top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 27, 2025



FRANKLY - DONNALYN, GOODBYE NA SA PAGBA-VLOG_FB Donnalyn

Photo: FB Donnalyn



Bago matapos ang taon, may importanteng announcement na isinagawa ang content creator-aktres na si Donnalyn Bartolome.


Inanunsiyo ng girlfriend ni JM de Guzman sa kanyang latest vlog na may titulong The Gift Reverse na titigil na siya sa paggawa ng vlogs.


“I never really asked myself what would really make me happy. And even if I did, the answer to that would be making others happy. It’s still the same,” pagsisimula niya.


Aminado siyang hindi naging madali kung paano niya ito iaanunsiyo sa kanyang 10 million subscribers sa YouTube (YT). Pero ito raw ang kanyang regalo sa sarili.


“There’s no easy way to say this, especially to 10 million of you, but I’m saying goodbye to vlogging. That is my gift to myself,” wika niya.


“There are so many things about me that I can’t share with all of you and because of that I can’t be my authentic self. Bits and pieces of me are scattered. You can’t paint the full picture with it,” paliwanag niya.


Pinasalamatan ng content creator ang lahat ng sumuporta sa kanya sa kanyang vlogging career dahil natulungan din daw niya ang kanyang pamilya dahil dito.


“I wanna thank all of you. Because of your support, I was able to help provide for my family, my loved ones, and other people. I was able to share opportunities with everyone around me because of you.


“Thank you for your forgiveness for the time I slipped, and thank you for remembering and

celebrating me for the things I did right,” mensahe niya.


Pero bago tuluyang namaalam ay gagawa pa raw siya ng 10 vlogs kung saan puwedeng mamili ang kanyang mga supporters kung ano ang gusto nilang i-vlog niya.


“So I offer you the last 10 vlogs. The last 10 and you get to choose who or which personality you want to see on the channel and what we’ll do,” pagtatapos ni Donnalyn.

Why naman kaya titigil si Donnalyn Bartolome sa paggawa ng content lalo na sa vlogging? Hmmm…



MATAGUMPAY na isinagawa ng Purple Hearts Foundation ang kanilang year-end outreach program na pinamagatang ‘Purple Hearts Foundation Gives Back’ sa Kryzl Farmland, kung saan 150 kabahayan mula sa mga kalapit na barangay ang nabiyayaan ng tulong, saya, at makabuluhang samahan.


Bawat kabahayan ay kinatawan ng buong pamilya, mga magulang at anak, bilang pagpapakita ng paniniwala ng foundation na ang tunay na diwa ng pagbibigay ay mas nararamdaman kapag magkakasama ang pamilya. Nagsimula ang programa bandang alas-10 ng umaga at nagtapos ng ala-1 ng hapon, na isinagawa nang maayos at may malasakit sa bawat dumalo.


Ang programa ay pinangunahan ng young singer na si Love Kryzl at ng kanyang mga kapatid, na personal na nagplano at lumahok sa gift-giving, mga laro, at salu-salo. 


Bilang pasasalamat sa patuloy na biyayang kanilang natatanggap sa pamamagitan ng Purple Hearts supplement products, pinili nilang ibahagi ang tagumpay sa komunidad sa isang personal at taos-pusong paraan.


Bilang bahagi ng outreach, tumanggap ang mga pamilya ng mga grocery package, habang ang mga bata naman ay nabigyan ng mga laruan. 


Nagkaroon din ng mga laro, raffle, at sabayang tanghalian na nagpatibay ng diwa ng pagkakaisa at pasasalamat.


Kasabay ng programa, inilunsad din ang bagong music video ni Love Kryzl na pinamagatang Opo, Thank You Po, isang awiting nagbibigay-diin sa pananampalataya at taos-pusong pasasalamat. 


Ang mensahe ng awitin ay tumimo sa puso ng mga dumalo at nagdagdag ng emosyonal na lalim sa okasyon.


Naging posible ang tagumpay ng programa sa tulong ng Purple Hearts Foundation, Purple Hearts Production, at ng mga kawani ng Kryzl Farmland at Kryzl Gamefarm, na nagkaisa upang matiyak ang maayos, ligtas, at masayang karanasan ng lahat.


Nagtapos ang programa sa isang panalangin ng pasasalamat, na muling pinagtibay ang layunin ng Purple Hearts Foundation na maging patuloy na daluyan ng pagmamahal, malasakit, at serbisyo sa komunidad.


Ngayong Linggo, ilalabas ang Opo, Thank You Po, ang latest single ni Love Kryzl, kasabay ng official music video nito sa Facebook (FB) page at YouTube (YT) channel ni Love Kryzl.


Sa kasalukuyan, available na for streaming ang nasabing kanta sa Spotify worldwide.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 24, 2025



Herlene Hipon Girl Budol

Photo: IG Herlene Budol



Inamin ng beauty queen-aktres na si Herlene Budol na napahiya siya nang tumanggi si Bea Borres na kunin siyang ninang sa ipinagbubuntis nitong sanggol.


Sa guesting ni ‘Hipon Girl’ sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), isa sa napag-usapan ay ang pag-reject sa kanya ni Bea nang magprisinta siyang ninang sa first baby ng aktres-content creator na mapapanood sa isang vlog ni Alex Gonzaga.


