top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 31, 2026



Shuvee Etrata

Photo: DoIG / Shuvee Etrata



Mismong si Shuvee Etrata ay nagtataka rin sa sarili niya kung bakit kinikilig pa rin siya hanggang ngayon kapag nakikita ang long-time crush na si Donny Pangilinan.

“‘Di ko alam kung bakit ako kinikilig, ang tagal-tagal naman na,” aniya sa panayam ni Ogie Diaz.


“Naiinis na rin ako sa sarili ko. ‘Di na dapat ako ganu’n, artista na rin ako, ‘di ba? Pang-ano ba?” dagdag niya.


Pero siguro raw, kapag nakikita niya si Donny ay bumabalik ang panahong hindi pa siya artista at fan lang siya ng aktor.


“‘Pag nand’yan talaga s’ya, naaalala ko ‘yung mga moments, Mama Ogs, na feeling ko, ‘di ako magiging artista. ‘Yung akala ko, magiging fan lang ako forever,” aniya.


Bina-bash kasi ngayon si Shuvee ng DonBelle fans dahil sa lumabas na video kung saan nagkita sila ni Donny sa isang party at kitang-kita na halos mamilipit siya sa kilig nang makita ang aktor.


Kuwento ng Sparkle artist, nang pumunta siya sa nasabing party ay hindi niya alam na makikita roon si Donny.


“Kaya ganu’n na lang po ‘yung reaction ko. Actually, ‘di ko napanood ‘yung video. Ang nagsabi sa akin, si Donny. Sabi, ‘Uy, viral na naman tayo.’


“Sabi ko, ‘Ha? Ano’ng nangyari? May kasalanan na naman ba akong ginawa?’ ‘Pag ganu’n, ‘pag viral, naaaning ako,” sey ni Shuvee.


Nang matanong kung open ba siya na pagtambalin sila ni Donny, sagot niya, “Baka patayin na ako ng DonBelle fans, Mama Ogs.”


Matatandaang nag-sorry na si Shuvee sa mga fans nina Belle Mariano at Donny nang ma-interview siya ng press kamakailan, at inulit niya ito sa panayam ni Ogie.

“I’m also a DonBelle fan po, sorry, ‘wag n’yo po sana akong i-crucify. Crush lang po talaga,” sambit niya.


Samantala, nagsalita na rin si Donny Pangilinan tungkol sa viral video sa pamamagitan ng kanyang X (dating Twitter) account at nakiusap sa mga fans na itigil na ang pagpapakalat ng hate. Umapela rin siya na huwag idamay sa isyu si Belle Mariano.





PROUD na ifinlex ni Alexa Ilacad ang latest achievement niya, ang pagsisimula ng construction ng kanyang holiday home.


Makikita sa Instagram (IG) post ng aktres ang video ng groundbreaking ceremony na kasabay ng kanyang kaarawan noong Pebrero.


“Another milestone happened last month, on the day of my birthday. We broke ground on my future holiday home. It’s my home away from home, my chill space far from the noise and closer to family,” caption ni Alexa.


Makikita sa tarpaulin na isang malaking two-storey house ang kanyang ipapatayo na pinangalanan niyang La Alexandra.


Sa comment section ay dumagsa ang pagbati mula sa mga fans at mga kapwa celebrities tulad nina Barbie Imperial, Rufa Mae Quinto, Vina Morales, Bianca Gonzalez, Mica Salamanca, Michael Sager, at Cassy Legaspi.

Congratulations, Alexa Ilacad!


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 30, 2026



Dominic Ochoa - Kay Susan Tayo - YT

Photo: Dominic Ochoa - Kay Susan Tayo - YT



Naging emosyonal si Dominic Ochoa habang ginugunita ang huling gabing kasama ang kaibigang si Rico Yan bago ito pumanaw noong March 29, 2002.


Bilang pag-alala sa ika-24 death anniversary ng dating heartthrob, nagpaunlak ng panayam ang aktor kay Susan Enriquez ng GMA-7 upang pag-usapan ang magagandang alaala ng kanilang friendship hanggang sa kamatayan nito.


Isa si Dominic sa mga kasama ni Rico na nagbakasyon sa Dos Palmas Resort sa Palawan, kung saan pumanaw ang dating heartthrob sa gulang na 27.


Ayon kay Dominic, kagagaling lang ni Rico sa breakup kay Claudine Barretto noon at medyo depressed ito, kaya nagyaya sa Palawan upang makalimot.


“We weren’t supposed to be there during that time. We did a show kasi for a mall in Davao na ang may-ari rin, ‘yung Dos Palmas,” pag-alala ni Dominic.


“To cut the long story short, there was a breakup that happened, and then Rico just wanted to go out of town and he bought tickets for everyone even without asking us kung sasama kami o hindi. So, obligado kaming samahan ‘yung lolo (Rico) mo,” patuloy niya.

“But I always believed na inilagay kami ng Diyos sa tamang lugar para samahan ‘yung tao,” aniya.


Aminado si Dominic na medyo nakainom sila ni Rico nang gabi ng March 28 dahil depressed nga raw ang kanyang kaibigan.


“I remember going home, going back to the villa, sinabi niya na ‘This is the best days of my life, puwede na kong…’” paggunita pa ni Dominic.


Ipinaliwanag niya na may sleep apnea si Rico at malakas itong maghilik kaya sa loft ito natutulog noon.


“Ang apnea kasi, parang you sleep, nahuhugutan ka ng hininga,” saad pa niya.

