna ako. Siguro, 'pag walang-wala na talaga, wala na kaming makain pamilya (natawa), saka ako lilipat. Pero hangga’t meron, okey pa naman ako.”


Anyway, ikinuwento ng dalaga kung paano nagsimula ang #AskAngelica na matagal na palang concept at ngayon lang natuloy.


“Ginagawa namin ito ng Star Cinema kapag may ipino-promote na movie. Nag-start ito siguro sa (pelikula) Unmarried Wife (2016) yata, then every project na ginagawa ko, may ganito na may Ask Angelica at nag-i-enjoy kami. Una, isang episode lang, then throughout the promo, umabot na nang tatlong episodes bawat promo.


“Masaya kasing gawin, nakakatuwa rin kasing makinig ng iba’t ibang issues/problema ng mga tao na pinagdaraanan, then at some point, makaka-relate ka talaga and ang sarap ding i-share ng mga proseso mo nu’ng na-experience mo ‘yung ganu’n klaseng problema at paano mo rin nalagpasan.


"And enjoy ako kasi naaliw ko 'yung sarili ko and at the same time, feeling ko naman, nakatutulong ako sa kanila, napapatawa ko sila. Saka, kino-consider nila ‘yung mga suggestions ko, mga advice ko na seryoso, ha, kasi kilala n’yo rin naman ako, mahilig din naman akong manloko ng mga tao. Alangan namang ako lang lagi ang niloloko, 'di ba? Kailangan, ako rin,” nakangiting kuwento ni Angge (palayaw ng dalaga).


Samantala, inamin din ng aktres na nag-breakdown siya during the 6 months’ quarantine at talagang hindi niya alam ang gagawin dahil mag-isa lang siya sa bahay niya.


“Paano ako binago ng quarantine? ‘Yun, na-realize ko, kaya ko palang mag-isa.


“Nu’ng unang linggo (lockdown), ang scenario kasi was galing kami ng Dubai, nag-shoot kami ng movie with Coco (Martin), pag-uwi ng Manila, talagang lockdown na. Wala akong pagkain sa bahay kasi galing akong abroad, eh. Talagang mag-uubos ka ng food kaysa masira.


“So, pagbalik ko ng bahay ko, wala akong pagkain, so mag-isa lang ako, though si Ketchup (Eusebio), nag-quarantine sa akin for two weeks bago siya umuwi sa family niya. So, nu’ng nandito pa siya, okay pa (ako).


“Pero nu’ng ako na lang, talagang tumawag na ako sa mga boss (ABS-CBN), eh, kasi galing ka ng Dubai, galing ka ng eroplano, so hindi ko alam na kapag nagkaroon ka ba ng Covid, mamamatay ka ba agad o ano ‘yung survival rate, 'di ba? Doon siguro ako nag-breakdown, madaling-araw tinatawagan ko ang mga boss ng ABS, napakakapal ng mukha ko, ha, ha!


“Gusto ko kasi ng sagot at sino ba ang responsible sa amin kasi siyempre, sila ‘yung nagdala sa amin abroad tapos biglang nagkaroon ng pandemic. Sila (management) ba ‘yung magpapa-swab o kami, kasi mental health ko na ang napapraning.


“Okay naman, kumalma naman ako nu’ng may nakakausap na akong mga doktor na as long as nasa loob lang ng bahay, ‘wag talagang matigas ang ulo. Sinunod ko naman nang pagkatagal-tagal, naka-survive naman ako at nakapag-adjust na rin.


“Siyempre, nu’ng una, iniisip ko na rin na bakasyon ‘to dahil 28 years ka nang nagtatrabaho, puwede ka ring magpahinga. ‘Yun din naman ‘yung okay din on the lighter side. ‘Yun din ang mga magandang nangyari, talagang nakapahinga.”


Ang #Ask Angelica ay simula na sa Setyembre 28, 8 PM at sina Kim Chiu at Bela Padilla ang special guest na mapapanood sa social media accounts ng ABS-CBN Films (Star Cinema and Black Sheep), YouTube channels ng Sinehub at MyChos, Kapamilya Online Live streams at Kumu. May delayed telecast din ito sa Cinema One at Jeepney TV.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page