Ayon kay Bea, love niya si Herlene pero may mga dahilan siya kung bakit hindi niya ito kinuha bilang ninang.


“So what if I ‘rejected’ Ate Herlene as a ninang. It’s not that serious and deep. I didn’t know naman na magiging issue sa inyo. Eh ‘di kayo mag-anak,” sey ni Bea sa kanyang

post.


“But seriously, first trimester pa lang I already have a list of ninongs and ninangs. By

the way, love ko si Ate Herlene,” aniya pa.


Sey ni Herlene, ang paliwanag daw ni Bea sa kanya ay puno na raw ang listahan nito.


Paliwanag naman ni Hipon Girl, naapektuhan lang daw siya nang magkuwentuhan sila at naisip niyang gustong mag-ninang hindi dahil sobrang close sila.


“Gusto ko mag-ninang kasi parang kulang s’ya ng protector. Kulang s’ya ng taong hindi man mag-ga-guide, pero poprotektahan ko s’ya with or without camera bilang isang kaibigan,” paliwanag niya.


Dagdag pa niya, “‘Di naman ako nasaktan. Napahiya lang ako. Actually, ‘di ko nga s’ya naisip.”


Ang natutunan daw niya sa isyu ay huwag mag-volunteer na mag-ninang.

“Hanggang sa paulit-ulit na lang na may nagtatag sa akin na dapat hindi ka pala nagvo-volunteer ‘pag may ganu’ng klaseng bagay. Natutunan ko ‘yun sa isyung ‘yun,” aniya.


Paglilinaw pa ni Herlene Budol, “‘Di ako naging against sa naging sagot n’ya sa akin. Hindi sumama ang loob ko, mas naiintindihan ko nga ‘yun.”





Todo-enjoy sa bakasyon…

DEREK, DINALA ANG ANAK NILA NI ELLEN SA UK



KASALUKUYANG nasa United Kingdom si Derek Ramsay for a holiday vacation kasama ang kanyang pamilya. Take note, kasama rin niya ang anak nila ni Ellen Adarna na si Lily.


Makikita sa mga Instagram (IG) posts ni Derek ang mga ganap niya sa UK kasama si Lily, na good thing ay pinayagan ng kanyang estranged wife.


Sa isang larawan ay makikitang karga-karga niya ang anak habang ipinapasyal niya ito sa Bourton-on-the-Water, Gloucestershire, England. Makikita ring ipinasyal niya ang anak sa isang candy shop doon.


Sa isa pang photo ay makikita ang larawan ng isang ulirang ama habang karga-karga niya si Lily at pinapadede ng gatas.


Caption ng aktor, “My back is killing me, my dear.”


Umani ng mga positive comments ang post na ito ni Derek mula sa mga netizens na pumuri sa kanyang pagiging responsableng ama.


“The best dad pa rin si @ramsayderek07,” komento ng isang netizen.

“Taking care of a child for 24 hrs is like no joke at all,” sey naman ng isa pa.


“I hated listening to Ellen’s rants and toxicity. I go for Derek. I understand his needs as a man. Go Derek. I’m still a fan,” saad naman ng isang tagahanga.


Ayon sa tsika, hanggang New Year mananatili si Derek Ramsay at ang kanyang pamilya sa United Kingdom.


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 22, 2025



FRANKLY - GABBI, INAMIN ANG SAKIT KAYA MABILIS TUMABA_IG _gabbi

Photo: IG _gabbi



Ini-reveal ni Gabbi Garcia sa kanyang Instagram (IG) post ang estado ng kanyang kalusugan at kung paano niya ito pinagdaraanan.


Pag-amin ng aktres, taong 2018 nang ma-diagnose siya ng polycystic ovary syndrome o PCOS at itinago muna niya ito.


“Movement became my safe space. My release. My stress reliever. My reset.

“I didn’t start working out to chase a certain body. I started because I wanted to feel strong, healthy, and good in my own skin,” simula ni Gabbi.


“I was diagnosed with PCOS back in 2018. It’s something I’ve kept to myself for a while. But about three years ago, I finally pushed myself to move, to show up for my body and take care of it instead of fighting it,” pagtatapat ng Kapuso actress.


“Yes, mabilis din akong tumaba. Minsan mataba ako sa TV. Oo, nakikita ko kahit todo-workout na ako. Minsan naman okay ako kung ‘di bloated. But yes, there are a lot of days when I feel bloated, days with a moon face, the PCOS belly, and everything else that comes with it,” patuloy niya.


Pero natutunan na rin daw niya itong tanggapin at dedma na sa pagiging sexy.

“And now, I’m at a point kung saan basta strong and healthy ako, okay na ako. Kaya kong tumakbo. Kaya kong magbuhat. Kaya ko ang sarili ko. Being sexy the way society defines it is honestly the least of my priorities,” aniya.


Saad pa niya, “This journey taught me body positivity in the truest sense, to be kinder to my body, to listen to it, and to appreciate everything it allows me to do. Not perfect. Just better. I’m still learning. Still showing up.”


Payo niya sa mga taong may pinagdaraanan din sa kalusugan na katulad niya, “If this is your journey too, be kinder to yourself. You’re not alone.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page