Madaling-araw na raw natulog si Rico at kinaumagahan ay pinuntahan siya ni Dominic sa loft para gisingin ito. Pero wala na raw itong buhay nang makita niya.


“When I woke up at 9:45 AM, and we tried to wake him up, he was… well, to go straight to the point, Rico passed,” malungkot na pag-alala ni Dominic.


Muli ay mariing itinanggi ng aktor ang mga kontrobersiya at intriga sa pagkamatay ni Rico na diumano ay nag-drugs sila noong gabi bago ito pumanaw.


“We never (took) anything, especially si Rico,” aniya.

Pinabulaanan din niya ang tsismis noon na sinaktan ni Rico si Claudine kaya nag-break ang dalawa.


“When someone wrote something about him doing this du’n sa babae, medyo nakakasama ng loob din. ‘Yun ‘yung tinatawag na ‘di pa uso ang fake news, may fake news na rin noon,” ani Dominic.


“‘Yung may nagsabi na nananakit s’ya, he’s not the type,” pagtatanggol ng aktor sa pumanaw na kaibigan.


Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa aktor ang mga paratang at akusasyon sa kanila noon hinggil sa pagkamatay ni Rico.


“It’s always a lesson na words can really affect people. So please be careful with the words na bibitawan po natin. Kahit lang ‘yung news na we took something? Parang come on guys, we’re mourning, namatayan kami ng tao, tapos gagawa kayo ng istorya na very detailed,” sey ni Dominic.


“I will never change my statement because it’s the truth and God knows that,” dagdag pa niya.


It took three years bago raw siya naka-recover at naka-move on sa pagkawala ni Rico.

Ayon pa kay Dominic, ayaw na raw sana niyang magpa-interview tungkol kay Rico dahil ayaw niyang masabi na ginagamit pa nila ang pagkamatay ng kaibigan at matagal na rin itong lumipas.


“Honestly, ayoko nito kasi ang tagal na, eh, 24 years na. Parang I wanna let it pass. Kumbaga, pagpahingahin na natin ‘yung tao,” aniya.


“And I don’t want people to think that we’re using him pa or… ‘di ba?” dagdag pa niya.

Kapag gusto raw niyang makausap si Rico, nagpupunta lang siya sa puntod nito pero hindi na raw niya kailangan pang i-video.


“I just go pray, I just go talk to him. ‘Yun lang,” aniya.


“‘Pag birthday niya, nagdadasal ako. Actually, may karera ako nu’ng birthday n’ya, eh. So I prayed to keep me safe. Ganu’n lang. But ‘di n’yo alam ‘yun. It’s an intimate relationship with him and my best friend. ‘Di kailangang i-post lahat. ‘Di kailangang malaman ng lahat,” ani Dominic.


Nang mahingan ng mensahe para kay Rico, saad ni Dominic na naging emosyonal, “Well, I just wanna keep it simple. We miss you, bro. ‘Yun lang.”

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 29, 2026



FRANKLY - BELA, NAG-RENT PA NG FIRING RANGE MATUTO LANG BUMARIL-IG _bela

Photo: IG @bela



Hindi biro ang ginawang training nina Richard Gutierrez, Gerald Anderson at Bela Padilla para sa kani-kanilang karakter sa Blood vs. Duty (BVD), ang bagong serye sa primetime ng ABS-CBN.


Kuwento ng action director na si Erwin Tagle sa mediacon last Friday, bukod sa official training ay mayroon pa raw individual secret training na isinagawa ang cast para masiguro na makapag-deliver nang maayos sa mga matitinding action scenes.


Sey naman ni Richard, naging panuntunan na raw niya na sa tuwing may bagong project ay talagang ibinubuhos niya ang lahat ng mga preparations na kailangan para sa kanyang karakter.


“Every time I enter or sign up for a project, I really prepare myself physically, mentally and spiritually. Kasi, it’s not going to be easy.


“You know, all of these that we’re doing now, the things and product that you see, grabe ang sakripisyo at pagod at hirap na pinagdaraanan namin. But we do it with passion. We do it with love for our craft, love for our audience,” pahayag ni Richard.


Tsika naman ni Gerald, may isang eksena raw siya na talagang hindi siya kumain sa maghapon dahil nakahubad siya sa scene at super-diet pa raw siya bago gawin iyon.

Madaling-araw kinunan ang eksena kaya hindi birong dusa ang inabot niya dahil talagang hindi siya kumain the whole day.


Isa si Bela sa mga nauna nang nag-training kay Direk Erwin bago pa man ang official training.


“Pero on the side, I did my own stuff also. I rented out firing ranges, nag-aral ako on my own also, para lang makasabay ako kay Richard kasi ang lagi kong kaeksena, si Richard. Eh, si Richard, ilang taon na ‘yang nag-aaral, ‘di ba?” ani Bela.


Before the mediacon ay nagkaroon ng advanced screening na ginanap sa Trinoma Mall at ipinakita ang first three episodes ng serye na talagang hinangaan ng mga manonood.

Pilot week pa lang ay madugo na agad ang mga stunts at action scenes na ipinakita ng cast. Palakpakan ang lahat sa eksena ni Chard kung saan ay pinalipad niya ang motorsiklong sinasakyan.


Mula sa JRB Creative Production ng ABS-CBN ang nasa likod nito sa pangunguna nina Julie Anne R. Benitez at creative head na si Dindo Perez. 


Mapapanood na ang Blood vs. Duty sa Netflix simula Abril 3, sa iWant simula Abril 4, at sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live simula Abril 6.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page