top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni VA - @Sports | June 18, 2021




Inangkin ng Emilio Aguinaldo College ang unang gold medal sa juniors division at ikatlong gold medal ng NCAA Season 96 matapos manalo ng kanilang atleta na si John Vergel Reyes sa online poomsae tournament noong Miyerkules. Nakatipon si Reyes ng kabuuang 7.217 puntos para makamit ang gold medal at magapi ang apat pang jins na nakatunggali sa standard juniors event ng ginaganap na special season.


Tumapos na pangalawa sa kanya at nagwagi ng silver medal si Aaron Isaac Sevilla ng San Sebastian College na nakakuha ng 6.717 puntos habang pumangatlo si Tor Timothy Castillo ng San Beda High School-Taytay na nakakuha ng 6.634 puntos. Una nang nagwagi ng gold medals sa seniors division ang San Beda University at Jose Rizal University na pinaghatian ang gold sa men's at women's standard events sa pamamagitan nina Alfritz Arevalo at Emie Soriano Fernandez ayon sa pagkakasunod.


Samantala, matapos ang panalo ng Gilas Pilipinas kontra South Korea noong Miyerkules ng gabi, 81-78, inaasahang inspirado lalo ngayon ang koponan sa muli nilang pagsabak sa laban sa ikatlong araw ng qualifiers.


Masusubukan muli ang tibay ng mga kabataang basketbolistang Pinoy sa pagtutuos nila ng Indonesia na pamumunuan ng kanilang naturalized player na isa ring dating PBA import sa katauhan ni Lester Prosper.Puntirya ng Gilas na makamit ang ikalawang panalo sa third window ganap na alas-6:00 ngayong gabi kasunod ng tapatan ng Japan at Chinese-Taipei ganap na alás-4:30 ng hapon para sa Group B.

 
 

ni VA - @Sports | June 16, 2021




Nangibabaw ang mga beteranong sina Nińo Surban at Ariana Dormitorio sa kani-kanilang event habang dalawang kabataan ang nagpamalas ng potensiyal noong nakaraang wéekend sa idinaos na PhilCycling National Trials para sa mountain bike sa Danao City, Cebu. Nagwagi ang men’s cross-country silver medalist noong 2019 Southeast Asian Games na si Surban sa 6-lap,3-km track sa Sitio Bugho sa Barangay Sandayong Sur at inangkin ang gold medal sa tiyempong isang oras, 22 minuto at 11.21 segundo. Sinundan siya ni Jericho Rivera na nakatawid sa uphill finish line dalawa at kalahating minuto ang lumipas pagkatapos ni Surban at pangatlo si Mark Louwel Valderama na naiwan ng mahigit 3 minuto. Natapos naman ni Dormitorio ang mas maigsing 5 lap,3-km loop race para sa kababaihan sa tiyempong 1:29:50.75. Pumangalawa ang baguhang si Nicole Quinones, anak ni 2003 Vietnam Seagames Men’s MTB gold medalist Eusebio Quinones at inuwi ang silver medal sa kanyang unang pagsabak sa Women’s Elite race pagkaraang maorasan ng 1:42:12.89.Sumunod sa kanya si Pamela Jane Ruiz na nagkamit ng bronze sa naitala nitong oras na 1:48:25.24. “Cycling is back,” wika ni PhilCycling head Rep. Abraham “Bambol” Tolentino na siya ring presidente ng Philippine Olympic Committee. “It’s more than a year since we have an official and this competition in Danao City marks our sport’s return.” The results showed our cyclists stayed in competitive form even during the pandemic. Everyone wanted to return to action,”pahayag naman ni Oscar “Boying” Rodriguez, ang PhilCycling vice chairman at MTB commission head na kasalukuyan ding chairman ng Danao City Sports Commission. Dalawa namang kabataang siklista ang kinakitaan ng potensyal na mapabilang sa national team. Una na rito si Gart Gaerlan na nanalo sa Men’s Junior race (four laps, 12.4 kms) sa tiyempong 1:03.27.73 at si Athena Marie Magpantay, ang Batang Pinoy champion sa Puerto Princesa noong 2018 na nanguna naman sa Women’s Junior category sa oras na 1:11:11.44. Ang susunod na idaraos ng PhilCycling ang National Trials For Road sa Hulyo 9 at 10 sa Clark, Pampanga.

 
 

ni VA - @Sports | June 06, 2021




Ganap ng naisyuhan ng kanyang Philippine passport bilang naturalized center ng Gilas Pilipinas si Angelo Kouame. Ang pasaporte ang dokumento na siyang magbibigay kay Kouame ng pagkakataon para makapaglaro kasama ng Gilas Pilipinas sa huling window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa darating na Hunyo 16 - 20 sa Clark, Pampanga. Ang Bureau of Immigration ang nag-release ng pasaporte ni Kouame noong Miyerkules, tatlong linggo pagkaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ganap na naging batas ang Republic Act 11543 na naggawad ng naturalization sa 6-foot-10 slotman na nagmula sa Ivory Coast. Bukod sa FIBA Asia Cup, nakatakda ring palaruin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa Serbia, 19th Asian Games sa China at FIBA World Cup na gaganapin sa bansa sa 2023 si Kouame. Umaasa ang SBP na makakatulong ng malaki si Kouame sa Gilas squad na pamumunuan nina Dwight Ramos, Isaac Go, Mike at Matt Nieto, Jordan Heading, Tzaddy Rangel at Will Navarro. “I am happy for Ange,” pahayag ni Gilas head coach Jong Uichico na mayroon pang inaasahang isang reinforcement sa katauhan ni Kai Sotto na dumating mula US para maglaro sa National men's basketball team. Kasalukuyan pa ring nasa training bubble sa loob ng Inspire Sports Academy sa Calamba ang Gilas at nakatakda silang magtungo sa Clark sa Hunyo 13.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page